10 "importanteng" gamit ni baby na pagsisisihan mong bilihin

Gaano man ka-cute tignan, mayroon talagang mga gamit ni baby na hindi dapat bilhin. Alamin kung ano ang mga gamit na sayang lamang sa pera at sa lugar.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Buntis ka na – congratulations! Maaaring di ka na makapag-antay mamili ng mga “importanteng” gamit para sa paparating mong baby. Ngunit alam mo ba na mayroon ding mga gamit ni baby na hindi dapat bilhin?

Maliliit na medyas para hindi ginawain ang mga paa, state-of-the-art stroller na may vibrating pad bilang pampa-hele… napakaraming mga gamit ang tila sumisigaw sa mga magiging magulang na, “bilhin mo ako! bilhin mo AKO!”.

Ngunit ito ang totoo. Kaunti lang ang kailangan ng baby para mabuhay nang masaya (ang pagmamahal mo habang buhay, at ang breast milk mo sa simula).

Kumausap ako ng mga may karanasan nang magulang. Magkasama naming kinilala ang mga sumusunod na baby products bilang pagsasayang ng pera at lugar kapag hindi na nagagamit. Ito ang 10 gamit ni baby na hindi dapat bilihin.

Mga gamit ni baby na hindi dapat bilhin

1. Magarang feeding chairs

Nangunguna ito sa mga gamit ni baby na hindi dapat bilhin. Ito ang dahilan kung bakit.

Sila ay ergonomically designed, maraming paddings, may gulong, brakes at designer bamboo-silk covers… at pag-aaksaya ng pera at lugar (Natutunan ko ito the hard way sa aking unang anak).

Walang tamang asal sa pagkain ang mga baby kapag nagsisimula nang kumain ng solids. Kakalat ang mga pagkain sa bawat lugar na maiisip mo (buhok, balat, sahig, aso, kisame…) pati syempre ang feeding chair.

Ang mga plush na paddings na binabalot ng maselan na rela ay malalagyan agad ng pagkain at mantsa. Sandali lang, ang iyong makulay, magara, at mamahaling feeding chair ay magiging madumi, mabaho, at malamang hindi na nagagamit habang humahanap ka ng mas praktikal na paraan ng pagpapakain sa iyong anak.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Alternatibo: Kumuha ng mura, madaling linisin, ordinaryong feeding chair. Siguradong magugustuhan ng mga ina ang ANTILOP high chair ng IKEA. Mayroon itong safety straps, natatanggal na tray, at madaling ilipat-lipat sa bahay (sobrang gaan).

Maaari rin itong basain ng tubig para linisin (nandito man ang baby o wala, ikaw ang bahala).

2. Sobrang daming pang newborn na damit

Ang mga maliliit na damit ay sobrang nakakatuwa at nakaka-akit na mamili ng marami nang sabay sabay. Pero ito ay isa sa mga gamit ni baby na hindi dapat bilhin ng maramihan. Tandaan na mabilis lumaki ang mga baby. Malamang ay hindi man lang masusuot ng iyong anak ang nasa kalahati ng 20 brand new na damit dahil kinalakihan niya ito agad.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Alternatibo: Kumuha ng ilang onesies na NB ang size. Iba-ibahin ang mga size ng iba pa para hindi paulit-ulit na namimili ng masmalalaking mga damit. At gaano man ka-cute ang magarbong skirt at top, hindi ito praktikal para sa mga napakabatang baby. Ang maspraktikal na option pagdating sa damit ng mga baby ay ang onesies, parehong mahaba at maikli.

3. Medyas at sumbrero ng newborn

Naaalala ko ang pagbili ng maraming pakete ng medyas pang newborn nuong buntis pa ako sa una kong baby. Sobrang cute talaga nila. Subalit, hindi man lang nakasuot ni-isa ang anak ko dahil karamihan sa onesies ay may built-in na foot covers!

Ganito rin sa sumbrero, ngunit para ibang rason naman. Makikita sa mga bagong pag-aaral na ang pagsuot ng sumbrero sa mga newborns ay nakakahadlang sa bonding process ng mag-ina. Basahin ito dito.

4. Magarang changing table

Ang pagbili ng bagong changing table ay maaaring abutin ng ilang libong piso at mabilis itong maging tambak lang sa iyong bahay. Para saan ang paggastos ng malaki sa bagay na isa lang ang gamit, sigurado pang matitigil din pagdating ng araw? Kaya naman payong kaibigan, isa ito sa gamit ni baby na hindi dapat bilhin o i-prioritize.

Alternatibo: Bumili ng change mat/pad (humanal ng may nakataas ang mga gilid para maging ligtas) at gamitin ito para mabihisan ang iyong anak sa kama o sa sahig. Kung inaaalala ang iyong likuran dahil sa mga gagawing pagyuko, gamitin ang dresser o ibang kagamitan na tama lang ang taas.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Tandaan: HUWAG iwanan ang iyong baby mag-isa – kahit isang segundo lang – sa change mat o table, ano pa man ang built-in safety features nito.

5. Knee pads

Ang mga ito ay para protektahan ang tuhod ng mga bata pag sila ay gumagapang na. Ngunit sa totoo ay hindi ito kailangan at sayang lamang ang paggastos. Kaya naman isa ito sa mga gamit ni baby na hindi dapat bilhin. mommy!

Ang mga tuhod ng baby ay sadyang kayang ipanggapang pagdating ng oras. Isa pa, kapag ang iyong baby ay preschooler na, ang kanyang mga tuhod ay malamang mapupuno ng sugat at mga pasa.

Alternatibo: Kung talagang inaalala ang balat ng baby pag gumagapang na siya, suotan siya ng lightweight cotton tights.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

6. Walkers

Ang ideya ng paglagay ng iyong anak sa isang lugar na napapaligiran siya ng mga ilaw at tunog (tulad ng tradisyunal na walker) para maaliw siya ay nakaka-akit. Kasabay nito, maganda rin ang pangako na matutulungan nito ang iyong anak na matutong maglakad.

Ngunit, ang tradisyonal na walkers ay nauugnay sa maraming panganib na maaari mong makita dito. Kaya isa ito sa mga gamit ni baby na hindi dapat bilhin.

Sa madaling salita, maglalakad ang anak mo kapag handa na siya developmentally. Ang paglalagay sakanya sa isang gamit para tulungan siyang maka-usad nang wala ang kailangang development ng muscles, sense of balance, at coordination skills, ay maaaring maging mapanganib.

Alternatibo: (a) Push walker; (b) ang mga paa ng iyong anak.

7. Sapatos ng mga newborns o infants

Gaano man nakakagigil, ang mga maliliit na bagay na ito ay wala talagang punto (maliban kung nais pagandahin ang suot para sa espesyal na okasyon).

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang sapatos sa newborn o infant ay magpapa-init at pawis lamang ng kanyang mga paa. Hindi ito talaga kailangan hanggang sa maglakad siya. Kahit pag naglalakad na siya, may ilang eksperto ang nagsasabing masmabuting magpaa ang bata habang nasasanay maglakad.

8. Bottle warmer

Isa ito sa mga gamit ni baby na hindi dapat bilhin. Hindi kailangan painitin ang gatas sa bottle warmer dahil ang kailangan lamang gawin ay gawing room temperature ang gatas. O ilagay ang bote sa warm water hanggang uminit ito sa kailangang temperatura.

Subukan ang gatas sa malinis na daliri, o lagyan ang iyong pulso, at maaari nang ibigay kay baby.

9. Bedding sa crib

Maaaring mapagmukha nitong galing sa home decor magazine ang crib ng iyong baby. Ngunit ang mga unan, cot bumpers, quilts, kumot at iba pa ay hindi lang hindi kailangan kundi mapanganib din.

Maraming nang mga pag-aaral ang nagpakita na tumataas ang panganib ng SIDS sa paggamit ng ganitong mga beddings.

Alternatibo: Isang simpleng fitted cotton sheet ang tanging kailangan ng iyong baby pagdating sa bedding. I-kontrol ang temperatura sa kwarto gamit ang air-conditionaer o electric fan at panatilihing maginhawa ang iyong baby sa pamamagitan ng pagsuot ng tama at angkop na pantulog.

10. Stuffed toys

Sila ay cute, cuddly at mauugnay sa lahat ng pang baby. Ngunit ang malalaki at malalambot na teddy bears at iba pang stuffed toys ay maaaring tirahan ng ilang milyong alikabok na nagdudulot ng allergies at iba pang nakaka-inis na kondisyon.

Kumuha ng ilan lang kung kailangan, at siguraduhin na regular itong nalilinisan para manatiling walang alikabok. Isa pa, huwag itong ilalagay sa crib ng iyong anak dahil maaari itong matakip sa mukha ng natutulog mong baby at masuffocate siya.

Mums at dads to-be, alam namin na hindi na pinag-iisipan pa pagdating sa paggastos para sa inyong baby. Ngunit maniwala kayo, pagdating sa mga gamit sa article na ito, masmabuting gamitin ang pera sa kanyang college fund.

Isa pa, huwag rin mahiyang kumuha ng preloved na gamit ng baby. Malaki ang matitipid niyo at maaari itong ipasa sa iba kapag hindi niyo na kailangan.

May gamit bang maaari pang idagdag sa listahan na ito? Sabihin samin sa Comment Box sa ibaba!

Ini-republish nang may pahintulot mula: theAsianparent Singapore

BASAHIN: When buying used items for your baby is OK

Sinulat ni

Nalika Unantenne