Sipon o allergic rhinitis na ba? Sintomas, sanhi at gamot sa allergic rhinitis

Ang akala mong sipon, ay maaaring allergy na pala. Alamin ang pagkakaiba at mga sintomas para malaman ang tamang paggamot para dito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ano nga ba ang mga gamot sa allergic rhinitis? Alamin ang mga mabisang gamot sa allergy!

Ikaw ba ay bigla na lang bahing nang bahing, may runny nose, parang barado at makati ang ilong, nauubo, masakit at makating lalamunan, makati rin at parang naluluha ang mata, nangingitim ang paligid ng mata, madalas masakit ang ulo, may mga sugat sa balat na parang eczema (na makati at tuyo), maraming rashes, at parang palaging pagod?

Gamot sa allergic rhinitis | Image from Freepik

Sipon o allergic rhinitis?

Kapag naramdaman ang isa o higit pa (kahit hindi lahat) sa mga sintomas na ito, ang nararanasan mo ay allergic rhinitis, at posibleng nalapit ka sa isang allergen.

Ang ibang sintomas tulad ng madalas na pagsakit ng ulo at pagkapagod ay nangyayari kapag may long-term exposure sa mga allergens.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Madalas na napagkakamalang sipon lang ang kondisyon. Ito ay dahil sa ang mga sintomas ay halos pareho: barado ang ilong, may runny nose, bumabahing, umuubo. Sa pag-alam ng pagkakaiba sa dalawang kondisyong ito, mas mabilis na makakahanap ng paggamot para dito.

Allergic Rhinitis ito kung:

  • Masakit at may pangangati ang mata at lalamunan
  • Ang mga sintomas ay nararanasan depende sa panahon at sa mas mahabang panahon
  • Matagal mawala ang sintomas

Sipon ito kung:

  • Masakit ang katawan
  • May lagnat
  • Mabilis ang paglabas ng sintomas at mabilis din itong nawawala

Sanhi ng allergic rhinitis: Ano ang allergen?

Ang allergen ay karaniwang hindi naman mapanganib, pero nagiging “trigger” sa isang allergic reaction (tulad ng mga sintomas sa itaas). Pollen ang pinakakaraniwang allergen, na karaniwang nangyayari sa pagpapalit ng panahon (mainit sa taglamig).

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kapag nagsisimulang umusbong ang mga bulaklak at puno, mas maraming pollen sa hangin. Ang mga damo at weeds ay mas maraming inilalabas na pollen kapag tag-init at taglagas.

Maraming sintomas ang allergic rhinitis na may kaugnayan sa ilong. Sanhi kasi ito ng  maraming allergen: alikabok, pollen o animal dander (parang balakubak na galing sa balat ng hayop), pati na rin mga pagkain.

Maraming bagay ang maaaring makapagpalala o makapagsimula ng kondisyon. Tulad ng: usok ng sigarilyo, mga kemikal, malamig na panahon o temperatura, humidity, hangin, polusyon sa hangin, hairspray, pabango o colognes, at usok.

Gamot sa allergic rhinitis

Una sa lahat, kailangang dumaan sa allergy tests tulad ng mga skin-prick test. Ito ay para malaman kung saan allergic ang isang tao. Kapag nalaman na ito, malalaman na rin ng doktor kung anong gamot sa allergic rhinitis ang ibibigay.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Gamot sa allergic rhinitis | Image from Freepik

May mga medikasyon at home remedies, pati na rin alternatibong medisina para dito. Anito ang mga gamot sa allergic rhinitis:

  • Kadalasang nagbibigay ng antihistamine ang doktor.
  • Mayro’n ding mga decongestants para sa stuffy nose at sinus pressure, ayon kay Nornelie Paniza, Registered Nurse sa Dubai, UAE, pero hindi ito ginagamit ng mahabang panahon. Kailangang ikonsulta sa doktor bago magsimula ng kahit anong medikasyon. (Hindi ito karaniwang nirerekumenda sa mga pasyenteng may abnormal heart rhythm, sakit sa puso, may history ng stroke, anxiety, sleep disorder, high blood pressure, o problema sa bladder.)
  • May mga nireresetang eye drops at nasal spray para matanggal ang sakit at pangangati  ng mata at ilong, pero ito ay para sa madaliang relief lang, at hindi pangmatagalang gamot.
  • Mayroon corticosteroids na nakakatulong sa pamamaga at immune responses. May mga steroid nasal spray na pangmatagalang gamot sa allergy symptoms.
  • May tinatawag na immunotherapy o allergy shots kung malala ang allergy ng pasyente. Isa itong pangmatagalang paggamot, kasabay ng mga medikasyon. May mga tumatagal ng 3 hanggang 5 taon na paggamot, ng tuwing 2 hanggang 4 na linggo, para tuluyang mawala ang sintomas.

Lahat ng ito ay kailangang ikonsulta muna sa doktor. Dahil ang doktor lang ang makakatukoy ng nararapat na gamot para sa partikular na kondisyon ng pasyente.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Gamot sa allergic rhinitis | Image from iStock

Home remedies

Isa sa mabisang gamot sa allergy ay ang dehumidifier, mga high-efficiency particulate air (HEPA) filter, at mga air purifier para makontrol ang allergies kapag nasa loob ng bahay o anumang lugar.

Mayro’n ding mabibiling HEPA filter para sa vacuum cleaner na ginagamit. Karaniwang tinatanggal ang maraming carpet sa bahay kapag napunto nang allergic sa dust mites o alikabok.

Kailangan ding labahan ang mga kumot, punda at bedsheets, at ibilad ang kutson at unan kada linggo, o mas madalas pa kung maaari. Iwasan din ang pagbukas ng bintana lalo kung panahon ng tag-init.

May mga iba pang mabisang paraan at gamot sa allergy maaaring tingnan. Pero dapat lang na itanong muna sa doktor bago subukan ang alinman dito. Ilan sa mga ito ay pag-inom ng honey (bawal sa babies na wala pang isang taon), acupuncture, probiotics, nasal saline irrigation, at butterbur supplements.

Paraan para makaiwas sa allergic rhinitis

Mahirap talagang maiwasan ang mga potential allergens sa ating paligid. Pero may mga paraan para mabawasan ang iyong exposure sa mga allergen na nakakapagpa-trigger sa inyong allergic rhinitis. Makakatulong ito para ma-improve ang nararanasang sintomas. 

Kung ang iyong kundisyon ay mild lamang, maaari kang uminom ng mga over-the-counter medication para mabawasan ang sintomas ng iyong allergic rhinitis. Katulad na lamang ng non-sedating antihistamines at sa regular na pag-rinse ng iyong nasal passages ng tubig na may asin na solution para maging free ang iyong ilong sa mga irritants. 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kailan dapat pumunta sa doktor? 

Mahalagang pumunta at magpatingin sa inyong doktor kapag ay inyong allergic rhinitis ay nakakasagabal na sa inyong pagtulog at iba pang aktibidad sa araw-araw. Katulad na lamang sa inyong trabaho. 

 

Karagdagang ulat mula kay Marhiel Garrote

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.