Summer na naman! Kalaban na naman nating mga mommy ang matinding init ng araw. Hindi lang panlalagkit sa katawan ang dulot, maging ang matinding kati na dala ng bungang araw sa balat.
Alisin ang pangangati at pamumula ng balat na dala ng bunga araw. Alamin ang ilang produkto na maaaring gamitin bilang gamot sa bungang araw ng inyong mga chikiting at maging ng buong pamilya.
Ano ang bunga araw at saan ito nagmumula?
Tuwing sasapit ang panahon ng tag-init, mula sa Marso hanggang sa kalagitnaan ng Hunyo, lubhang maalinsangan ang nararadaman nating mga Pilipino. Dahil na rin sa pagbabago ng klima o climate change kaya madalas umaabot ang panahon ng summer ng Hunyo o Hulyo.
Sa pagbabagong ito, patindi ng patindi ang nararadamang nating init o heat index sa katawan. Kaya naman karamihan sa atin lalo na ng mga bata at may edad ay nagkakaroon ng makating pamumula sa balat at pagkakaroon ng maliliit na butlig o small bumps sa balat. Ito ay ang bungang araw o prickly heat kung tawagin sa English.
Ang bungang araw ay tinatawag din na miliaria rubra ng eksperto. Ito ay nakukuha kapag ang isang indibidwal kapag ang kaniyang pawis ay hindi nakakabas o hindi pa fully develop ang kanilang sweat gland. Dagdag pa ang init na panahon na nararamdaman ng balat.
Bukod sa hindi komportable, makati sa balat ang pagkakaroon ng bungang araw lalo na maliliit na bata. Nakakadulot ito ng stress, hindi lamang sa taong mayroon nito, maging sa magulang ng mga bata na mayroon nito.
Pagkakaroon ng Bungang Araw ng baby at bata

Ang mga baby at bata ay karaniwang nagkakaroon ng bungang araw lalo na sa mga bansang tropical katulad ng Pilipinas. Mas madalas na magkaroon ng mainit panahon dito.
Kaya naman madalas ding tubuan ang mga bata na nasa edad pito pababa dahil ang iba sa kanila ay hindi pa tuluyang nade-develop ang balat.
Tumutubo ito madalas sa kanilang mukha, leeg, kili-kili, o mg singit ng katawan na madalas pagpawisan. Ang bungang araw ay hindi naman kailangan ipag-alala ng isang magulang.
Natural itong lumalabas sa balat kapag nakakaramdam ng matinding init lalo na kapag summer. Kusa ito nawawala kapag lumalamig na ang temperatura padating ng ilang araw.
Ang pagkakaroon ng bungang araw ay nagiging isang problema sa magulang kapag patuloy itong dumarami at hindi komportable ang bata dahil sa nararanasang kati.
Makakatulong sa kanila ang paliligo ng malamig na tubig at paggamit ng ng mga over-the-counter na gamot sa bungang araw para maibsan ang kanilang pangangati.
Mga sintomas ng pagkakaroon ng Bungang Araw
Larawan mula sa iStock
Ang sintomas sa pagkakaroon ng bungang araw ay pagkakaroon ng small red bumps o maliliit na parang butlig sa balat. Karaniwan itong tumutubo sa mukha, leeg, balikat, likod, dibdib, tiyan, kili-kili, at mga singit singit sa katawan na madalas pagpawisan at mainitan.
Makati ito lalo kapag nakaramdam ng sobrang init o maalinsangang pakiramdam. Hindi ito nakakahawa kagaya ng ibang skin disease kaya walang dapat ipag-alala. Kusa itong nawawala lalo na kung dumarating na ang panahon ng tag-ulan.
Ipagbigay agad sa doktor kapag ang inyong bungang araw ay may kalakip na iba pang sintomas tulad ng mataas na lagnat, paninikip ng dibdib, pananakit ng buong katawan, at iba pa.
Upang makasiguro na tama ang gamot sa bungang araw na inyong bibilhin, makabubuting magpakonsulta muna sa inyong doctor o sa pedia kung bata ang gagamutin.
Mga dapat gawin para maiwasan ang pagkakaroon ng Bungang Araw
Maaari natin maiwasan ang pagkakaroon ng bungang araw sa papamamagitan ng mga sumusunod:
- Iwasan ang pagsusuot ng fitting at makapal na tela na mga damit lalo na kung panahon ng tag-init. Magsuot ng mga light fabric na damit na angkop sa klima natin tulad ng cotton na shirt, sando, dress, at iba pa na presko sa pakiramdam.
- Huwag gumamit ng mga produkto sa balat na naglalaman ng petroleum o mineral oil. Nakakabara ito ng pores ng balat kaya hindi makalabas ang pawis.
- Gumamit ng lotion na non-greasy at may matapang na amoy o pabango sa balat upang maayos na makalabas ang pawis sa katawan at hindi mawala ang natural moisture.
- Palagiang uminom ng tubig. Nakakatulong ng malaki ang pag-inom ng 8-10 basong tubig sa isang araw. Kung well hydrated ang balat, nagiging malusog ito at naiiwasan ang skin disease.
- Iwasan ang pagbabad sa araw lalo na sa tanghali at hapon. Isa ito sa dahilan kung bakit karamihan sa mga bata ay nagkakaroon ng bungang araw kapag summer. Mas lamang ang oras nila sa paglalaro sa initan.
- Kung maaari, gumamit lamang ng mild na sabon sa paliligo. Ang mga sabon na may pabango at harsh chemical ay nakakasira sa natural na moisture ng balat, kung kaya madali magkaroon ng bungang araw sa katawan.
- Maligo ng malamig na tubig lalo na kung nakakaramdam ng init. Maligo ng tatlong beses o higit pa sa isang araw lalo na kung masyadong mainit ang temperatura sa maghapon.
- Gumamit ng electric fan o airconditioner kung kinakailangan. Ang lamig na dulot nito ay nakakatulong upang maiwasan ang pagkakaroon ng bungang araw.
- Kung hindi maiiwasang lumabas ng bahay, maglagay ng sunscreen o sunblock na may tamang SPF. Makakatulong rin ang paglalagay ng aloe vera gel sa balat bago lumabas ng bahay.
BASAHIN:
ALAMIN: Common skin rashes sa baby at bata tuwing mainit ang panahon
Makati ang singit? Alamin kung ano ang mabisang gamot sa hadhad
#AskDok: Ano ang puwedeng ilagay sa rashes sa mukha ng baby?
Home remedies para sa bungang Araw
Kung mayroong bungang araw ang isang miyembro ng inyong pamilya, may mga pansamantalang lunas na maaaring gawin sa inyong bahay. Ang mga ito ay available sa inyong kitchen o pantry. Kung hindi naman ay madaling mahahanap sa mga pamilihan.
Oatmeal
Ang oatmeal ay kilala bilang pantanggal ng kati sa ilang skin rashes. Epektibo rin itong gamitin sa taong may bungang araw. Meron itong anti-inflammatory properties kaya safe itong gamitin sa may skin rashes. Maglagay lamang ng 1 tasang oatmeal sa inyong panpaligo. Gamitin ito bilang panbanlawan. Maaari ring gumamit ng oatmeal soap na mabibili sa inyong trusted stores.
Baking soda
Ang baking soda o sodium bicarbonate ay nakakawala ng kati sa balat. Madalas itong available sa inyong kusina dahil sa marami nitong pinaggamitan. Isa na rito ang pagtanggal ng kati ng skin rashes. Maglagay lamang ng 2 kutsaritang baking soda sa inyong panbanlaw sa paliligo.
Aloe vera
Ang aloe vera ay may anti-inflammatory at antiseptic properties, kaya naman subok na ito sa ilang skin disease. Mayroon itong cooling effect sa balat na nagpapaginhawa sa taong may bungang araw. Maglagay lamang ng aloe vera gel sa apektadong balat ng tatlo o apat na beses sa loob hg isang araw. Ilagay sa ref ang aloe vera gel para sa double cooling effect.
Cornstarch
Ang paglalagay ng cornstarch o gewgaw ay kinagawian na ng mga nakatatanda. Nakakaginhawa ito sa pakiramdam sa balat at naa-absorb nito ang sobrang pawis sa balat. Maglagay lamang ng cornstarch sa apektadong balat kapag nakakaramdam ng init.
Epsom salt
Ang paggamit ng Epsom salt ay may ilang heath benefits. Ang paliligo gamit ang epsom salt ay nagbibigay ng lunas sa pangangati na dala ng bungang araw. Maglagay lamang ng 2 kutsarang epsom salt sa isang malaking lalagyan at tunawin ito 1 tasang sa malinis na tubig. Gamitin itong pamunas sa bungang araw kapag nakakaramdam ng pangangati.
Mga produkto na maaaring gamitin bilang gamot sa Bungang Araw
Larawan mula sa iStock
May mga produktop na gawa sa powder ang maaaring gamiting gamot sa bungang araw. Maiibsan nito ang pangangati sa balat at nagbibigay ng ginhawa lalo na kapag nakakaramdaman ng maalinsangan sa katawan.
Mga produkto na maaaring gamitin bilang gamot
Tiny Buds Rice Baby Powder (50G)

Ang Tiny Buds Rice Powder ay gawa sa 100% na gawa sa tunay na bigas. Ito ay hypoallergenic at nagbibigay ng preskong pakiramdam kay baby. Nakakatulong ito sa mga taong may bungang araw upang maibsan ang kanilang pangangati. Suitable itong gamitin ng all skin type pati ng mga taong may asthma at eczema. Trusted by pedriatrician at ng mommies.
Ingredients:
Rice Grains, Mild Natural Scent
Paano gagamitin:
Gamitin sa katawan lalo na sa mga parting may bungang araw ng apat ng apat na beses sa maghapon.
Price: P135
Fissan Prickly Heat Powder Extra Cool 100G X3

Ang Fissan Prickly Heat Powder Extra Cool ay epektibong panlaban sa bungang araw dahil sa Triple Relief Action nito. Mayroon itong menthol na nagbibigay ng cooling effect para sa instant na preskong pakiramdam. Mayroon din itong hydrolyzed milk protein na nagbibigay ng nourishment sa balat at talc na nag-aabsorb ng extra moisture.
Ingredients:
Talc, Zinc Oxide, Perfume, Menthol, Dimethyl Phenylbutanol
Paano gagamitin:
Siguraduhing malinis at tuyo ang balat bago ilagay. Maglagay ng Fissan Prickly Heat Powder sa apektadong parte ng katawan. Gamitin ng dalawang beses sa loob ng isang araw.
Price: P277
Johnson’s Prickly Heat Baby Powder 200g

Ang Johnson’s Prickly Heat Powder ay ginawa para maprotektahan ang balat sa prickly heat o bungang araw kung panahon ng tag-init. Ito ay hypoallergenic, mild, at dermatologist tested. Mayroon din itong special formula na tumutulong upang hindi na manumbalik ang anumang skin rashes sa balat.
Ang gamit na talc ng lahat ng Jonhson’s Baby Powder ay gawa gamit ang U.S. Pharmacopeial (USP) grade talc kaya naman makakasigurong safe gamitin ng baby at ng buong pamilya.
Ingredients:
Talc, Zinc Oxide, Betaine, Fragrance, Chloroxylenol, Menthyl lactate
Paano gagamitin:
Shake muna ang powder bago ilagay sa kamay. Ipahid sa apektadong balat.
Price: P85
Protex Fresh Cooling Powder

Nagbibigay naman ng malamig at preskong pakiramdam ang Protex Fresh Cooling Powder. Mayroon ring itong long lasting na amoy presko na tumatagal ng walong oras. Ang cooling effect nito sa balat ang nagbibigay ng ginhawa sa mga taong may bungang araw.
Ingredients:
Talc; Camphor; Magnezium Carbonate; Menthol; Fragrance; Camellia; Sinensis Leaf Extract
Paano gagamitin:
Maglagay sa apektadong balat pagkatapos magpatuyo sa towel pagkatapos maligo. Bawal gamitin ng batang nasa edad tatlo pababa. Iwasang malagyan sa ilong o bibig.
Price: 297
Snake Brand Prickly Heat Cooling Powder 50g

Kung husay naman sa paggamot ng bungang araw, ang Snake Brand Cooling Powder ay isa nagbibigay ng relief para malabanan ang bungang araw sa balat. Nagtatanggal rin ito ng skin irritation at nagbibigay ginhawa lalo na sa mainit na panahon. Nagtataglay ito ng essential oils at menthol. Ginagamit ito ng mga taong mahilig sa sports, mga taong nagpupunta sa gym, at mga may trabahong malimit sa init ng araw.
Ingredients:
Talc, Essential oils, Menthol
Paano gagamitin:
Maglagay sa parte ng katawan na may bungang araw. Maaaring gumamit ang may edad na 12 years old pataas. Kung gagamitin ng baby o bata, ipagbigay alam muna sa kanilang Pedia.
Price: ₱110 – ₱120
Johnson’s Cooling Baby Powder 200g

Isa sa mga epektibong prickly heat powder ang Johnson’s Cooling Baby Powder dahil ito ay may honeysuckle extract na nagbibigay ng relief sa pangangati ng balat. Ito ay hypoallergenic at mild kaya hihiyang maski kay baby.
Ingredients:
Talc, Fragrance, Isopulegol Lonicera Japonica (Honeysuckle) Flower Extract
Paano gagamitin:
Maglagay sa kamay bago i-apply sa balat na may bungang araw. Gamitin kung nakakaramdam ng pangangati para sa instant na ginahawa.
Price: ₱106
Gold Bond Medicated Powder

Ang Gold Bond Medicated Powder ay matagal ng kilala sa iba’t ibang bansa dahil sa mahusay nitong pagtanggal ng kati ng ilang skin rashes. Nagbibigay din ito ng relief sa minor burns, kagat ng insekto, at iba pang skin condition. Gawa ito sa cornstarch at mga plant based ingredients kaya naman safe kahit na ma-inhale.
Ingredients:
Cornstarch, zinc oxide, acacia senegal gum, silica, tricalcium phosphate, eucalyptol, methyl salicylate, salicylic acid, zinc stearate, thymol
Paano gagamitin:
Gamitin kapag nakakaramdam ng pangangati sanhi ng bungang araw.
Price: ₱399