Tag-ulan na ngunit kadalasa’y mainit pa rin ang panahon. At sa ganitong pagkakataon, kalaban nating mga mommy ang matinding init ng araw. Kaya naman maaari pa ring maging prone sa bungang araw si baby at ang buong pamilya. Buti na lamang at maraming available na gamot sa bungang araw sa market.
Ngunit sa dami ng brands na maaari mong mabili, hindi ba’t ang hirap pumili ng swak para sa iyong anak?
Worry no more! Alisin na ang pangangati at pamumula ng balat. Alamin ang ilang produkto na maaaring gamitin bilang gamot sa bungang araw ng inyong mga chikiting at maging ng buong pamilya.
Talaan ng Nilalaman
Ano ang bunga araw at saan ito nagmumula?
Tuwing sasapit ang panahon ng tag-init, mula sa Marso hanggang sa kalagitnaan ng Hunyo, lubhang maalinsangan ang nararadaman nating mga Pilipino. Dahil na rin sa pagbabago ng klima o climate change kaya madalas umaabot ang panahon ng summer ng Hunyo o Hulyo.
Sa pagbabagong ito, patindi ng patindi ang nararadamang nating init o heat index sa katawan. Kaya naman karamihan sa atin lalo na ng mga bata at may edad ay nagkakaroon ng makating pamumula sa balat at pagkakaroon ng maliliit na butlig o small bumps sa balat. Ito ay ang bungang araw o prickly heat kung tawagin sa English.
Ang bungang araw ay tinatawag din na miliaria rubra ng eksperto. Ito ay nakukuha kapag ang isang indibidwal kapag ang kaniyang pawis ay hindi nakakabas o hindi pa fully develop ang kanilang sweat gland. Dagdag pa ang init na panahon na nararamdaman ng balat.
Bukod sa hindi komportable, makati sa balat ang pagkakaroon ng bungang araw lalo na maliliit na bata. Nakakadulot ito ng stress, hindi lamang sa taong mayroon nito, maging sa magulang ng mga bata na mayroon nito.
Pagkakaroon ng bungang araw ng baby at bata
Ang mga baby at bata ay karaniwang nagkakaroon ng bungang araw lalo na sa mga bansang tropical katulad ng Pilipinas. Mas madalas na magkaroon ng mainit panahon dito.
Kaya naman madalas ding tubuan ang mga bata na nasa edad pito pababa dahil ang iba sa kanila ay hindi pa tuluyang nade-develop ang balat.
Tumutubo ito madalas sa kanilang mukha, leeg, kili-kili, o mg singit ng katawan na madalas pagpawisan. Ang bungang araw ay hindi naman kailangan ipag-alala ng isang magulang.
Natural itong lumalabas sa balat kapag nakakaramdam ng matinding init lalo na kapag summer. Kusa itong nawawala kapag lumalamig na ang temperatura padating ng ilang araw.
Ang pagkakaroon ng bungang araw ay nagiging isang problema sa magulang kapag patuloy itong dumarami at hindi komportable ang bata dahil sa nararanasang kati.
Makakatulong sa kanila ang paliligo ng malamig na tubig at paggamit ng ng mga over-the-counter na gamot sa bungang araw para maibsan ang kanilang pangangati.
Mga sintomas ng pagkakaroon ng bungang araw
Ang sintomas sa pagkakaroon ng bungang araw ay pagkakaroon ng small red bumps o maliliit na parang butlig sa balat. Karaniwan itong tumutubo sa mukha, leeg, balikat, likod, dibdib, tiyan, kili-kili, at mga singit singit sa katawan na madalas pagpawisan at mainitan.
Makati ito lalo kapag nakaramdam ng sobrang init o maalinsangang pakiramdam. Hindi ito nakakahawa kagaya ng ibang skin disease kaya walang dapat ipag-alala. Kusa itong nawawala lalo na kung dumarating na ang panahon ng tag-ulan.
Ipagbigay agad sa doktor kapag ang inyong bungang araw ay may kalakip na iba pang sintomas tulad ng mataas na lagnat, paninikip ng dibdib, pananakit ng buong katawan, at iba pa.
Upang makasiguro na tama ang gamot sa bungang araw na inyong bibilhin, makabubuting magpakonsulta muna sa inyong doctor o sa pedia kung bata ang gagamutin.
Best brands ng gamot para sa bungang araw
May mga powder na maaaring gamiting gamot sa bungang araw. Maiibsan nito ang pangangati sa balat at nagbibigay ng ginhawa lalo na kapag nakakaramdaman ng maalinsangan sa katawan.
Tiny Buds Rice Powder
Best for Babies
|
Bumili sa Shopee |
Fissan Prickly Heat Powder Extra Cool
Best for its tripe relief action
|
Bumili sa Shopee |
Johnson's Prickly Heat Baby Powder
Best for the whole family
|
Bumili sa Shopee |
Protex Fresh Cooling Powder
Best long-lasting
|
Bumili sa Shopee |
SNAKE BRAND PRICKLY HEAT COOLING POWDER
Most Trusted
|
Bumili sa Shopee |
Gold Bond Medicated Powder
Best multipurpose
|
Bumili sa Shopee |
Tiny Buds Rice Baby Powder
Best for Babies
Perfect para sa mga babies na mayroong bungang araw ang rice powder na ito mula sa Tiny Buds. Hindi ito naglalaman ng talc at gawa sa 100% real rice grain. Ito rin ay hypoallergenic at walang halong harmful preservative kaya naman makakasigurado kang safe ito for your precious one.
Higit kang mapapabilib sa produktong ito dahil safe rin ito para sa mga taong may asthma at eczema. Nakakapagbigay ito ng preskong pakiramdam at naiibsan ang pangangati. Suitable itong gamitin ng all skin types at trusted ng mga Pediatricians at ng mga mommies.
Ingredients:
Rice Grains, Mild Natural Scent
Paano gagamitin:
Gamitin sa katawan lalo na sa mga parting may bungang araw ng apat ng apat na beses sa maghapon.
Fissan Prickly Heat Powder Extra Cool
Best for its tripe relief action
Ang Fissan Prickly Heat Powder Extra Cool ay epektibong panlaban sa bungang araw dahil sa Triple Relief Action nito. Mayroon itong menthol na nagbibigay ng cooling effect para sa instant na preskong pakiramdam. Mayroon din itong hydrolyzed milk protein na nagbibigay ng nourishment sa balat at talc na nag-aabsorb ng extra moisture.
Ingredients:
Talc, Zinc Oxide, Perfume, Menthol, Dimethyl Phenylbutanol
Paano gagamitin:
Siguraduhing malinis at tuyo ang balat bago ilagay. Maglagay ng Fissan Prickly Heat Powder sa apektadong parte ng katawan. Gamitin ng dalawang beses sa loob ng isang araw.
Johnson’s Prickly Heat Baby Powder
Best for the whole family
Ang Johnson’s Prickly Heat Powder ay ginawa para maprotektahan ang balat sa prickly heat o bungang araw kung panahon ng tag-init. Ito ay hypoallergenic, mild, at dermatologist tested. Mayroon din itong special formula na tumutulong upang hindi na manumbalik ang anumang skin rashes sa balat.
Ang gamit na talc ng lahat ng Jonhson’s Baby Powder ay gawa gamit ang U.S. Pharmacopeial (USP) grade talc kaya naman makakasiguradong safe gamitin ng baby at ng buong pamilya.
Ingredients:
Talc, Zinc Oxide, Betaine, Fragrance, Chloroxylenol, Menthyl lactate
Paano gagamitin:
Shake muna ang powder bago ilagay sa kamay. Ipahid sa apektadong balat.
Protex Fresh Cooling Powder
Best long-lasting
Nagbibigay naman ng malamig at preskong pakiramdam ang Protex Fresh Cooling Powder. Mayroon ring itong long lasting na amoy presko na tumatagal ng walong oras. Ang cooling effect nito sa balat ang nagbibigay ng ginhawa sa mga taong may bungang araw.
Ingredients:
Talc; Camphor; Magnezium Carbonate; Menthol; Fragrance; Camellia; Sinensis Leaf Extract
Paano gagamitin:
Maglagay sa apektadong balat pagkatapos magpatuyo sa towel pagkatapos maligo. Bawal gamitin ng batang nasa edad tatlo pababa. Iwasang malagyan sa ilong o bibig.
Snake Brand Prickly Heat Cooling Powder
Most Trusted
Kung husay naman sa paggamot ng bungang araw ang pag-uusapan, siguradong familiar ka sa brand na ito! Ang Snake Brand Orginial Cooling Powder ang isa sa pinaka trusted na gamot sa bungang araw all over the world.
Nakakapagbigay ito malamig at preskong pakiramdam na nakakapagrelieve ng pangangati. Nagtatanggal din ito ng skin irritation at nagbibigay ginhawa lalo na sa mainit na panahon. Nagtataglay ito ng essential oils at menthol. Ginagamit din ito ng mga taong mahilig sa sports, mga taong nagpupunta sa gym, at mga may trabahong malimit sa init ng araw.
Ingredients:
Talc, Essential oils, Menthol
Paano gagamitin:
Maglagay sa parte ng katawan na may bungang araw. Maaaring gumamit ang may edad na 12 years old pataas. Kung gagamitin ng baby o bata, ipagbigay alam muna sa kanilang Pedia.
Gold Bond Medicated Powder
Best multipurpose
Ang Gold Bond Medicated Powder ay matagal nang kilala sa iba’t ibang bansa dahil sa mahusay nitong pag aksyon sa nangangating bungang araw. Nagbibigay din ito ng relief sa minor burns, kagat ng insekto, at iba pang skin condition. Gawa ito sa cornstarch at mga plant based ingredients kaya naman safe kahit na ma-inhale.
Ingredients:
Cornstarch, zinc oxide, acacia senegal gum, silica, tricalcium phosphate, eucalyptol, methyl salicylate, salicylic acid, zinc stearate, thymol
Paano gagamitin:
Gamitin kapag nakakaramdam ng pangangati sanhi ng bungang araw.
Price Comparison Table
Brand | Pack size | Price | Price per g |
Tiny Buds | 50 g | Php 165.00 | Php 3.30 |
Fissan | 100 g | Php 199.00 | Php 1.99 |
Johnson’s | 200 g | Php 121.00 | Php 0.61 |
Protex | 140 g | Php 105.00 | Php 0.75 |
Snake Brand | 140 g | Php 199.00 | Php 1.42 |
Gold Bond | 283 g | Php 1,499.00 | Php 5.30 |
Mga dapat gawin para maiwasan ang pagkakaroon ng bungang araw
Maaari natin maiwasan ang pagkakaroon ng bungang araw sa papamamagitan ng mga sumusunod:
- Iwasan ang pagsusuot ng fitting at makapal na tela na mga damit lalo na kung panahon ng tag-init. Magsuot ng mga light fabric na damit na angkop sa klima natin tulad ng cotton na shirt, sando, dress, at iba pa na presko sa pakiramdam.
- Huwag gumamit ng mga produkto sa balat na naglalaman ng petroleum o mineral oil. Nakakabara ito ng pores ng balat kaya hindi makalabas ang pawis.
- Gumamit ng lotion na non-greasy at may matapang na amoy o pabango sa balat upang maayos na makalabas ang pawis sa katawan at hindi mawala ang natural moisture.
- Palagiang uminom ng tubig. Nakakatulong ng malaki ang pag-inom ng 8-10 basong tubig sa isang araw. Kung well hydrated ang balat, nagiging malusog ito at naiiwasan ang skin disease.
- Iwasan ang pagbabad sa araw lalo na sa tanghali at hapon. Isa ito sa dahilan kung bakit karamihan sa mga bata ay nagkakaroon ng bungang araw kapag summer. Mas lamang ang oras nila sa paglalaro sa initan.
- Kung maaari, gumamit lamang ng mild na sabon sa paliligo. Ang mga sabon na may pabango at harsh chemical ay nakakasira sa natural na moisture ng balat, kung kaya madali magkaroon ng bungang araw sa katawan.
- Maligo ng malamig na tubig lalo na kung nakakaramdam ng init. Maligo ng tatlong beses o higit pa sa isang araw lalo na kung masyadong mainit ang temperatura sa maghapon.
- Gumamit ng electric fan o airconditioner kung kinakailangan. Ang lamig na dulot nito ay nakakatulong upang maiwasan ang pagkakaroon ng bungang araw.
- Kung hindi maiiwasang lumabas ng bahay, maglagay ng sunscreen o sunblock na may tamang SPF. Makakatulong rin ang paglalagay ng aloe vera gel sa balat bago lumabas ng bahay.
Home remedies para sa bungang araw
Kung mayroong bungang araw ang isang miyembro ng inyong pamilya, may mga pansamantalang lunas na maaaring gawin sa inyong bahay. Ang mga ito ay available sa inyong kitchen o pantry. Kung hindi naman ay madaling mahahanap sa mga pamilihan.
Oatmeal
Ang oatmeal ay kilala bilang pantanggal ng kati sa ilang skin rashes. Epektibo rin itong gamitin sa taong may bungang araw. Meron itong anti-inflammatory properties kaya safe itong gamitin sa may skin rashes. Maglagay lamang ng 1 tasang oatmeal sa inyong panpaligo. Gamitin ito bilang panbanlawan. Maaari ring gumamit ng oatmeal soap na mabibili sa inyong trusted stores.
Baking soda
Ang baking soda o sodium bicarbonate ay nakakawala ng kati sa balat. Madalas itong available sa inyong kusina dahil sa marami nitong pinaggamitan. Isa na rito ang pagtanggal ng kati ng skin rashes. Maglagay lamang ng 2 kutsaritang baking soda sa inyong panbanlaw sa paliligo.
Aloe vera
Ang aloe vera ay may anti-inflammatory at antiseptic properties, kaya naman subok na ito sa ilang skin disease. Mayroon itong cooling effect sa balat na nagpapaginhawa sa taong may bungang araw. Maglagay lamang ng aloe vera gel sa apektadong balat ng tatlo o apat na beses sa loob hg isang araw. Ilagay sa ref ang aloe vera gel para sa double cooling effect.
Cornstarch
Ang paglalagay ng cornstarch o gawgaw ay kinagawian na ng mga nakatatanda. Nakakaginhawa ito sa pakiramdam sa balat at naa-absorb nito ang sobrang pawis sa balat. Maglagay lamang ng cornstarch sa apektadong balat kapag nakakaramdam ng init.
Epsom salt
Ang paggamit ng Epsom salt ay may ilang heath benefits. Ang paliligo gamit ang epsom salt ay nagbibigay ng lunas sa pangangati na dala ng bungang araw. Maglagay lamang ng 2 kutsarang epsom salt sa isang malaking lalagyan at tunawin ito 1 tasang sa malinis na tubig. Gamitin itong pamunas sa bungang araw kapag nakakaramdam ng pangangati.