Gamot sa coronavirus, hindi pa rin natutuklasan. Pero karamihan sa biktima ng sakit, naka-recover. Kaya payo nila sa publiko, huwag mag-panic!
Biktima ng COVID-19 na gumaling at naka-recover
Sa kabila ng patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa buong mundo ay may mensahe sa publiko ang mga nakaranas at gumaling sa sakit. Ayon sa kanila, walang dapat ikapanic tungkol sa COVID-19. Dahil kung sila ay gumaling rito, isa itong patunay na hindi ito malalang uri ng sakit at hindi agad nakamamatay. Maliban nalang sa mga matatanda at mayroon ng taglay na iba pang uri ng karamdaman.
Ito ang nais iparating ng 37-anyos na American at COVID-survivor na si Elizabeth Schneider. Siya ay isang bioengineer na nagmula sa Seattle, USA.
Flu-like symptoms ng COVID-19
Ayon kay Schneider, February 25 ng magsimula siyang makaranas ng mga sintomas ng flu o trangkaso. Ito ay tatlong araw matapos siyang dumalo sa isang party. Nakaranas daw siya ng sakit ng ulo, lagnat at pananakit ng katawan.
“I woke up and I was feeling tired, but it was nothing more than what you normally feel when you have to get up and go to work, and I had been very busy the previous weekend.”
Ito ang pahayag ni Schneider sa isang panayam.
Dagdag pa niya ay tumaas ng hanggang 103 degrees Fahrenheit o 39.4 Celsius ang lagnat niya. At sinabayan pa ito ng chills o panginginig ng kaniyang katawan.
“And at that point, I started to shiver uncontrollably, and I was getting the chills and getting tingling in my extremities, so that was a little concerning.”
Ito ang pagkukwento ni Schneider. Para nga daw umayos ang pakiramdam niya ay uminom siya ng over-the-counter na gamot para maibsan ang lagnat na kaniyang nararanasan. Nagpatingin rin siya sa doktor at pinayuhan lang siyang magpahinga at uminom ng maraming tubig. Binigyan rin siya ng flu shot sa pag-aakalang flu ang sakit niya.
Pagiging positibo sa COVID-19
Hanggang matapos ang ilang araw ay nalaman ni Schneider na hindi lang siya ang nakaranas ng sakit matapos magpunta sa party na dinaluhan. Kaya naman naging palaisipan ito sa kaniya.
Noong mga oras na iyon ay alam na ni Schneider ang tungkol sa coronavirus. Ngunit dahil wala siyang ibang sintomas nito na ubo at hirap sa paghinga ay naisip niyang maaring hindi ito ang tumama sa kaniya.
Pero nag-iba ang paniniwala na ito ni Schneider ng lumabas na negatibo sa flu ang mga nagkasakit sa party na pinuntahan niya. Dito na siya gumawa ng paraan upang ma-test kung siya ba ay may coronavirus.
Sa tulong ng isang program na Seattle Flu Study ay hiningan si Schneider ng sample ng kaniyang nasal swab. Matapos ang ilang araw ay nalaman niyang siya ay positibo sa COVID-19 o coronavirus disease. At ito ay halos dalawang linggo matapos una siyang makaramdam ng sintomas ng sakit.
“I finally got a phone call from one of the research coordinators on Saturday (March 7), telling me that ‘You have tested positive for COVID-19.”
Ito ang pagkukwento ni Schneider. Pero imbis na mag-panic ay natawa nalang daw siya na malaman niyang positibo siya sa sakit. Dahil ng mga oras na iyon ay wala na ang mga sintomas na nararanasan niya at maayos na ang pakiramdam niya.
Gumaling at naka-recover mula s COVID-19
Pinaalam niya ito sa mga awtoridad na kung saan pinayuhan siyang huwag na munang lumabas sa loob ng 7 araw matapos mawala ng tuluyan ang sintomas ng sakit. Sinunod niya ito at ngayon si Schneider ay tulad na muli ng dati. Masigla at malakas ang pangangatawan. Bagama’t iniiwasan niya munang magpunta sa matataong lugar at ipinapagtuloy ang kaniyang work from home scheme.
Tulad ni Schneider ay may isang 25-anyos na British national din ang gumaling mula sa sakit. Siya ay si Connor Reed na kasalukuyang nag-tratrabaho bilang school manager sa Wuhan, China.
Noong una ay hindi rin alam ni Reed na coronavirus ang tumama sa kaniya.
Ayon sa kaniya ay nakaranas siya ng ubo, pananakit ng katawan, lagnat, sore throat na inakala niyang sintomas lang ng flu. Pero ilang araw ang nakalipas noong akala niya ay umaayos na ang pakiramdam niya ay nakaranas siya ng hirap sa paghinga. Mas lumala ang sakit sa kaniyang sinus, pati na ang kaniyang tenga ay tila puputok rin sa sakit. Dito na siya nagpunta sa ospital na kung saan sinabi ng doktor na siya ay may pneumonia. At upang malunasan ito ay niresetahan siya ng antibiotics.
Ngunit maliban sa gamot na nireseta sa kaniya ay ginamot rin ni Reed ang sarili sa pamamagitan ng pag-inom ng mainit na tubig na may honey.
Lumipas ang ilang araw ay nakatanggap si Reed ng notification mula sa ospital na pinag-checkupan na siya ay positibo sa coronavirus, Ngunit siya ay magaling na sa sakit at wala na ang mga sintomas na nararamdaman niya.
Mensahe sa publiko
Ang mga karanasan na ito nina Schneider at Reed ay isang patunay na bagama’t wala pang gamot sa coronavirus ay maari namang gumaling ang sinumang infected sa sakit.
Ayon pa nga kay Schneider, ibinabahagi niya ang kaniyang kwento upang magbigay ng pag-asa sa iba tungkol sa COVID-19. At ang pakampantehin ang sarili nila na walang dapat ikapanic sa kabila ng pagkalat nito sa buong mundo.
“The message is don’t panic. If you think that you have it, you probably do; you should probably get tested.”
“That means that we need to be extra vigilant about staying home, isolating ourselves from others.”
“If your symptoms aren’t life-threatening, simply stay at home, medicate with over-the-counter medicines, drink lots of water, get a lot of rest and check out the shows you want to binge-watch,”
Ito ang mga paalalang binigay ni Schneider sa publiko.
Wala pang gamot sa coronavirus
Sa kabila ng maraming kaso ng COVID-19 sa mundo, wala pa ring natutuklasang gamot laban dito. Pero patuloy na nagsasaliksik ang mga eksperto tungkol sa vaccine na maaring maging proteksyon laban rito. Kaya naman, kaugnay nito ay patuloy rin na hinihikayat ang publiko na umiwas sa sakit hangga’t maari. Sumunod sa preemptive measures ng mga health experts at organizations. Tulad ng paghuhugas ng kamay, pag-iwas muna sa matataong lugar, pag-susuot ng mask at pananatili sa loob ng bahay kung masama ang pakiramdam.
SOURCE: DailyMail, GMA News, World Meter
BASAHIN: “Libre ba ang COVID testing kit?” at iba pang impormasyon na dapat malaman
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!