Maraming problemang pangkalusugan ang kaakibat ng labis na pagbigat ng timbang o ng obesity. Paano nga ba ito maiiwasan? May gamot ba sa obesity o gamot na pampapayat?
Pagbigat ng timbang bilang medical condition
Ayon sa artikulo ng Psychology Today na may pamagat na “The Psychology of Obesity: Scourge and Treatment” unti-unti na rin umanong natatanggap ng karamihan na ang obesity o labis na katabaan ay isang uri ng chronic medical condition. At hindi ito dahil sa poor choices o kapabayaan ng isang tao sa kanyang katawan.
Bagama’t unti-unti na nga itong kinikilala bilang medical condition, matatandaan pa rin na noon at may mangilanngilan pa rin ngayon na nakararanas ng stigma na kaugnay ng pagtaba o obesity. Maraming nakararanas ng obesity ang umano’y naranasang makatanggap ng disgusto at pangmamata mula sa ibang tao tuwing sila ay kumakain sa mga restaurant. Ang ilan ay nahihiya na at iniiwasan na lang kumain kapag may ibang tao sa paligid.
Marami rin ang naranasang ma-stress dahil sa kanilang failed diet plans. Dumating din sa punto na ang tanging treatment approach na lamang sa obesity bukod sa iba’t ibang diet o forced-starvation plans ay ang gastric bypass surgery. Pero ngayon, mayroon nang mga bagong gamot na inintroduce na makatutulong umano sa weight reduction o pagbabawas ng timbang.
Pampapayat na gamot
Aprubado na ng Food and Drugs Association ang paggamit ng semaglitude. Minamarket ito sa pangalang Ozempic sa Pilipinas. Aprubado na ito bilang gamot sa diabetes mellitus. Puwede itong gamiting gamot sa obesity kung mayroong iba pang health-related illness ang pasyente tulad ng hypertension.
Pampapayat na gamot
Ang semaglitude ay injectible na gamot na karaniwang ina-administer nang isang beses sa kada isang linggo. Ito ay uri ng peptide na nagbabalanse sa release ng insulin at glucose. Nagreresulta ito ng appetite suppression o ‘yong pakiramdam na busog ka na agad. Ayon sa mga placebo-controlled studies, nagdudulot ito ng significant weight loss o pagpayat.
Mahalagang kumonsulta muna sa doktor bago subukan ang gamot na ito kung ang nais gamutin ay ang pagbigat ng timbang. Tulad ng ibang gamot mayroon din itong side effects gaya ng mga sumusunod:
- Nausea
- Pagsusuka
- Potential kidney damage
Tandaan na wala namang masama kung ikaw ay ‘mataba’ maliban na lamang kung nakaaapekto na ito sa iyong kalusugan. Kaya naman kumonsulta sa iyong doktor kung ang pagbigat ng iyong timbang ay may hindi na magandang epekto sa iyong katawan.