Gamot sa eczema sa bata, ano nga ba ang pinakamabisa?
Mababasa dito ang sumusunod:
- Gamot sa eczema.
- Ano ang topical steroid withdrawal?
Baby na may eczema
Patuloy na nagpapagaling ngayon ang isang 20-buwang bata matapos magkaroon ng malalang reaction sa steroid creams, na ibinigay ng doktor bilang gamot sa eczema.
Si Colby Chun, na taga Honolulu, Hawaii, ay niresetahan ng steroid creams noong June 2017 upang gamutin ang maliit na patse ng eczema sa kaniyang tenga.
Mabilis na nawala ang eczema gamit ang gamot ngunit hindi inaakala ng kaniyang magulang na lalala pala ang kundisyon nito. Photo: Daily Mail
Gamot sa eczema
Ngunit matapos mawala panandalian ang nasabing rash, bumalik ito at mas lumala. Hanggang sa hindi na makatulog ang bata sa matiding hapdi at sakit. Kinailangan ding magsuot ni Colby ng mittens upang hindi makamot ang balat, dahilan upang magsugat at magdugo ito.
Matapos nito, patuloy siyang niresetahan ng mas mataas pang dosage ng steroids. Kaya’t nagpasya ang kaniyang mga magulang na sina Kristi, 36, at Matt, 37, na mag-research tungkol sa sintomas na nararamdaman ni Colby.
Dahil dito, natuklasan nilang dumanas ang kanilang anak ng topical steroid withdrawal, na nangyayari kapag hininto ang pag-gamit ng steroids matapos ang matagal na pag-gamit nito.
Kabilang sa sintomas na naranasan ni Colby ay ang labis na pamumula ng balat, pamamaga, pagdurugo, at pagsusugat. Matapos matuyo ng mga sugat ay saka naman ito matutuklap.
Topical steroid withdrawal
Ayon kina Kristi at Matt, dahil sa matinding sakit na naramdaman ay naapektuhan ang pagkain ng kanilang anak. Gayundin ang milestones nito dahil lagi na lamang siyang namumula, namamaga, at nagsusugat.
Buong katawan ng bata ay nabalot ng sugat, kung kaya labis itong nahirapan. Halos 45-minuto lamang tumatagal ang kaniyang pagtulog, at magdamag na nararanasan ang sakit, na nagsimula dahil sa pag-gamit ng gamot sa eczema.
Bago natuklasan nina Kristi at Matt ang sanhi ng mga sugat, sinubukan nila ang lahat ng puwedeng maging susi sa paggaling ni Colby. Kabilang na ang paggamit ng wet wipes, pagbago ng diet ng anak, at pagbigay dito ng probiotics.
Sumailalim din si Colby sa allergy tests.
Dahil sa isang komento tungkol sa anak na labis ang pagkapula ng balat nito, saka sumagi sa isip ni Matt na baka ito ay steroid withdrawal.
Sa kanilang pananaliksik ay nadiskubre nila ang website ng International Topical Steroid Addiction Network, at nakita ang larawan ng isang bata na halos kagaya ng kalagayan ni Colby.
Matapos nito ay kumunsulta na sa dermatologists ang mag-asawa. At sumang-ayon ang mga doktor na ang steroid creams na siyang gamot sa ezcema ang dahilan ng sakit ng kanilang anak.
Photo: Daily Mail
Pag-galing ni Colby
Nang tuluyan nang ihinto nina Kristi at Matt ang pagpapahid ng steroid creams sa anak, patuloy pa itong nakaranas ng withdrawal symptoms. Ang pinakamalala, ayon kay Kristi, ay nang sumapit sila sa “oozing” stage.
Ngunit ngayon, halos isa’t kalahating taon matapos itigil ang pagpapahid ng steroid creams kay Colby, 75 percent healed na siya ayon sa kanyang mga magulang.
Nakakapaglakad, nakakatawa, at nakakatulog na rin ito sa magdamag.
Para sa karagdagang impormasyon ukol sa steroid withdrawal o red skin syndrome, pumunta sa www.itsan.org
Samantala, nagsagawa naman ng systematic review ang National Eczema Association ukol sa paggamit ng topical steroids bilang gamot sa eczema. Ayon sa resulta ng review, kinakailangan pa ng karagdagang pag-aaral upang mas maintindihan ang pagkakaroon at paglaganap ng topical steroid addiction o topical steroid withdrawal sa mga bata at matatanda.
Mga maaring gawin para maibsan ang sintomas ng eczema
Samantala, para maibsan ang sintomas ng eczema, narito ang maari mong gawin sa isang bata o iyong baby.
Paliguan ang iyong anak.
Para maalis ang mga dumi at irritants sa balat ng iyong anak ay dapat paliguan siya. Sa pagpapaligo siguraduhin gumamit ng maligamgam na tubig at sabon na fragrance-free. Iwasan ding kuskusan ang balat ng iyong anak. Limitahan din ang pagpapaligo sa kaniya sa limang hanggang sampung minuto lang.
Alamin ang triggers ng iyong anak.
May mga dahilan rin o triggers kung bakit lumalabas ang eczema ng iyong anak. Mabuting alamin ito at tuluyan ng iwasan. Ilan sa nagtritrigger ng eczema ay pawis, laway, usok ng sigarilyo, alikabok at labis na mababangong produkto.
Bleach bath therapy
May tinatawag ring bleach bath therapy na makakatulong para makontrol ang eczema ng iyong anak. Mabuting tanungin ang iyong dermatologist kung paano ito ginagawa. Dahil sa paraang ito ay naalis ang bacteria at pamamaga sa balat ng iyong anak.
Source: Daily Mail, AAD
Photo: Daily Mail
Basahin: Eczema sa mga bata: 10 bagay na dapat malaman tungkol sa sakit sa balat na ito
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!