Naranasan mo na ba na pag gising mo mula pagkakatulog ay may naramdaman kang isang malaking bump na kulay pula at kapag hinawakan mo ito ay masakit? Naku! Ito ay maaaring pigsa sa pwet na walang mata. Pero wait! Bago mo siya ma-expose, kailangan mo munang malaman kung paano gamutin ang pigsa para maagapan agad ito. Ang pigsa sa pwet na walang mata ay karaniwang dulot ng impeksyon sa buhok o follicle, at maaaring magdulot ng labis na discomfort. Ano nga ba ito at ano ang mabisang gamot sa pigsa na nabibili sa botika?
Ano ang pigsa?
Ang pigsa o boil sa English ay sanhi ng impeksiyon sa hair root o sweat pore ng balat. Sa simula, makakaramdam ka muna ng pamumula sa isang bahagi ng katawan mo.
At kapag nagtagal, mabubuo ang nana sa ilalim ng balat dahil sa impeksyon hanggang ito ay maging kulay pula at masakit na bukol. Ayon sa mga pagsusuri, wala naman itong kinalaman sa kabuuang kalusugan ng isang bata; talaga lang lumalabas ito lalo na kapag tag-init.
Masakit, pero hindi naman ito isang seryosong sakit o problema, maliban na lamang kung tutubo ito sa mga maselang bahagi tulad ng sa pwet at mukha, at kung hindi maaagapan ang impeksiyon na kumalat sa ibang bahagi ng sistema.
Kaya karamihan ay nagtataka pa rin kung paano gamutin ang pigsa. Ating alamin ito at isa-isahin ang mga paraan para makaiwas sa boil, kasama na ang mga mabisang gamot sa pigsa na nabibili sa botika. Mahalaga ring suriin ang mga gamot sa pigsa na nabibili sa botika upang makakuha ng tamang lunas.
Ilang araw tumatagal ang pigsa?
Ano ang mga sintomas nito?
Sintomas ng pigsa
Maaaring magkaroon ng pigsa ang lahat ng tao. At sa kahit anong parte ng katawan ay puwede itong tumubo. Ngunit karaniwang tumutubo ang boil sa mga may buhok at pawisin na parte ng katawan katulad ng mukha, kili-kili, leeg, braso, pisngi ng puwit o balakang.
Sintomas ng pigsa
Kadalasan, nagsisimula ang boil sa maliit na kulay pulang umbok sa balat. Kapag ito ay naramdaman mong masakit kapag hinawakan, maaaring ito ay boil dahil unti-unti na itong namamaga.
Maliit ito sa una ngunit lumalaki din agad kapag tumagal. Kapag ito ay tila hinog na, titigas ito dahil sa nana sa ilalim ng balat ngunit lalambot din kapag tumagal pa.
Narito ang sintomas:
- Pagkakaroon ng lagnat
- Pagkakaroon ng maliit na mapulang bukol sa balat
- Pananakit ng katawan
- Kapag kumakati ang palibot ng mapulang bukol
- Ang balat sa paligid nito ay nagkakaroon din ng impeksyon
- Patuloy na paglaki ng mapula, matigas at makating bukol
- Kapag napansin mong nagkakaroon ng madilaw o maputing tuldok sa gitna ng bukol
Mahalagang malaman ang mga mabisang gamot sa pigsa na nabibili sa botika upang mapabilis ang proseso ng paggaling. Isaalang-alang din ang mga gamot sa boil na nabibili sa botika bilang bahagi ng iyong lunas.
Pigsa remedy: Paano gamutin ang pigsa?
Pigsa remedy o gamot sa pigsa home remedy? Mayroon niyan! Naghahanap ka ba ng gamot sa pigsa home remedy na maaaring masubukan para mawala ang boil? Narito ang ilang pwedeng subukan:
1. Warm compress : Gamot sa pigsa home remedy
Isa kung paano gamutin ang boil ay lapatan ito ng warm compress para bumuka o pumutok ang mata (ng pigsa) at lumabas ang nana.
Gumamit lang ng tuwalya o bimpo na binabad sa maligamgam (hindi mainit) na tubig at ilapat sa pigsa nang ilang minuto. Gawin ito ng ilang beses sa isang araw. Siguraduhing malinis ang kamay kapag ginagamot ang pigsa. Kung hindi ito gumagaling, isaalang-alang ang mga mabisang gamot sa pigsa na nabibili sa botika bilang alternatibong lunas. Ang mga gamot sa pigsa na nabibili sa botika ay makakatulong upang mapabilis ang proseso ng paggaling.
2. Malinis na katawan
Panatilihing malinis ang katawan ng may sakit. Mabilis kumakalat ang boil lalo na kapag may dumi o germs. Kung bumuka at matanggal ang nana ng pigsa, punasin ito pati ang dugo na lalabas gamit ang malinis na bulak na binasa sa antiseptic solution.
Hugasan at tuyuin ang paligid ng pigsa, at takpan ng plaster o gauze upang maiwasan ang pagkalat nito, at para hindi kamutin ng bata. Hugasan ang kamay nang mabuti pagkatapos maglinis ng pigsa.
3. Paano gamutin ang pigsa ng bata
Kapag may boil ang bata, makakabuti ang pagpapaligo sa bata araw-araw, o dalawang beses sa isang araw kung matindi ang init ng panahon.
Gumamit ding ng antiseptic solution sa mismong pigsa, sa isang buong linggo. Bigyan siya ng sariling tuwalya at bimpo, na hindi ipapagamit sa iba.
Labhan din ito sa tuwing gagamitin para matanggal ang mga mikrobyo, kasama na ang mga damit na lumalapat sa pigsa araw-araw. Para sa karagdagang lunas, maaari ring isaalang-alang ang mga gamot sa pigsa na nabibili sa botika upang mas mapadali ang paggaling.
4. Hindi gamot sa pigsa ang pagtiris dito
Huwag titirisin! Mas magiging susceptible sa impeksiyon ang boil kapag ginawa ito, bukod pa sa masakit lalo ito para sa bata. HUWAG ding gumamit ng karayom sa pagpisa ng pigsa dahil maaaring magkaron ng tetano mula dito.
5. Laging i-check ang boil
Tingnan palagi kung may mga bagong pigsang lumalabas sa ibang bahagi ng katawan ng bata. Dalhin agad sa doktor kung lumalaki, dumadami o labis na ang sakit.
6. Blood test
Kapag hindi umepekto ang gamot sa pigsa na antibiotic, sumasailalim sa blood test ang pasyente at maaaring kailanganin ang minor surgery para matanggal ang nana o pus, para sa tinatawag na incision at drainage.
May general anaethesia at surgeon ang gagawa ng procedure. Bibigyan din ang pasyente ng antibiotics sa pamamagitan ng intravenous drip o IV. Ito ay sa mga extreme cases lamang.
7. Halamang gamot sa pigsa home remedy
Sa probinsiya, at sa mga naniniwala sa mga halamang gamot, dahon ng gumamela ang ginagamit para mapahinog ang boil. At ito ay isang sinaunang paniniwala na ginagawa pa rin ng marami dahil nakita nila ang pagpapagaling nito sa pasyente.
Ang gumamela ay isa sa mga gamot na herbal na maaaring gamitin para mas mabilis ang paghinog ng nana ng pigsa. Hinuhugasan at pinapatuyo sandali ang bagong pitas na dahon ng gumamela at dinidikdik hanggang sa maging pino at kumatas ito.
Saka naman ito inilalagay sa ibabaw at paligid ng pigsa, na siyang magpapahinog dito. Siguraduhin pa ring malinis ang pigsa at ang mga kamay ng gumagamot.
Gamot sa pigsa na nabibili sa botika
Bukod sa mga home remedy, mayroon ding gamot sa pigsa na nabibili sa botika. Maaaring magreseta ang doktor ng mga gamot para sa iyong pigsa. Maaaring pinapahid ito o kaya naman iniinom. Ang pigsa kasi ay isang uri ng impkesyon na kinakailangan inuman minsan ng antibiotic.
Ilang sa mga antibiotic na maaaring ireseta ng iyong doktor na gamot sa pigsa na nabibili sa botika ayon sa Healthline ay ang mga sumusunod:
- cefotaxime
- ceftriaxone
- cephalexin (Keflex)
- amikacin
- levofloxacin (Levaquin)
- mupirocin (Centany)
- sulfamethoxazole/trimethoprim (Bactrim, Septra)
- tetracycline
- amoxicillin (Amoxil, Moxatag)
- ampicillin
- cefazolin (Ancef, Kefzol)
- erythromycin (Erygel, Eryped)
- gentamicin (Gentak)
- clindamycin (Cleocin, Benzaclin, Veltin)
- doxycycline (Doryx, Oracea, Vibramycin)
10 bagay na dapat malaman tungkol sa boil
1. Ang boil ay tinatawag ding furuncle
Kapag marami o grupo ang tumubo, carbuncle ang tawag dito. Kapag malalaki, ito ay tinatawag na abscesses. Nagsisimula ito sa pamumula ng isang bahagi ng katawan, pagkatapos ay nagkakaroon ng malambot na pamamaga.
Magkakaroon ng kulay puti dahil sa pagkaipon ng nana sa ilalim ng balat, pagkalipas lamang ng apat hanggang pitong araw.
2. Karaniwan itong tumutubo sa mukha
Kadalasang tumutubo ito sa mga may buhok at laging pinapawisang parte ng katawan katulad ng mukha, kili-kili, leeg o pwet. Kapag may tumubong isa, malamang ay may tutubo pa sa ibang bahagi ng katawan.
3. Bacteria ang sanhi nito
Nagkakaron ng boil kapag may mga bacteria na tinatawag na Staphylococcus aureus, ang pumasok sa hair root o follicles, oil glands, o sweat pore, ayon kay Dr. Jerry Villarante, MD, sa pamamagitan ng mga sugat sa balat.
4. Hindi ito delikado
Ito ay dahil may mga natural na pang-depensa ang katawan natin para malabanan ang bacteria.
5. Walang direktang sanhing panlabas ang pagkakaroon nito
6. Impeksiyon ng boil
Ang boil ay kailangang maagapan para hindi kumalat sa sistema ng iyong katawan. Ang ilang hudyat ng impeksiyon ay mataas na lagnat, kumakalat na pamumula, at lumalalang sakit.
7. Lahat ng tao ay maaaring magkaroon ng pigsa
Wala ring paraan para mapigilan ang pagkakaron ng boil dahil maaaring magkaroon ng boil ang lahat ng tao.
8. May mga sakit o kondisyon na maaaring magpalala nito
Ang mga sakit na ito ay diabetes, eczema at nakabukang balat, kaya’t nakakapasok ang bacteria, mahinang defense system o immune deficiency, anaemia o iron deficiency.
Ang simpleng maling paglinis ng katawan at kakulangan sa tamang nutrisyon ay maaaring maging sanhi din ng pigsa. May mga gamot din na nakakapagpahina ng defence system laban sa bacteria. Kailangang tingnan o suriin ang mga side effects ng mga gamot na ibibigay sa bata.
Paano gamutin ang pigsa? | Larawan mula sa Freepik
9. Kumonsulta sa doktor
Kailangang kumonstulta sa doktor, lalo na kapag hindi gumaling sa loob ng 2 hanggang 3 araw at walang gitna o tinatawag ng matatanda na mata, kapag may mataas na lagnat na hudyat ng impeksiyon, at kapag lumalaki na, o dumami na.
Higit na dapat dalhin sa doktor kung ang bata ay may diabetes o immune problem. Ayon kay Dr. Villarante, kailangan ng bata ng antibiotic, cloxacillin at kailangang palabasin ang pus o nana.
10. Maging sensitibo
Ugaliing maging sensitibo sa mga tumutubong bukol sa katawan. Kung maaari, ‘wag itong hahawakan o gagalawin palagi. ‘WAG ring tirisin ito dahil maaaring mag impeksyon ang bukol.
Ilang araw tumatagal ang pigsa?
Nakadepende sa mabilis na paggaling ng boil sa tao ang paggaling nito. Ngunit ilang araw rin na tumatagal bago gumaling ito. Ito ay nasa 1-2 linggo.
May mga batang paulit-ulit na nagkakaroon nito, sa iba’t ibang edad o panahon, at minsan ay kumakalat pa ito sa mga kasambahay o kapamilya na kasama sa bahay.
Ayon sa mga doktor, ito ay dahil sa bacteria na nasa sistema na ng bata, kaya’t palaging may impeksiyon, sa tuwing masusugatan o magagasgas man lang. May mga doktor na iniimbestiga kung may underlying medical condition ang bata.
Antibiotic ointment epektibo ba para sa pigsa?
Dahil karamihan sa mga pigsa ay dulot ng staphylococcus aureus bacteria, karaniwang nirerekomenda ng doktor na mag-take ng antibiotics. Ang antibiotics ay maaaring i-take orally o kaya naman ay topical o sa pamamagitan ng pagpahid ng antibiotic ointment o cream para sa pigsa.
Kaya lamang, nabanggit sa article ng Healthline at Medical News Today, ayon umano sa American Osteopathic College of Dermatology, ang mga antibiotic ointment tulad ng Neosporin, bacitracin, o Polysporin ay hindi epektibo para sa pigsa. Hindi umano epektibo ang mga ointment cream para sa pigsa dahil hindi naman nape-penetrate ng ointment ang infected na balat.
Larawan mula sa Pexels kuha ni Anna Shvets
Ilan sa mga karaniwang antibiotic na nirerekomenda ng mga doktor ay ang mga sumusunod:
- Amoxicillin
- Ampicillin
- Cefotaxime
- Cephalexin
- Tetracycline
- Sulfamethoxazole
Nakadepende sa kondisyon ng pigsa kung anong klase ng antibiotic ang ipre-prescribe ng doktor sa iyo. Mayroon kasing maraming uri ng staph bacterial at nasa 30 types na nito ang naging resistant sa certain antibiotics.
Para malaman kung anong klase ng antibiotics ang dapat mong inumin, kukuha ng sample ng nana o laman mula sa pigsa mo ang doktor at ipapa-eksamin ito sa laboratory.
Mga dapat tandaan sa pag-inom ng antibiotics
- Kahit bumuti na ang pakiramdam ay ubusin pa rin ang bilang ng antibiotics na nirekomenda ng doktor.
- Kapag hindi tinapos ang medication ng oral antibiotic posibleng magkasakit ulit at maging resistant ang mga natitirang bacteria sa antibiotic.
- Iwasan ang pagbahagi ng medications sa iba
- Huwag uminom ng antibiotics na prescribed ng doktor sa ibang tao
- Tubig lamang ang inumin kung magte-take ng antibiotics
- Iwasang putulin o durugin ang gamot.
- Tatlong oras pagkatapos uminom ng antibiotics huwag muna uminom ng fruit juice at alcoholic beverages. Gayundin ang pagkain ng dairy products.
- Iwasan muna ang pag-inom ng dietary supplement na mayroong calcium.
Ointment para sa pigsa ng bata
Para malaman kung paano gagamutin ang pigsa ng iyong anak, aalamin muna ng doktor ang edad, overall health, at medical history ng bata.
Pagkatapos nito ay titingnan kung gaano kalala ang pigsa ng bata at kung ano ang level ng tolerance nito sa mga specific medication, procedures, o therapies.
Hihingiin ng doktor ang iyong opinion at preference sa kung anong klase ng paggamot sa iyong anak ang gagawin.
Ilan sa mga proseso ng paggamot sa boil ng bata ay ang mga sumusunod:
- Paggamit ng warm compress para ma-promote ang pagputok at drainage ng pigsa.
- Possible removal ng pigsa
- Paggamit ng oral or intravenous antibiotics para gamutin ang impeksyon.
Dahil hindi umano epektibo ang antibiotic ointment para sa pigsa ng bata man o matanda, mas makabubuting patingnan ang iyong anak sa doktor para malaman kung anong klaseng antibiotic ang maaari nitong i-take.
Gamot sa pigsa home remedy
Larawan mula sa Pexels kuha ni Mali Maeder
Narito ang ilang gamot sa pigsa home remedy na maaari mong subukan para gamutin ang boil. Subalit, tandaan na may limitadong patunay na epektibo ang mga ito, kaya’t makabubuti pa rin na kumonsulta sa inyong doktor bago subukan ang anumang home remedy.
- Tea Tree Oil: Maaari itong ipahid nang direkta sa pigsa tuwing magpapalit ng bandage o gauze. Kilala ito sa mga katangian nitong antibacterial na makakatulong sa paglaban sa impeksyon.
- Turmeric o Luya: Pwedeng paghaluin ang turmeric at luya upang makagawa ng paste, o kaya naman ay pakuluan nang magkasama at lagyan ng asin. Pagkatapos, ilublob ang malinis na washcloth at ipahid sa pigsa. Kilala ang turmeric sa mga anti-inflammatory properties nito na makakatulong sa pagpapagaling ng sugat.
- Sibuyas: Hiwain nang makakapal ang sibuyas at ibalot sa gauze pad. Pagkatapos, ipatong sa ibabaw ng pigsa isang oras kada araw. Ang sibuyas ay may natural na antiseptic na makakatulong sa pagpapagaling ng sugat.
- Bawang: Maaaring pigain o i-extract ang katas ng bawang at ipahid ito sa pigsa sa loob ng 10 hanggang 30 minuto. Maaari itong gawin isa o dalawang beses araw-araw. Ang bawang ay kilala sa mga antimicrobial properties nito.
- Castor Oil Extract: Tulad ng tea tree oil, maaari din itong direktang ipahid sa pigsa tuwing papalitan ng bandage. Ang castor oil ay may mga anti-inflammatory at healing properties na nakakatulong sa pagpapabilis ng paggaling ng pigsa.
Gayunpaman, mahalaga na tandaan na kung ang pigsa ay lumalala, hindi gumagaling, o nagdudulot ng matinding sakit, makabubuti pa rin na magpakonsulta sa doktor upang masuri at magabayan sa tamang paggamot.
Paalala ng Department of Health
Kung ikaw o ang iyong anak ay mayroong boil, pinapaalala ng DOH ang mga sumusunod:
- Huwag na huwag hahawakan ang pigsa nang madumi ang kamay
- Iwasang pigain ang pigsa dahil maaari itong magdulot ng pagkalat ng impeksyon.
- Gumamit ng warm compress para maibsan ang pananakit.
- Pansamantalang balutan ang pigsa kung nanganganib itong madumihan o masanggi.
- May mga pigsa na kinakailangan talagang putukin at i-drain. Subalit tandaan na huwag itong gawin nang kayo lang. Mahalagang ipagawa ito sa doktor para tiyak na makaiwas sa infections.
- Kumonsulta sa doktor kung hindi puputok nang kusa ang pigsa.
Para maiwasan na magkaroon ng boil mahalagang panatilihing malinis ang ating balat. Regular na hugasan ang balat gamit ang tubig at mild soap. Puwede ring gumamut ng textured cloth, brush, o glove para ma-exfoliate ang balat.
Dagdag pa rito, kumain ng masustansyang pagkain at uminom nang sapat na dami ng tubig para manatiling hydrated. Ugaliin din ang paghuhugas ng kamat gamit ang antibacterial soap matapos humawak sa pigsa ng iba.
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!