Hindi ba makatulog si baby sa gabi dahil sa pagkamot ng kanyang mukha, braso at hita na namumula at halos magsugat na? Huwag itong balewalain mommy, baka sintomas na ito na may atopic dermatitis o eczema na ang inyong baby. Alamin kung ano ang eczema at ano ang tamang gamot sa eczema ng baby.
Ano ang Eczema at saan ito nagmula?
Gamot sa Eczema ng Baby: Mga Mabisang Produkto at Presyo Nito | Image from freepik
Ang atopic dermatitis o mas kilala sa tawag na eczema ay isang skin condition kung saan ang isang tao ay nagkakaroon ng mapula at makating balat.
Ito ay pangkaraniwang tumutubo sa baby at bata. Kadalasang tumutubo ito sa mukha, braso, at hita. Ang mga baby hanggang limang taon gulang na bata ang madalas magkaroon ng eczema. Hindi ito nakakahawa sa ibang tao.
Hanggang ngayon, hindi pa alam ng mga eksperto kung saan ito nagmula at paano nagkakaroon nito ang isang tao. Walang gamot sa eczema ng baby na pangmatalagal dahil ito ay kusang bumabalik hanggang sa kanyang paglaki.
Kung mayroon ang isa sa iyong pamilya na may eczema, maaari ring magkaroon ang isa sa iyong mga anak.
Mga sintomas na may eczema ang inyong baby
- Dry skin
- Scaly skin o parang makaliskis na balat
- Mapula at makating balat lalo na sa gabi
- Small red bumps na parang may tubig sa loob
- Nagbabalat at namamagang balat dahil sa sobrang kakakamot
Mga dahilan bakit patuloy na bumabalik sa eczema ni baby
Gamot sa Eczema ng Baby: Mga Mabisang Produkto at Presyo Nito | Image from freepik
Ayon sa mga eksperto, maaaring madala ng isang baby na may eczema ang kondisyong ito hanggang sa kanyang paglaki. Kaya naman sa mas mainam na malaman kung bakit ito paulit-ulit na bumabalik. May mga dahilan kung bakit mas madalas itong bumabalik sa baby. Narito ang ilan sa sanhi ng eczema ni baby:
- May asthma o skin asthma
- Food allergy
- Harsh chemical on detergent
- Harsh chemical on baby’s soap or shampoo
- Wipes na may alcohol at frangrant
- Alikabok
- Polusyon
- Dumi ng kapaligiran
Lunas sa skin asthma o eczema ng baby
Batay sa mga nakalap na resources namin, ayon kay Doc Barb, walang eksaktong gamot para sa skin asthma o eczema ng baby. Ayon sa mga eksperto, ang ganitong skin condition ay walang gamot dahil hindi ito tuluyang nawawala sa sistema ng baby hanggang paglaki.
May mga baby na posibleng makaranas ng mga sintomas at indikasyon ng skin asthma. Habang tumatanda sila, maaari itong mawala. Pero, kapag nairita ang kanilang balat, hindi imposible na bumalik ang skin asthma ni baby, dahil wala itong gamot upang mawala nang tuluyan.
Para sa mga skin doctors, mainam na labanan o iwasang mag-flare up ang iritasyon ng balat ng baby at ng eczema. Magagawa ito sa pamamagitan ng pagmo-moisturize ng ating balat.
Ang kadalasang gamot para sa skin asthma ni baby ay para mapawi lamang ang pangangati at pamamantal sa balat. Pwedeng nasa listahan ng mga gamot ng eczema o skin ashtma ng baby ang oral antihistamine at topical medications.
Ang mga topical medications o gamot sa mga sintomas ng eczema o skin asthma ng baby ay ang mga sumusunod:
- anti-inflammatory ointment at creams
- topical immunomodulators
- mositurizing cream at lotion
Pinakamainam pa rin ang pagpapakonsulta sa doktor, lalo na sa eksperto sa mga skin diseases. Minsan, may mga mommies na nagtatanong tungkol sa mga indikasyon ng malubhang kaso ng skin asthma ni baby.
Mainam din na sigurado ang mga iniinom at ipapahid na gamot sa eczema ng baby. May mga gamot o pampahid na maaaring magdulot pa lalo ng iritasyon sa balat ni baby kung mali ang paggamit.
Best brands ng gamot sa eczema ng baby
Gamot sa eczema
| Bepanthen Itch Relief Cream Best Overall | | View Details | Bumili sa Shopee |
| Mustela Stelatopia Emollient Cream Best moisturizer | | View Details | Bumili sa Lazada |
| Cetaphil Baby Advanced Protection Cream Best Multipurpose Cream | | View Details | Bumili sa Shopee |
| ECZEMA HONEY Original Skin-Soothing Cream Best antibacterial | | View Details | Bumili sa Shopee |
| Aveeno Baby Soothing Relief Moisture Cream Best lotion for eczema | | View Details | Bumili sa Shopee |
| Suu Balm Kids Rapid Itch Relief Cream Best fast-acting | | View Details | Bumili sa Shopee |
Best Overall
Gamot sa Eczema ng Baby: Mga Mabisang Produkto at Presyo Nito | Bepanthen
Ang Bepanthem itch Relief Cream ay mabisa sa pagbibigay lunas upang maibsan ang eczema ni baby. Safe itong gamitin sa araw-araw dahil ito ay hypoallergenic, fragrance-free, no preservatives, at no colorants. Pinipigilan ng Itch Relief Cream ang kati na dulot ng eczema at kaya nitong umpekto sa loob ng 30 minutes.
Ginagamot din nito ang ilang skin condition tulad ng dry skin at allergy. Trusted brand ng mga mommies sa iba’t ibang panig ng mundo ang Bepanthen.
Ingredients:
Ang formulation ng produktong ito ay steroid at preservatives-free kaya naman suitable ito sa mula infant hanggang sa matanda. Naglalaman din ito ng glycerin at Provitamin B5 na nagbibigay ng long-lasting hydration sa balat.
Features we love:
- Safe gamitin sa baby, pregnant at lactating moms
- Mabilis umepekto
- Maaari ring gamiting gamot sa dry skin at iba pang skin condition
Best Moisturizer
Gamot sa Eczema ng Baby: Mga Mabisang Produkto at Presyo Nito | Mustela
Ang trusted brands na ito ng baby products ay gumawa rin ng product line para sa mga babies na may eczema. Kaya naman di namin nakalimutan isama sa aming listahan ang Mustela Stelatopia Emollient Cream. Ang emollient ang nagbibigay ng moisture sa skin ni baby at pinoprotektahan ito sa pagkasira.
Kayang-kaya rin nitong pakalmahin ang balat mula sa pangangati na dulot ng eczema. At pinapalambot nito ang balat, kahit pa ito ay extremely dry.
Ingredients:
Gawa ito sa sa natural na sangkap katulad ng sunflower oil, avocado extract, prunus domestica seeds oil, at iba pa na safe gamitin ng baby at matatanda na may eczema o super sensitive skin. Dermatologically tested at proven na effective bilang eczema treatment.
Features we love:
- Hydrating and moisturizing
- Perfect para sa baby na may super sensitive skin
- Fragrance-free
Best Multipurpose Cream
Gamot sa Eczema ng Baby: Mga Mabisang Produkto at Presyo Nito | Cetaphil
Why we love it bilang gamot sa eczema ng baby?
Ang mga produkto ng Cetaphil ay clinically proven na safe sa balat kahit na ng taong may super sensitive skin. Ang Cetaphil Baby Advanced Protection Cream ay may organic calendula na may antioxidant, may anti-fungal at anti-microbial property, lumalaban sa cancer cells at nagbibigay proteksyon sa balat. Nagbibigay rin ang produktong ito ng moisture para maiwasan ang pagkakaroon ng eczema ni baby. Wala itong halong frangrant, mineral oil, petroleum, paraben, at colorant kaya safe na safe itong gamitin sa araw-araw.
Ingredients:
Bukod sa organic calendula, mayroon din itong allantoin na nagpapakinis ng balat at nag-aalis ng dead skin cells. Mayroon din itong sunflower seeds oil, water, glycerin, at iba pang ingredients na nagbibigay ng moisture at protection sa gagamit.
Features we love:
- Multipurpose cream
- Maaaring gamitin sa face at buong katawan ni baby
- Anti-itch at hydrating formula
Best antibacterial
Gamot sa Eczema ng Baby: Mga Mabisang Produkto at Presyo Nito | Eczema Honey
Ito ay one of the best eczema products na kilala sa buong mundo. Nag-iiwan rin ito ng cooling effect para maibsan ang pangangati at mas maginhawang pakiramdam. Safe itong gamitin sa araw-araw upang maiwasan ang pagkakaroon ng paulit-ulit na eczema sa balat ni baby. May antibacterial properties din ito na nakakatulong upang maiwasan ang anumang impeksyon sa balat.
Ingredients:
Gawa ito sa pinagsama-samang natural ingredients tulad ng beeswax at honey na may nagbibigay ng moisture sa balat. Mayroon din itong organic olive oil, almond oil, organic aloe vera juice, organic sunflower oil, at iba pa na nagbibigay ng proteksyon sa sensitive na balat.
Features we love:
- Gawa sa organic ingredients
- Nakakapagmoisturize ng dry skin
- Nakakatulong para maibsan ang pangangati ng balat
Best lotion for Eczema
Gamot sa Eczema ng Baby: Mga Mabisang Produkto at Presyo Nito | Aveeno
Ang Aveeno ay produkto ng Johnson&Johnson na trusted brand ng mga mommy pagdating sa baby products. At ang kanilang Baby Soothing Relief Moisture Cream ay nabibigay ng maginhawang pakiramdam kay baby. Ito ay naglo-lock-in ng moisture sa balat upang maiwasan ang dry skin at mapigilan ang pagbalik ng eczema sa katawan.
Gawa ito sa ingredients katulad ng oatmeal na kilalang nakakapagbigay ng relief sa skin rashes. Ito rin ay fragrance-free, paraben-free, phthalate-free, at steroid-free.
Ingredients:
Natural oatmeal, soybean oil, beeswax, dimethicone, at marami pang iba na safe para sa sensitive skin ni baby. Gamitin ito pagkatapos maligo at siguraduhing i-apply sa part ng skin na madalas pagmulan ng eczema.
Features we love:
- Best lotion para sa mga baby na may eczema
- Hypoallergenic at fragrance-free
- Nagtataglay ng natural oats na nagbibigay proteksyon sa balat
Best fast-acting
Gamot sa Eczema ng Baby: Mga Mabisang Produkto at Presyo Nito | Suu Balm
Para mas mabilis maibsan ang pangangati dulot ng eczema, subukan ang Suu Balm Kids Rapid Itch Relief Cream sa iyong little one. Sa loob lamang ng 5 minutes ay kaya na nitong umpekto at pakalmahin ang iritableng balat ni baby. Ito ay dahil sa mayroon itong natural cooling menthol.
Bukod pa roon ay may ceramide at fillagrin din ito na nagmomoisturize at nag-aalaga ng kondisyon ng balat. Perfect din gamitin ang cream na ito bilang lunas sa iba pang skin condition gaya ng skin asthma, allergies, dermatitis, hives, insect bites, psoriasis at bungang araw. Wala itong halong preservatives at strong chemicals na makakasama sa iyong anak.
Ingredients:
Ang formulation nito ay light at non-sticky. Naglalaman ito ng natural menthol, ceramide at fillagrin. Karagdagan, ito ay free from steroid, paraben at ano pang preservatives.
Features we love:
- Fast-acting cream para sa eczema
- May natural menthol para maibsan ang pangangati
- Walang halong strong chemicals
Price Comparison Table
|
Brands |
Pack size |
Price |
Price per gram or ml |
Bepanthen |
20 g |
Php 502.00 |
Php 25.10 |
Mustela |
200 ml |
Php 1,080.00 |
Php 5.40 |
Cetaphil |
85 g |
Php 370.00 |
Php 4.35 |
Eczema Honey |
113.5 g |
Php 2,550.00 |
Php 22.47 |
Aveeno |
227 g |
Php 782.00 |
Php 3.44 |
Suu Balm |
75 ml |
Php 1,300.00 |
Php 17.33 |
Tips para pag-aalaga ng balat ng baby na may eczema
Walang gamot ang eczema ng baby. Prevention lang ang maaaring ibigay sa baby na mayroong ganitong skin condition. Narito ang listahan ng maaaring gawin upang maibsan ang nararamdamang kati ng balat na dulot ng eczema at kung paano ito pansamantalang malulunasan:
- Siguraduhin na hydrated ang balat ni baby. Gumamit ng cream, lotion o ointment na mild at hiyang kay baby para sa moisture ng kanilang balat. Mag-apply nito ng atleast dalawang beses sa isang araw.
- Gumamit ng mild soap o chemical free na sabon sa pagpapaligo kay baby. Dapat ang body wash o bar soap na gagamitin ay angkop sa sensitive skin ni baby. May mga nabibiling sabon na para sa eczema. Paliguan si baby a loob lamang ng 10 minuto upang hindi maalis ang natural moisture ng kanyang balat.
- Linisin mabuti ang mga lugar na pinamamalagian ni baby. Siguraduhing dust free ito at iwasang gumamit ng may matapang na chemical na produkto sa paglilinis dito. Makabubuting gumamit ng vacuum para maaalis ang anumang alikabok sa kapaligiran,
- Kung ang inyong anak ay may food allergy, ipacheck-up agad sa inyong pedia upang malaman kung anong pagkain ang sanhi nito. Isa sa nakakapagpa-trigger sa eczema ay ang pagkakaroon ng food allergy.
- Ugaliing malinis ang kamay bago hawakan si baby. Magsabon ng kamay o maligo kung galing sa labas ng bahay, upang hindi maipasa ang anung kumapit na germs sa katawan.
- Kung may naninigarilyo sa loob ng bahay, sabihan ito ng maayos na manigarilyo sa lugar na hindi pimupuntahan ni baby.
TANDAAN: Kung patuloy na lumalala ng eczema ni baby, sumangguni agad sa inyong Pedia o caregiver unit para maiwasan ang skin infection. Sa bawat produkto na gagamitin, bago bilhin, mas mabuting ikonsulta o magtanong muna sa pedia o sa derma.
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.