Gamot sa singaw: 10 epektibong home remedy para sa singaw sa dila at bibig

Narito ang ilang mabisang gamot sa singaw na hindi lang natural, ngunit siguradong makakatulong maibsan ang masakit at nakakairitang singaw sa bibig.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Gamot sa singaw sa bibig ba ang hanap mo? Alamin dito ang mga natural na gamot sa singaw at mga paraan kung paano maiiwasan ang singaw sa bibig o sa dila.

Ano ang singaw?

Ang singaw ay maliit na butas sa loob ng bibig, dila o pisngi. Karaniwang kulay nito ay puti o madilaw, ang scientific name nito ay Apthous stomatitis at lahat ng tao ay posibleng magkaroon nito. Ang singaw in english ay mouth ulcer, canker sore o mouth sore.

Larawan mula sa Freepik

Minsan, ito ay resulta ng di sinasadyang pagkagat sa loob ng labi o balat sa tabi ng bibig (loob ng pisngi), nakikiskis ng braces, matinding stress, madidiin na pagsisipilyo, at minsan ay genetics lang talaga. Ngunit, ano nga ba ang magandang gamot sa singaw sa dila o kaya naman bibig? Mayroon bang singaw sa dila home remedy? Alamin natin ang mga mabisang gamot sa singaw na maaari mong subukan.

Karaniwang nawawala nang kusa ang singaw sa bibig, sa dila, o sa labi kahit walang paggamot. Pero kung malalaki ang singaw sa dila o bibig, at lumipas na ang ilang araw at di pa rin nawawala, mayroong mabisang gamot sa singaw home remedy na maaari mong subukan. Mahalaga ring alamin ang mga sanhi ng singaw sa bibig upang maiwasan ang mga ito sa hinaharap.

Karaniwang nagbibigay ng prescription ang mga dentista para sa mga antimicrobial mouthwash o corticosteroid ointment, para sa sakit. Kung ayaw naman ng mga gamot, may iba pang alternatibo. Puwedeng sumubok ng singaw sa dila home remedy.  Alam niyo bang may mga natural ingredients ang pwedeng panggamot sa nakapeperwisyong singaw?

Bakit nagkakaroon ng singaw?

Ang singaw sa bibig o canker sore in English ay tumutukoy sa lesion o sugat sa loob ng bibig. Ito ay madalas na pabilog o pa-oval ang hugis na maaaring kulay puti o dilaw at may red border sa kaniyang paligid.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kaiba ito sa tinatawag na cold sores na pangunahing sintomas ng sakit na herpes simplex virus o HSV. Sapagkat ang canker sore o singaw sa loob lang ng bibig tumutubo, tulad na lang sa loob ng ating labi at pisngi. O kaya naman sa ating gums o sa ilalim at ibabaw ng ating dila. Habang ang mga cold sores nama’y makikita sa labas o paligid lang ng ating bibig. Kung ikaw ay nakakaranas ng singaw sa bibig, mahalagang malaman ang mga mabisang gamot sa singaw upang mabilis na maibsan ang sakit.

Alamin ang mga sanhi at tamang paggamot para sa singaw sa bibig, kasama na ang mga natural na gamot sa singaw sa bibig na maaaring makatulong.

Sanhi ng singaw sa bibig o singaw sa dila

Larawan mula sa Freepik

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Wala pang matukoy na eksaktong dahilan kung bakit nagkakaroon ng singaw o canker sores. Ngunit ayon sa mga pag-aaral, ito ay maaaring dulot ng iba’t ibang factors tulad ng mga sumusunod:

  • Minor injury sa bibig dulot ng dental activity tulad ng napalakas na pagsisipilyo o aksidente sa nilalarong sports.
  • Maaaring dulot din ito sa ginagamit na toothpaste o mouthwash na may taglay na sodium lauryl sulfate.
  • Ito’y maaaring dulot din ng food sensitivities o allergic reactions sa mga pagkain tulad ng chocolate, coffee, strawberries, itlog, nuts at cheese. Pati na sa mga maanghang o acidic na pagkain.
  • Ang emotional stress ay iniuugnay rin sa pagkakaroon ng singaw sa bibig.
  • Sinasabing epekto rin ito ng kakulangan ng katawan sa vitamin B-12, zinc, folate o iron.
  • Maaaring dulot din ito ng isang bacteria na kung tawagin ay helicobacter pylori na nagdudulot ng peptic ulcer.
  • Sa mga babae, maaaring dulot rin ito ng hormonal shifts habang mayroong regla o menstruation.
  • Posibleng dulot din ito ng malalang sakit na tinatawag na celiac disease. Ito’y isang seryosong intestinal disorder dulot ng sensitivity sa protein na gluten.
  • Ipinapakitang sintomas din ito ng mga inflammatory bowel diseases tulad ng Crohn’s disease at ulcerative colitis.
  • Isa rin ito sa sintomas na ipinapakita ng Behcet’s disease, isang disorder na nagdudulot ng inflammation sa buong katawan.
  • Maaaring dulot din ito ng sakit na HIV/AIDS na nagpapahina sa immune system ng katawan.
  • Ito rin ay maaaring namamana o hereditary na sa isang pamilya.

Maraming posibleng dahilan ang singaw sa labi, dila, o bibig. Sa kabila ng mga posibleng sanhi, ang tamang kaalaman tungkol sa singaw sa bibig at mga gamot sa singaw ay makatutulong upang maiwasan ito sa hinaharap. Kaya naman makabubuting magpatingin sa doktor kung ang singaw ay hindi nawawala o kaya naman ay nakaaabala na sa pang-araw-araw na buhay.

Iba’t-ibang uri ng singaw

May iba’t ibang uri ng singaw o aphthous ulcers sa Ingles, ang mga ito ay ang sumusunod: .

1. Minor na Singaw

  • Pinakakaraniwang uri, na bumubuo ng halos 80% ng mga kaso.
  • Maliit (mas mababa sa 1 cm ang lapad).
  • Karaniwang gumagaling ng kusa sa loob ng 7-10 araw.
  • Hindi nag-iiwan ng peklat.

2. Major na Singaw

  • Mas malaki at mas malalim, higit sa 1 cm ang lapad.
  • Mas masakit kaysa sa minor na singaw.
  • Mas matagal gumaling, kadalasang 2-4 na linggo.
  • Maaaring mag-iwan ng peklat matapos gumaling.

3. Herpetiform na Singaw

  • Pinakamadalang uri.
  • Binubuo ng mga kumpol ng napakaliit na singaw (karaniwang 1-2 mm ang laki) na maaaring magdikit-dikit.
  • Tumutubo ng 1-2 linggo bago gumaling.
  • Sa kabila ng pangalan, hindi ito nauugnay sa herpes virus.

Ang mga singaw ay maaaring dulot ng iba’t ibang salik tulad ng stress, maliliit na sugat sa loob ng bibig, ilang pagkain, o kakulangan sa mga bitamina tulad ng B12 o iron. Kung ang mga singaw ay paulit-ulit o sobrang sakit, magandang kumonsulta sa doktor para sa karagdagang pagsusuri.

Mabisang gamot sa singaw sa bibig home remedy

Narito ang ilang gamot sa singaw sa bibig at dila home remedy. Puwede rin ang mga mabisang gamot sa singaw home remedy na ito sa singaw sa bibig o sa labi.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Singaw sa dila home remedy

Natural herbs at oils

Makatutulong ito para mamanhid ang singaw. Ang peppermint at langis ng eucalyptus ay may anti-inflammatory properties o nakakatulong sa pagpigil ng pamamaga ng anumang sugat sa katawan, kasama na ang singaw. Isa ito sa mga home remedy para sa gamot sa singaw.

Ang mga astringent naman ay nakakatulong sa pagsasara ng mga tissue sa paligid ng isang sugat. Dagdag pa rito ang cooling properties o pampaginhawang dulot ng mga langis na ito.

Gamot sa singaw na makikita sa bahay | Photo: Unsplash

Paghaluin lang ang mga sumusunod: 2 tablespoons ng olive o grapeseed oil, 10 patak ng peppermint essential oil, 8 patak ng eucalyptus essential oil, at ilagay ito sa isang atomizer o mist-spraying na bote, saka i-spray sa singaw.

Gamot sa singaw sa bibig: Baking soda

Ang baking soda o sodium bicarbonate ay isang antibacterial, antimicrobial at antiseptic na nakakamatay ng bacteria na sanhi ng singaw.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Mabisa ang home remedy bilang isang gamot sa singaw sa dila o bibig, dahil ang properties nito ay panlaban sa impeksyon sa bibig na dulot ng singaw, nagbubuo rin ng proteksyon sa bibig, para hindi maulit ang singaw. 

Mayroon itong anti-inflammatory property na nagpapahupa sa pamamaga at nakakaalis ng sakit. Gumawa lang ng paste gamit ang baking soda at kaunting tubig at ipahid sa singaw. Hayaan lamang ito sa bahaging may singaw nang 10 minuto, saka magmumog ng malamig na tubig.

Chamomile Tea Bag

Ginagamit ang chamomile para pampatulog o pampa-relax, pati na pampatunaw  ng kinain dahil mahusay umano ito para sa digestion. Mayroon din itong antiseptic properties na nakakatulong magpawala ng pamamaga. Dahil dito, mabisang panggamot ng singaw ang chamomile tea.

Isang bag lang ng chamomile tea at tubig, o isang kutsara ng tinuyong bulaklak ng chamomile na binalot sa basang katsa o cheesecloth, ang idadampi sa singaw ng 5 hanggang 10 minuto, 2 beses sa isang araw, at magiginhawaan na ito, at gagaling din.

Gamot sa singaw: Sage

Ginagamit ang sage ng mga chef at tagaluto, pero kilala rin itong medicinal herb, para panlinis ng bibig at panggamot ng mga sakit sa bibig tulad ng singaw.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Isang dakot lang ng sariwang sage o 2 kutsara ng tuyong sage sa pinakuluang tubig, at imumog ng isang minuto. Pagkatapos ay banlawan ng malamig na tubig ang bibig, magiginhawaan na. Ang iba ay iniinom ito na parang tsaa.

Coconut Oil

Isa sa mga napakaraming gamit ng coconut at langis nito ay ang paggamot ng singaw. Ito ay anti-inflammatory, antimicrobial, at malinamnam pa. Mabisa itong antibiotic at panlaban sa pamamaga. Dampian lang ang singaw ng cotton buds o ng daliri na may coconut oil.

Photo: Freepik

Gamot sa singaw: Honey

Isa pa ang honey na kilalang “miracle remedy” dahil ito ay antibacterial, at may anti-inflammatory properties, kaya’t mabisa sa singaw.

Magmumog o uminom ng maligamgam na tubig at saka ipahid ang honey sa singaw. Gawin ito 2 hanggang 3 beses sa kada araw, karaniwan bago matulog para manatili nang mas matagal ang honey sa singaw.

Cayenne

Pati ang spice na cayenne ay may taglay na substance na nakakatanggal o nakakapagpaginhawa ng sakit o pain na nararamdaman ng katawan.

Maanghang ito, kaya’t hindi alam ng marami na mabisa ito para sa sakit tulad ng singaw. Ihalo lang ang cayenne pepper sa maligamgam na tubig para makagawa ng parang paste o cream, at gumamit ng cotton buds para ipahid ito sa singaw. Gawin ito 2 hanggang 3 beses sa isang araw.

Gamot sa singaw sa bibig: Aloe vera

Hindi lang ito para sa buhok, kundi ginagamit din ang katas ng aloe vera para sa singaw. Isang kutsara lang ng katas ng aloe vera na hinalo sa isang kutsarang tubig ay maaari nang ipahid sa masakit na singaw, 3 beses sa isang araw.

Photo: Freepik

Yogurt

Ang pagkain ng yogurt kahit isang beses lang sa isang araw ay makakaginhawa sa hapdi ng singaw. May taglay itong bacteria galing sa pag-ferment nito, na nakakatulong sa pagbalanse ng bacteria sa bibig, dahil ang kakulangan sa balanseng ito ang karaniwang sanhi ng singaw.

Ang yogurt na may live cultures ang mabisa, kaya’t tingnan ang uri ng yogurt na kakainin. Pwede pang haluan ng honey para mas masarap—at mas epektibo rin.

Salt Water

Ito ang kinaugalian nang remedyo sa singaw—pagmumumog ng tubig na may asin. Ang iba ay ngumunguya ng asin para umano mas mabisa. Gumagana ito dahil ang asin ay nakapagpapalabas ng fluid sa laman ng tao.

Ang pamamaga dahil sa pagkaipon ng fluid sa sugat o singaw ay kayang palabasin ng asin sa pamamagitan ng pagmumumog. Ang asin ay mayroon ding antibiotic property na nagtatanggal ng impeksyon, at nililinis din nito ang sugat para malabanan ang impeksyon. Ihalo ang kalahating kutsarita ng asin sa 1/4 cup ng tubig, at magmumog 3 beses isang araw.

Subukan ang iba’t ibang remedyong ito, para malaman kung alin ang angkop o epektibo para sa sarili.

Pwede ba ang toothpaste na gamot sa singaw?

Ayon sa UC San Diego Health, ang ibang ingredients na laman kadalasan ng mga toothpaste katulad ng sodium lauryl sulfate ay nakakatulong na malinis ang mga ngipin.

Pero kung mayroon kang singaw hindi umano makakatulong ito at hindi ito gamot para sa singaw. Sa katunayan, sabi nila ay dapat itong iwasan, lalo na kung may ingredients ito na sodium lauryl sulfate. Mas nakakapagdulot kasi umano ito ng singaw pa.

“Foaming agents in toothpaste such as sodium lauryl sulfate can help with cleaning, but people predisposed to canker sores should avoid them as they can actually cause sores. Other toothpastes are available without sodium lauryl sulfate.” – Shelley Herron  

Kaya kung sa tanong na ang toothpaste ba ay pwedeng gamot sa singaw? Hindi, ang sagot ng mga experts dito.

Yakult gamot sa singaw?

Isa rin sa mga tanong na kadalasan nating naririnig ay kung pwede ba ang Yakult bilang gamot sa singaw. Ang sagot ay PWEDE! Nagtataglay kasi ito ng probiotics na nakakatulong na ma-improve ang iyong kundisyon sa singaw. Maaari itong makatulong para sa mabilis na paggaling ng iyong singaw.

Larawan mula sa Pexels kuha ni Alicia Haroer

Paano maiiwasan na magkaroon ng singaw?

Para naman maiwasan ang pagkakaroon ng singaw, narito ang mga kailangan mong gawin:

  • Iwasan ang mga pagkaing maaaring magdulot ng singaw o maaaring maka-irritate sa iyong bibig. Lalo na ang mga pagkaing sensitive o allergic ka.
  • Kumain ng masusustansyang pagkain gaya ng prutas at gulay para maiwasan ang nutritional deficiencies.
  • Magkaroon ng good oral hygiene habits. Regular na mag-sipilyo at mag-floss ng ngipin. Gumamit ng soft bristles na toothbrush at umiwas sa toothpaste na may taglay na sodium lauryl sulfate. Maaari ring gumamit ng sore spray kapag napansing may papatubo nang singaw.
  • Kung naka-braces o iba pang dental appliances ay magtanong sayong doktor tungkol sa orthodontic wax para matakpan ang mga sharp edges nito na maaring magdulot ng singaw.
  • Umiwas sa stress sa pamamagitan ng mga stress-reduction techniques tulad ng meditation.

Kailan dapat pumunta sa doktor?

Hindi naman madalas malala at nagdudulot ng pag-aalala ang pagkakaroon ng singaw. Subalit may mga ilang pagkakataon na kinakailangan mo nang magpatingin sa isang doktor kapag nakakaranas ka na ng mga sumusunod.

  • Ang singaw ay mas malaki kaysa normal.
  • Mayroon kang multiple o maraming singaw.
  • Kapag may tumubo ulit na singaw habang hindi pa gumagaling ang lumang singaw.
  • Ang singaw ay hindi pa gumagaling makalipas ang dalawang linggo.
  • Kumalat na hanggang labi ang singaw.
  • Nagdudulot na ng matinding pananakit ang singaw.
  • Nahihirapan ka nang kumain o uminom dahil sa singaw.
  • Kapag mayroon kang lagnat habang ikaw ay may singaw.

Mas mainam na magpatingin agad sa isang doktor kapag nakakaranas ng mga nabanggit. Upang malaman ang mga paraan at gamot sa iyong singaw at hindi na magkaroon ng mga komplikasyon.

Karagdagang ulat mula kay Marhiel Garrote

MayoClinic, Healthline, WebMD, Mouth Ulcer Cure (Kindle Edition) ni Thomas P Fitzpatrick, UC San Diego Health

Here at theAsianparent Philippines, it’s important for us to give information that is correct, significant, and timely. But this doesn’t serve as an alternative for medical advise or medical treatment. theAsianparent Philippines is not responsible to those that would choose to drink medicines based on information from our website. If you have any doubts, we recommend to consult your doctor for clearer information.