#AskDok: Ano ang gamot sa tigyawat ng buntis?

Paalala sa mga buntis: Bago gumamit ng kahit anumang ointment o solution sa balat ay magtanong muna sa iyong doktor.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Narito ang epektibo at ligtas na gamot sa tigyawat ng buntis base sa panayam ng theAsianparent kay Dr. Ramon Reyles, Chairperson of the Department of OB-GYN ng Makati Medical Center.

Pregnancy acne o tigyawat sa mga buntis

Buntis at tinitigyawat? Isa umano ito sa ilan sa mga pagbabago sa katawan na nararanasan ng mga babaeng nagdadalang-tao. Ayon sa OB-Gynecologist na si Dr. Ramon Reyles, maraming buntis ang nakakaranas nito. Dulot umano ito ng hormonal changes na kaniyang nararanasan sa pagdadalang tao.

“Maraming nakaka-experience ng pregnancy acne. Para silang nagdadalaga ulit, dumadami ‘yong tigyawat. It is pregnancy hormone-induced. It’s nothing because of you are not taking care of your skin. Some will have, some will have not.”

Ano ang sanhi nito?

Base sa health website na Medical News Today, ang hormones na responsable sa pagkakaroon ng acne ng buntis ay tinawatag na testosterone at androstenedione. Ang mga ito’y kabilang sa group of hormones na kung tawagin ay androgens na dahilan din sa pagkakaroon ng kondisyon na polycystic ovary syndrome o PCOS sa mga babae.

Ang level ng hormones na ito ay mas tumataas sa unang trimester ng pagbubuntis. Ito ang nag-stimulate ng oil production sa balat at nagpapataas sa activity ng sebaceous glands. Ang epekto nito nababarhan ang mga pores na nagdudulot ng acne o tigyawat.

Ayon naman sa artikulong nailathala sa health website na WebMD, mahirap i-predict kung sino sa mga babaeng buntis ang magkakaroon ng pregnancy acne. Subalit mataas ang tiyansa na makaranas nito ang mga babaeng may history o nagkakaroon ng acne sa tuwing sila ay ni-reregla o may menstruation.

Pero hindi tulad ng sila’y nireregla o hindi pa buntis, hindi pwedeng basta-basta gumamit ng kahit anong gamot sa acne ang isang babaeng nagdadalang-tao. Maaaring makasama at makaapekto ito sa dinadala niyang sanggol.

Baby photo created by user18526052 – www.freepik.com 

Mga hindi ligtas na gamot sa tigyawat ng buntis

Payo ni Dr. Reyles, narito ang dapat gawin at isaisip ng buntis pagdating sa ligtas na lunas sa kaniyang acne o tigyawat. Ang mga acne treatment na dapat niyang iwasang gamitin dahil sa masamang epekto nito sa kaniyang sanggol.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“If you develop acne while pregnant, just use mild soap lang. Tapos ‘yong mga oil-free na moisturizer and healthy diet ulit. 

“But avoid ‘yong mga retinoic acid, tretinoin and isotretinoin. ‘Yong mga treatment ng acne na may tretinoin at isotretinoin i-avoid because they have been proven to cause abnormalities sa baby at any trimester.

“Basta titingnan ninyo ‘yong content ‘yong may tretinoin o isotretinoin, worldwide, ina-advise ‘yan na huwag gagamitin at any stage of pregnancy.”

Ang pahayag na ito ni Dr. Reyles ay sinuportahan naman ng pahayag mula sa American College of Obstetricians and Gynecologists o ACOG.

Ayon sa ACOG, ang mga acne medications tulad ng isotretinoin, oral tetracyclines at topical retinoids ay nakakapagpadagdag sa tiyansa ng isang buntis na makaranas ng pregnancy complications.

Habang ang kaniyang sanggol naman ay maaaring makaranas ng congenital abilities dahil sa mga ito.

Gamot sa tigyawat ng buntis na ligtas

Woman photo created by diana.grytsku – www.freepik.com 

Kaya naman payo nila gumamit lang ng mga medications na ligtas sa pagbubuntis. Ang ilan sa mga ito ay ang sumusunod.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Salicylic acid

Ang salicylic acid o benzoyl peroxide ay isa sa mga ligtas na gamot sa tigyawat ng buntis. Sa paglalagay nito sa balat, nadidissolve ang dead skin na bumabara o nagka-clog sa mga skin pores.

Bagama’t sa paglalagay nito sa balat ay maaaring makaranas ng dryness, pamamalat at iritasyon sa balat ang isang buntis. Kaya naman payo ng mga doktor sa mga buntis, gumamit lang ng ointment na nagtataglay ng 2% nito.

Pagkain na rich in zinc

Ayon sa isang 2014 study, may ugnayan ang mataas na zinc level sa katawan sa pagkakaroon ng acne o skin lesions ng isang tao. Kung nakakaranas ng zinc deficiency ay mataas ang tiyansa na magkaroon nito.

Ayon sa mga eksperto, ang mga buntis at nagpapasuso na babae ay mataas ang tiyansang makaranas ng zinc deficiency.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kaya naman ipinapayo na kumain sila ng mga pagkaing mayaman sa zinc upang maiwasan ito. Ang mga pagkaing ito ay ang sumusunod:

  • oysters
  • meat, kabilang na ang beef, pork, at poultry
  • shellfish
  • beans
  • nuts and seeds
  • yogurt

Pagkaing mayaman sa Vitamin A

Ang vitamin A ay isang uri ng retinoids na napatunayang nakakatulong na malunasan ang acne. Bagama’t sinasabing may masamang epekto ito sa pagbubuntis.

Kaya naman kaysa gumamit ng topical ointment nito mas mabuting kumain ng mga pagkaing rich in vitamin A. Basta ikokonsulta muna ito sa doktor at nasusunod ang tamang amount ng pagkain ng mga ito na irerekumenda niya.

Ang pagkaing rich in vitamin A ay ang sumusunod:

  • beef liver
  • chicken
  • eggs
  • vegetables tulad ng spinach, broccoli, sweet potato, at carrot
  • fruits, tulad ng cantaloupe at apricot
  • fortified dairy products

Honey

Ang honey ay mayroong anti-inflammatory at antibacterial properties na makakatulong na malunasan ang acne. Ligtas na deretsong ilagay ito sa tigyawat o balat ng buntis.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Maaari ring gawin itong face mask sa pamamagitan sa paghahalo rito sa ilang patak ng lavender oil o lemon juice.

Pag-aalaga sa balat ng buntis

Woman photo created by gpointstudio – www.freepik.com 

Para malunasan at upang maiwasan ang pagkakaroon ng acne ng isang buntis, dapat maging malinis at maalaga siya sa kaniyang katawan. Magagawa niya ito sa pamamagitan ng sumusunod:

  • Hugasan gamit ang gentle cleanser o mild soap ang bahagi ng katawan na may acne. Gawin ito ng dalawang beses sa isang araw at banlawan ng maligamgam na tubig. Iwasang gumamit ng facial scrubs, astringents at masks. Ganoon din ang sobrang paghuhugas o pag-scrub na maaaring maka-irritate ng balat.
  • Mag-shampoo ng buhok araw-araw. Lalo na kung ang acne ay nagde-develop sa paligid ng iyong hairline.
  • Umiwas sa mga irritants gaya ng sunscreens, hairstyling products at acne concealers. Sa halip ay gumamit ng mga water-based o noncomedogenic na napatunayang mas mababa ang tiyansang makadulot ng acne o tigyawat.
  • Panatilihing malinis ang kamay sa tuwing hahawak sa mukha.
  • Huwag gumamit ng masisikip na damit o sombrero lalo na kung pawisin. Sapagkat ang sweat at oils ay nakakapagdulot ng acne.
  • Panatilihing hydrated ang balat sa pamamagitan ng pag-inom ng maraming tubig. Iwasan ang mga carbonated drinks at sobrang caffeine.
  • Mag-relax at iwasan ang ma-stress.
  • Bago gumamit ng anumang ointment o solution sa balat ay magtanong muna sa iyong doktor.

 

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan, at napapanahon, ngunit, hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement