Mga gamot na puwedeng ipa-inom sa baby kapag inuubo

Marami nga bang ibig sabihin ang iba’t ibang ubo ng isang sanggol? Narito ang ilang paraan para malaman kung anong uri ng ubo ang nararamdaman ng iyong baby

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Inuubo ba ang iyong anak at ikaw ay nababahala? May mga home remedies na maaaring subukan bilang gamot sa ubo ng bata.

Sadyang mahirap mag-alaga kapag may ubo ang baby dahil hindi niya masabi sa iyo kung ano ang nararamdaman niya.

Kailangang maging mapagmasid at makinig sa bawat tunog ng ubo at paghinga ni baby, para matanto kung anong klase ng ubo ang mayroon siya.

Hindi naman puwedeng itulad sa ating mga matatanda na kahit anong oras ay bibili lang ng gamot sa botika para sa ubo at sipon. Kapag baby at mga bata ang inuubo at sinisipon, hindi gamot sa ubo ng bata ang unang solusyon. Mas mainam na unahin ang mga natural na paraan at home remedies bago magdesisyon na gumamit ng gamot.

title="Mga sintomas na dapat “pakinggan” at mga mabisang gamot sa ubo ng baby ">Mga sintomas na dapat “pakinggan” at mga mabisang gamot sa ubo ng baby
  • Maaaring gamot sa ubo ng baby at ng bata?
  • Home Remedies para sa ubo ng bata
  • Tandaan: Dapat ikabahala kapag
  • Kailan dapat kumonsulta sa doktor
  • Bakit inuubo ang baby?

    Maraming puwedeng maging kahulugan ang ubo ng isang sanggol. Dapat bang hintaying mawala ang ubo? Paiinumin lang ba ng gamot sa ubo ng bata katulad ng cough syrup? Dapat bang magpa-appointment muna kay Dok, o dapat nang isugod si baby sa Emergency Room?

    Ayon kay Robert Giesler, isang respiratory therapist sa Children’s Hospital Los Angeles, kapag nasanay ka na sa pakikinig sa iba’t ibang batang umuubo, matatanto mo na ang iba’t ibang uri nito.

    Loading...
    You got lucky! We have no ad to show to you!
    Advertisement

    Kung alin ang dapat na ikabahala. Natural na nakakaawa kapag naririnig mong may halak o ubo nang ubo ang iyong baby, lalo na sa gabi. Sa ganitong sitwasyon, mahalagang malaman kung kailan dapat gumamit ng gamot sa ubo ng bata o kung kailan kailangan ng medikal na atensyon.

    Image from Freepik

    Unang dapat maintindihan ay ang sanhi ng ubo.

    Loading...
    You got lucky! We have no ad to show to you!
    Advertisement

    Ubo ang unang depensa ng katawan, para mapanatiling bukas ang airways at alisin ang bumabarang plema, o ‘di kaya ay pagkain.

    Ito ang pinakaimportanteng paraan ng proteksiyon ng katawan laban sa mga sakit sa respiratory tract. Ang pag-ubo din ang magbibigay sa magulang ng hudyat kung anong klaseng sakit ang nagbabadya. Sa ilang kaso, maaaring kailanganin ang mga gamot sa ubo ng bata upang makatulong sa sintomas.

    Kapag bata ay wala pang 4 na buwang gulang ay nagsimulang ubuhin nang malala, ito ay dapat ikabahala, ayon kay Dr. Carlo Palarca, MD, isang internist.

    Kapag taglamig at inabutan ng matinding ubo ang isang sanggol, maaaring ito ay respiratory syncytial virus (RSV), isang delikadong viral infection na nakukuha ng mga sanggol.

    Loading...
    You got lucky! We have no ad to show to you!
    Advertisement

    Ilan pa sa mga maaaring sanhi ng ubo ng bata ay ang mga sumusunod:

    • Air pollution – usok mula sa mga sasakyan at sigarilyo
    • Allergies – allergens tulad ng pollen mula sa mga bulaklak o halaman, pati na rin ang pet dander.
    • Asthma – isa sa mga pang karaniwang sanhi ng ubo ng bata ay asthma.
    • Sinus infection – ang pressure sa sinus ng bata ay maaaring magdulot ng ubo. 

    Anong klaseng ubo ng baby mayroon ang anak mo?

    Habang lumalaki ang bata, at lagpas na ng isang taong gulang, hindi na nakakabahala ang ubo. Mas malamang na ito ay kasama lang ng sipon o common cold, paliwanag ni Dr. Palarca.

    May dalawang uri ng ubo sa mga bata, ayon kay Dr. Palarca:

    • Tuyo o dry cough, kung saan ang bata ay may sipon o allergies kaya inuubo. Tumutulong kasi ang pag-ubo sa pagtulo ng sipon at sa pagpapaluwag ng lalamunan at airway, kung saan nakaharang ang plema.
    • Basa o wet cough, na sanhi ng respiratory illness na may bacterial infection. Ito ang uri ng ubo na may plema o mucus (na may kasamang white blood cells na lumalaban sa germs) na nasa lalamunan ng bata.

    Mga sintomas na dapat “pakinggan” at mga mabisang gamot sa ubo ng baby

    Si baby ba ay may halak? Hirap ba sa paghinga at may wheezing na parang sumisipol, o ubo ng ubo na parang walang tigil? Ano ang sanhi ubo ni baby, at ano ang dapat gawin dito?

    Ubo na sintomas ng sipon: Ubong may halak

    Senyales ng sipon at nagbabadyang trangkaso ang baradong ilong at sore throat. Kaya’t kapag inubo ang bata, may halak dahil sa plema sa lalamunan na sinusubukang alisin ng sistema. Minsan ay nilalagnat din.

    Loading...
    You got lucky! We have no ad to show to you!
    Advertisement

    Simpleng solusyon: Kailangan lang ng maraming tubig at fluids si baby. Ayon sa American Academy of Pediatrics, hindi pa dapat bigyan ng gamot sa ubo ng baby ang isang sanggol, at mga batang wala pang 6 na taong gulang, hangga’t maaari.

    Makakatulong ang mga natural na pag-gamot tulad ng pagpapainom ng honey para sa mga batang 1 taong gulang pataas, saline drops, at paggamit ng cool-mist humidifier.

    Kapag ang ubo ay may kasamang lagnat na nasa 38°C o mas mataas pa, mas mabuting dalhin ang bata sa doktor, lalo na kung wala pang 4 na buwang gulang ito.

    Croup: Ubo na parang kumakahol

    Ito ang pinakakaraniwang ubo sa mga batang 5 taong gulang at mas bata pa.

    Ito ang walang humpay na pag-ubo na ang tunog ay parang kumakahol ang bata at hirap huminga. Sanhi ito ng viral infection, na nagpapamaga sa lalamunan o trachea kaya’t halos magsara ang daanan ng hangin o hininga.

    Loading...
    You got lucky! We have no ad to show to you!
    Advertisement

    Mabilis ding nawawala ang ubong ito, minsan ay hanggang 4 na araw lang. Kung tumagal ang ganitong ubo, ikonsulta agad sa doktor.

    Simpleng solusyon: Makakatulong ang steam treatment bilang gamot sa ubo ng baby. Magpakulo ng tubig na may menthol (tulad ng Vicks), at ipalanghap sa sanggol ang steam nito. Mayroon na ring nabibiling steam vaporizer na para sa congestion at ubo.

    Kung presko sa labas, at may katamtamang init na hangin, puwedeng ilabas ang bata para makatulong ito sa maluwag na paghinga.

    Bronchiolitis o Hika: Ubong may wheezing o mistulang pagsipol

    Karaniwang nagiging bronchiolitis ang ubo, kasabay ng sipon.

    Kapag may kasamang hirap sa paghinga at pagsipol, maaaring sanhi ito ng bara sa daanan ng hangin o airway, tulad ng alikabok, halimbawa.

    Kapag may RSV, posibleng mapunta sa bronchiolitis, na delikado para sa mga sanggol na wala pang isang taong gulang. Karaniwan itong umaatake kapag taglamig o tag-ulan, at may kasamang mababang lagnat at pagkawala ng gana.

    Hindi karaniwan ang hika, sa mga batang wala pang 2 taong gulang, Maliban kung may nagsimula nang eczema o family history ng allergy o hika.

    Kapag sumasara ang airway o daanan ng paghinga, at may wheezing o pagsipol, ito ay maaaring hika. May kasama itong sipon, pangangati at pagluha ng mga mata.

    Paggamot: Kapag bronchiolitis, kailangan ng bata ng maraming tubig o fluids, pahinga at cool-mist humidifier sa kuwarto.

    Pakinggang mabuti ang pag-ubo at ang wheezing sound, at kung pakiwari ay lumalala ito at hirap nang huminga ang bata, dalhin ito kaagad sa doktor.

    Kung suspetsa ay hika, kumonsulta agad sa doktor para mabigyan ng karampatang lunas, lalo na kung nakikitang hindi na ito makahinga at nagiging maitim na ang bibig at mukha.

    May mga gamot para mismo sa hika, pero kailangan ng sapat na diagnosis. Ang salbutamol, halimbawa, ay ibinibigay sa pamamagitan ng nebulizer, na gamit para sa hika.

    Ubong dalahit (whooping cough): malakas at madalas na pag-ubo

    Ang ubong ito na tinatawag ding pertussis ay walang kasamang sipon o lagnat, ngunit ito ay isang malubhang uri ng ubo.

    Ito ay delikadong bacterial infection na karaniwang sanhi ng pagkamatay ng mga sanggol, bago nagkaron ng DTP vaccine nuong 1960s, at tuluyang napuksa sa Amerika.

    Ayon sa APA, nagbabalik ang sakit na ito at kailangang malaman ang mga sintomas para maagapan ito.

    Paggamot: Kailangang magmasid at maging alerto sa mga sintomas para maiwasan ang pagkakaron nito. Siguraduhing mabakunahan ang bata sa tamang oras at sapat na dose (Tdap  o tetanus, diphtheria, pertussis booster).

    Kung ito ang uri ng ubo na napapansin kay baby, dalhin kaagad sa doktor ang bata. Nakakahawa ang ubong ito kaya’t kailangan ding maresetahan ng antibiotic na erythromycin ang mga kasama sa bahay para hindi na ito kumalat.

    Ubo na sintomas ng pulmonya: basa at may plema

    Ito ay isang viral o bacterial infection na umaatake sa baga na sanhi ng maraming posibleng bagay tulad ng sipon.

    Kapag may pulmonya ang bata, maririnig ang garalgal ng plema sa pag-ubo nito, siya ay nanghihina at may lumalabas na berde o madilaw na mucus sa ilong at bibig.

    Paggamot: Kailangang malaman ng doktor kung bacterial o viral ang impeksiyon kaya’t dalhin agad sa doktor ang bata, lalo kung may lagnat.

    Maaaring gamot sa ubo ng baby at ng bata?

    Larawan mula sa iStock

    Ayon kay Dr. Romina Geraloga, isang pediatric pulmonologist sa Makati Medical Center may mga home remedies naman para sa karaniwang ubo ng bata.

    Pero ayon sa kaniya kailangan pa rin munang obserbahan kung anong klase ba itong ubo. Upang malaman kung ano ang gamot sa ubo ng baby.

    “Para sa bata ang karaniwang ubo ay about viruses so kapag virus hindi naman kailangan agad mag-antibiotics. So ang unang gagawin ng magulang, obserbahan, anong klase, o nagiging malubha ang ubo. Ikalawa, tulungan ang bata. May mga home remedies na pinag-aralan.”

    Pahayag ni Dr. Geraloga,

    “May mga home remedies na pinag-aralan. Tulad ng lagundi may mga studies na nagsasabing nakakatulong ito para mapalambot ang plema sa baga.”

    Puwede rin umano ang honey. Ayon umano kay Dr. Geraloga may mga pag-aaral na sinasabi na nakakatulong ang honey sa pagbabawas ng madalas na pag-ubo ng bata.

    At dahil nababawasan ang pag-ubo nakakatulog sila ng maayos. And also ay nababawasan rin nito ang secretion ng mucus. Pero ang lahat ng ito ay pinag-aaralan pa.” aniya.

    Paalala ni Dr. Geraloga sa pagpapainom ng mga home remedy,

    “Although lagundi has been in the market since 1997 at established naman na. Pero ang importante kasi is iyong history ng bata. Una kasi baka hikain pala siya. Kung hikain tingan mo kung ano ang instructions sa inyo ng inyong doktor. Baka naman mayroon ka ng gamot na ready at puwede mo ng i-nebulize ang bata.

    Kung ito naman ay isang ubo dahil sa virus just increase fluid intake at mag-rest at obserbahan kung ito ay gumagrabe.”

    Para naman sa gamot sa ubo ng baby ayon kay Dr. Geraloga, mahalaga umano na obserbahan ding mabuti ang ubo ni baby. Tignan kung anong klaseng ubo ito. Ganun din tignan din kung mayroon may ubo sa kasama ninyo sa bahay.

    Maaari kasing nahawaan si baby ng ubo. Paliwanag ni Dr. Geraloga,

    “Kasi kung may adult na umuubo (sa bahay) at malala. Dapat ay maintindihan natin na maaaring nahawa ang baby sa sakit ng adult.”

    Maaaring dahil rin umano ito sa pagpapakain, “Kung masyadong nakahiga ay maaring ang pagkain o milk ay napunta sa daluyan niya ng hangin instead sa daluyan ng pagkain.” ani ni Dr. Geraloga,.

    Importante umano na ipa-burp o mapadighay mo si baby. Mahalaga rin na tignan kung may allergy ba siya, obserbahan ang mga bagay na nakakapag-trigger nito kaya siya inuubo.

    Dagdag pa ni Doc,

    “Mayroon ba siyang ginawa o activity na na-expose ba siya sa alikabok or sa dustmites. You have to check your bed linens also.

    Tingnan mo kung lagi bang napapalitan iyong kobre kama ninyo. Kasi kung mataas ang allergy sa pamilya, maaaring posible rin na kaya inuubo ang bata ay dahil may nagti-trigger dito.”

    Panghuli ayon kay Doc, maaaring infection na ito. Maaaring viral ito na karaniwan ay dry cough. Puwede rin umano itong productive cough. Subalit mapapansin umano na hindi ito nagiging progresibo o lumulubha kaya naman wala hingal at hindi nahihirapan sa paghinga.

    Kaya naman i-monitor umano ito. Payo ni Doc sa pag-monitor ng ubo ng baby,

    “Tingnan mo kung lumulubha ito sa pamamagitan ng bilis o sa lalim ng paghinga at iyong frequency ng cough sa isang araw.”

    Kaya naman mahalaga pa rin ang pagpapakonsulta sa doktor kapag may ubo si baby o ang isang bata. Upang malaman kung ano talaga ang sanhi nito para magamot agad.

    Pinag-iingat ng mga doktor ang mga magulang o caregivers sa pagbibigay ng over-the-counter drugs sa kanilang mga batang anak kapag ito ay sinisipon o inuubo. May tendency umano na abusuhin ng mga tagapag-alaga ang paggamit ng gamot kaya nagkakaroon ng side effects.

    Pinapayuhan ng mga espesyalista ang mga magulang na mag-ingat sa mga sumusunod na gamot sa ubo ng bata:

    • Decongestants o phenylephrine
    • Antihistamines o chlorpheniramine
    • Cough expectorants of guaifenesin
    • Cough suppressants o dextromethorphan

    Ayon sa Medical News Today, ang mga manufacturer ng gamot sa ubo at sipon ay pinaaalalahanan ang mga magulang na hindi dapat painumin nito ang mga batang nasa apat na taong gulang pababa. Samantala, nirerekomenda naman umano ng American Academy of Pediatrics na iwasan ang pagpapainom ng cough and cold medications sa mga batang wala pang anim na taong gulang.

    Nakasaad din sa article ng U.S Food and Drugs Association, na may mga pagkakataon, kung saan ang batang wala pang apat na taong gulang ay dumanas ng seryosong side effects matapos na uminom ng gamot sa ubo. Kabilang sa mga side effects na ito ay:

    • Seizure, allergic reactions, at hirap sa paghinga
    • Pagbaba ng blood potassium at blood sugar na maaaring magresulta sa pagsakit ng ulo, pagkahilo, at panghihina

    Home Remedies para sa ubo ng bata

    Karaniwang gumagaling din naman ang ubo ng bata nang hanggang dalawang linggo kung viral infection ang sanhi nito. Maaaring gumamit ng home remedies ang mga tagapag-alaga para maibsan ang sintomas ng sipon at ubo ng bata.

    • Fluids

    Siguraduhing nakakainom nang sapat na clear fluids o tubig ang batang may ubo. Makatutulong din ang mga maligamgam o medyo mainit na inumin para maibsan ang pagsakit ng lalamunan ng bata. Tandaan lang na tiyaking sapat ang lamig at init ng liquid para sa bata. Bukod pa rito, ilagay din ito sa angkop na bote o baso na ligtas na gamitin ng iyong anak. 

    • Menthol rubs

    Makatutulong ang menthol rubs para sa mga batang tatlong taon pataas. Matutulungan nitong lumuwag ang pagdaloy ng hangin sa nasal passages ng bata. Makatutulog nang maayos ang iyong anak kung maluwag ang daluyan ng kaniyang hininga. Pahiran ng makapal na menthol rubs ang dibdib at leeg na bahagi ng iyong anak.

    Pwedeng gumamit ng cool-mist humidifier para makahinga nang maayos. Tandaan na huwag gumamit ng warm mist humidifier dahil maaari itong magdulot ng swelling sa nasal passages at lalong mahihirapan ang bata na huminga.

    • Honey

    para sa mga batang higit 12 buwan ang edad, makatutulong ito para mabawasan ang severity at frequency ng ubo. Gumamit ng kalahati hanggang isang kutsaritang honey, maaaring direktang inumin ito nang puro o kaya ay tunawin sa maligamgam na tubig. Gawin ito nang apat na beses kada araw.

    • Saline nose drops o spray

    Maaari itong gamitin ng mga bata mula pagkasilang pa lang. Pwede ito sa mga baby pati na rin sa mga older kids. Makatutulong ito na linisin at alisin ang bara ng kanilang nasal passages at bawasan ang dalas ng pag-ubo dulot ng postnasal drip. Matapos gumamit ng saline product, maaaring gumamit ng bulb syringe para tanggalin ang mucus sa ilong ng bata.

    Tandaan: Dapat ikabahala kapag

    Larawan mula sa iStock

    • Ang bata ay wala pang 6 na buwan, at madalas na ang pag-ubo.
    • Tumagal na ng hanggang 8 linggo ang ubo.
    • Lumulubha ang ubo, at umabot na sa ikatlong linggo.
    • Walang gana kumain o dumede si baby. Hirap nang huminga si baby.
    • Pinapawisan sa gabi, bumababa ang timbang at may dugo sa pag-ubo.
    • May halak, pero walang sipol o wheezing, gabi man o araw.
    • Para sa mga sanggol na wala pang 6 na buwang gulang, gatas ng ina o formula milk lamang ang pwedeng ipainom. Iwasan ang tubig o juice. Sa pagtulog, ihiga ang ulo ng sanggol sa mababang unan para matulungan siyang huminga kapag may ubo at sipon.
    • Karaniwang pinapainom ang batang may ubo ng tubig, juice, gatas, at mainit na sabaw. Sa mas malalaking bata at sa matatanda, pwedeng ipainom ang apple cider at hot chocolate, lalo na para sa makating lalamunan. Katulad ng nabanggit, makakatulong din ang 1/2 kutsarita ng honey bago matulog para maibsan ang sakit ng pag-ubo.
    • Kapag walang gana o mahina kumain ang sanggol at toddler na may ubo, bigyan ng mga pagkaing madaling kainin, lulunin, o nguyain. Nariyan ang mga malalambot na pagkain tulad ng mashed potatoes, ice cream (huwag madami), flavored gelatin, pudding, yogurt, o applesauce.

    Kailan dapat kumonsulta sa doktor

    Kung makitaan ng mga sumusunod na sintomas ang batang may ubo, agad na kumonsulta sa doktor:

    • Lagnat o pagtaas ng temperatura hanggangg 38°C
    • Pag-ubo nang may kasamang dugo
    • Walang tigil na pag-ubo
    • Matinding pananakit ng dibdib
    • Paglubog ng balat sa ribs tuwing humihinga
    • Pangingitim o pangangasul ng labi at mukha kapag naubo
    • Wheezing o matalas na tunog kapag humihinga
    • Umabot na ng 10 araw ang sintomas
    • Kapag ang bata ay nasa edad tatlong buwan pababa pa lang at nilalagnat o nanghihina
    • Kapag may hindi pang karaniwan at malalang sintomas

    Karaniwang gumagaling ang ubo sa loob ng pito hanggang sampung araw. Kung may underlying conditions ang ubo ng bata tulad ng asthma, respiratory conditions, o mahinang immune system, maaari siyang magkaroon ng komplikasyon tulad ng pneumonia.

    Kaya naman, kung ang kondisyon ng ubo ng bata ay hindi bumuti sa loob ng pito hanggang sampung araw, o mas lumala pa ito, mabuting agad na dalahin ito sa doktor upang mapatingnan. Importanteng matingnan ng doktor ang bata upang mabigyan ng angkop na paggamot.

     

    Karagdagang ulat mula kay Jobelle Macayan

    Carlo Palarca, MD; Robert Giesler, BSN, RN; KidsHealth, Healthline, WebMD, Medical News Today, FDA US

    Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan, at napapanahon, ngunit, hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.