5 na gatas para sa buntis na mainam para sa iyo

Moms! Ano ang iniinom mong gatas ngayon?

Bilang soon-to-be nanay, siguradong number one priority mo ang kapakanan ni baby. Ang gusto lang ng isang ina ay ipanganak na malusog at malakas ang kanyang anak. Pero tandaan na nakasalalay din ang kalusugan ng bata sa iyong kalusugan habang ipanagbubuntis mo si baby. Kaya para sa madaming mga ina, mainam na uminom ng gatas para sa buntis.

Gatas para sa buntis | Image from iStock

Pagpili ng gatas para sa buntis

In general, makakatulong ang maternal milk upang suportahan ang iyong mga nutritional needs habang ikaw ay nagbubuntis. Inirerekomenda din ito para sa mga nagdadalang tao na may matinding morning sickness at hindi nakakakain nang mabuti. Ibinibigay din ito sa mga buntis na may kakulangan sa vitamin D at calcium.

Tandaan ang mga pointers na ito sa pagpili ng maternal milk para sa iyo.

BASAHIN:

LIST: Mosquito repellant na safe para sa baby at bata

Think you’re pregnant? Ito ang magandang brand ng pregnancy test!

5 best baby wash brands for newborns, according to Pinoy moms

Nutrients na makukuha dito

Ano ang mga nutrients na kasama ng gatas para sa buntis na ito?

Siguraduhin na meron itong folate na mahalaga sa pag-develop ng cells ng sanggol at pag-iwas sa birth defect, calcium para sa matibay na buto at ngipin ng sanggol at ina, at iron para sa pagbuo ng red blood cells na kailangan habang nagbubuntis. 

  • Lasa – Maraming nagbubuntis ang sensitibo sa pang-amoy at pang-lasa. Pumili ng gatas na hindi makakapagdulot ng pagsusuka mula sa morning sickness.
  • Presyo – May mga iba’t-ibang uri ng gatas para sa buntis. Ano ang swak sa budget mo?

Gatas para sa buntis | Image from Freepik

Mga benepisyo na makukuha ng pag-inom ng gatas habang nagbubuntis

Maraming benepisyo ang makukuha sa pagkonsumo ng iba’t ibang dairy products katulad gatas sa isang nagbubuntis. Nagbibigay ito ng iba’t ibang nutrients na kinakailangan ng ating katawan para matugunan ang sustansya ng nanay at sanggol sa sinapupunan. Narito ang ilan sa mga benepisyo ng pag-inom ng gatas habang nagbubuntis.

1. Ang gatas ay pangunahing source ng calcium at vitamin D ng mga nagbubuntis.

Ang Vitamin D ay kinakailangan ng isang buntis upang mapababa ng porsyento ng pagkakaroon ng kanyang sanggol ng allergy pagkapanganak. Bukod pa rito, ang calcium ay kailangan rin ng katawan ng buntis para maging maayos ang bone development ng baby habang ito ay lumalaki sa kanyang tiyan.

2. Ang pag-inom ng gatas habang nagbubuntis ay mainam sa paglaki ng baby.

Nakakatulong ng malaki ang gatas para sa malakas na buto ng baby. may ilang pag-aaral na sinasabing ang calcium na nakukuha ng baby sa loob ng tiyan ay magbibigay sa kanya ng tangkad habang siya ay lumalaki. Nakakababa rin ito ng tsansa sa pagkakaroon ng diabetes sa hinaharap.

Gatas para sa buntis | Image from Freepik

3. Ang gatas ay mayaman sa protein, amino acids, at fatty acids.

Ang mga ito ang isa sa mga pangunahing nutrients na kailagan sa pagbuo ng nervous system ng baby. Ito rin ay mayaman sa iba’t ibang nutrients tulad ng Vitamin A, at Vitamin B.

4. Epektibong pantanggad ng antacid

Ang gatas ay epektibong pantanggad ng antacid na nagdudulot ng heartburn o iba pang gastric problems sa nagbubuntis.

5. Ang iodine na laman ng gatas ay nagbibigay ng magandang brain development sa sanggol.

Ito rin ang isa sa dahilan ng pagtaas ng kanilang I.Q.

6. Nagpapababa ng tyansa ng pagkakaroon ng sakit

Ang pag-inom ng gatas habang nagbubuntis ay nakakapagpababa ng tyansa ng pagkakaroon ng iba’t ibang sakit ng nanay at sanggol. Tulad pagkakaroon ng multiple sclerosis, neonatal rickets, at osteoporosis.

5 na gatas para sa buntis na mainam para sa iyo

5 na gatas para sa buntis na mainam para sa iyo
Anmum Materna Milk
Best Overall
Buy Now
Enfamama A+ Prenatal Milk
Best for Pregnant and Breastfeeding
Buy Now
Promama Maternal Drink
Buy Now
Frisomum
Buy Now
Prenagen Mommy Plain Maternal Milk
Best for Morning Sickness
Buy Now

Anmum Materna

Bakit magugustuhan mo ito

Ginawa ito para mabigyan ka ng essential nutrients sa pamamagitan ng pag-inom ng dalawang baso lamang nito bawat araw.

Nutrients na makukuha dito

Siksik ito sa nutrients na mabuti para sa bata at ina gaya ng folate, calcium, at iron. Meron din itong brain nutrients na GA at DHA para sa mental development ng sanggol. Bukod pa diyan, ito rin ay may Probio DR10 na isang probiotic at Inulin na isa namang prebiotic. Magkatuwang sila sa pagpapalakas ng immunity at pagpapaganda ng digestion.

Lasa

Dahil maraming pagpipiliang flavors, hindi ka mahihirapang makahanap ng Anmum milk na magugustuhan mo.

Presyo

Mabibili ito sa halagang P199, P389, P778 sa iba’t-ibang size ng Anmum (Plain and Choco).

 

Enfamama A+

Bakit magugustuhan mo ito

Pwede mo rin itong inumin matapos manganak kapag ikaw ay breastfeeding na kay baby.

Nutrients na makukuha dito

Ang Enfamama Brainergy Complex ay merong DHA at essential nutrients na makakatulong para siguraduhing malusog ang pagbubuntis at lactation ng nanay gayun na din ang brain development ni baby. Meron din itong folic acid, zinc para sa central nervous system, choline para sa cognitive function, iodine para sa thyroid hormones, at iron para sa red blood cells.

Lasa

Pwede kang mamili sa vanilla at chocolate flavors ng Enfamama. Pwede rin itong inumin nang mainit o malamig.

Presyo 

Para sa 350g, mabibili ang Enfamama A+ sa halagang P358.51.

 

Promama

Bakit magugustuhan mo ito

Kung ikaw ay concerned sa iyong sugar intake, mainam din ito para sa iyo dahil ito ay low in fat, may 56% less sucrose, at mas konting calories. 

Nutrients na makukuha dito

Para mapahusay ang cognitive growth ni baby, meron itong limang key ingredients:

DHA, choline, calcium, vitamin D, at zinc. Meron din itong folic acid, iron at iba pang essential nutrients.

Lasa

Hindi tulad ng ibang brands, meron lang itong vanilla flavor.

Presyo

Ang Wyeth Promama 350g ay mabibili sa halagang P341.

 

Frisomum

Bakit magugustuhan mo ito

Dahil meron itong prebiotics at probiotics, nakakatulong ito para suportahan ang iyong gut health at maiwasan ang constipation.

Nutrients na makukuha dito

Ang Frisomum ay merong zinc, selenium, vitamin E, at vitamin C na nakakatulong upang palakasin ang iyong immunity. Siksik din ito sa calcium, vitamin D, at protein para panatalihin kang malusog sa iyong pagbubuntis. At gaya nang nasabi kanina, meron itong probiotics at prebiotics na mahalaga para sa iyong digestive health.

Lasa

Meron itong malinamnam na vanilla flavor.

Presyo

Ang Frisomum 900g ay mabibili sa halagang P840.

 

Prenagen Mommy Plain

Bakit magugustuhan mo ito?

Ang Prenagen emesis ay nagbibigay ng kumpletong nutrition sa simula pa lamang na yugto ng pagbubuntis. Suitable ito sa mga nagbubuntis na madalas magsuka at hindi makakain ng maayos.

Nutrients na makukuha dito

Ang Prenagen emesis ay mayroon Prenapo formula na may mataas na folic acid, omega 3,6, at 9. calcium, phosphorus, magnesium, vitamin D, iron, protein, at inulin. Kaya naman mainam itong inumin ng mga nagbubuntis upang masiguro ang sapat na nutrients sa kanilang katawan kahit na sila ay madalas walang gana at nahihirapang kumain.

Lasa

May dalawang flavor ang maaring pagpilian, vanilla delight at velvety chocolate.

Presyo

Nagkakahalaga ang isang 400 grams na pack nito ng ₱410.

Price Comparison

Brand Pack Size Total Grams Price (₱) Price/grams (₱)
Anmum Materna 800 grams (box) 800 grams 778 0.98
Enfamama 350 grams (box) 350 grams 371 1.06
Promama 350 grams (box) 350 grams 358 1.02
Frisomum 900 grams (canister) 900 grams 840 0.93
Prenagen 400 grams (box) 400 grams 410 1.02

Paalala sa pagpili ng gatas para sa buntis

Bago bumili ng gatas para sa buntis, basahin muna ang label nito. Tingnan kung anu-anong essential nutrients ang kasama nito. Mabuti ring kausapin ang iyong doktor at tanungin siya kung ano ang gatas para sa buntis na pinakababagay sa iyo.