Isang malaking challenge rin ba sayo kung paano tuturuan ang iyong anak sa gawaing bahay? Narito ang mga dapat mong malaman.
Talaan ng Nilalaman
Pagtulong sa gawaing bahay ng iyong anak, bakit mahalaga?
Ang pagtulong sa gawaing bahay ng iyong anak ay hindi lang basta makakapagpadali sa isang gawain. Ito ay nagiging practice grounds niya rin sa paghahanda sa kaniyang adult life.
Marami ring naituturong skills sa isang bata ang paggawa ng mga household chores. Tulad nalang sa naiimprove nito ang communication skills nila. Sila ay natututong i-express ang kanilang sarili, makipag-negotiate, makipag-cooperate at malaman ang kahalagahan ng team work.
Maliban dito, nagiging responsible rin sila sa kanilang batang edad. Mas nagiging competent din sila at nakakatulong para mas mapagaan ang trabaho ng pamilya sa loob ng bahay na nakakabawas sa stress.
May isang Harvard study nga ang natuklasang ang mga batang may kusa sa pagtulong sa gawaing bahay ay mas nagiging successful sa kanillang paglaki. Sila rin ay lumaking mabubuting mamamayan o good citizens sa komunidad na kanilang kinabibilangan.
Sa bata nilang edad ay natututo rin silang maging independent at mas naboboost ang kanilang self-esteem. Ito ay dahil nakikita nilang kaya nilang gawin ang nagagawa ng matanda tulad ng mga gawaing-bahay.
Ngayon ang tanong ay kung paano nga ba maituturo sa iyong anak ang gumawa ng mga household chores? Narito ang ilan sa mga approach na ginagawa ng marami sa atin.
Image by lookstudio on Freepik
Paano maituturo sa iyong anak ang mga gawaing bahay?
-
Pagbibigay ng task na naayon sa kanilang edad.
Isa sa mga paraan na ipinapayong gawin para maturuan ang isang bata ng mga gawaing-bahay ay ang pagbibigay ng task na naayon sa kanilang edad.
Para sa maliliit na bata ang mga listahan ng gawaing bahay na maaring ipagawa sa kanila ay ang sumusunod:
- Pagwawalis ng sahig.
- Pagpupunas ng mesa o mga gamit.
- Pag-aayos ng kanilang gamit.
- Paglalagay ng kanilang hinubad na damit sa labahan o laundry basket.
- Paglalagay ng kanilang hinubad na sapatos sa tamang lagayan.
- Paglilipit ng kanilang laruan.
Para sa mga batang may kalakihan na maari na silang pagawain ng ibang household chores tulad ng sumusunod:
- Paglalampaso ng sahig.
- Paghuhugas ng plato.
- Pagllilinis ng kanilang kwarto.
- Pagtutupi ng kanilang damit.
-
Paggamit ng reward system sa tuwing may matatapos silang task o household chores.
Isa pang paraan na sinasabing makakapagturo sa isang bata sa pagtulong sa gawaing-bahay ay sa pamamagitan ng reward system. Sa maliliit na bata ay maaring magawa ito sa pagbibigay ng star sa kada task na magagawa nila. O kaya naman ay dagdag na allowance o pagsasakaturapan ng request nila sa tuwing gagawa sila ng gawaing-bahay.
Pero ang style na ito ay maaring maging hindi effective sa katagalan. Lalo na kung wala ka ng maibigay na reward para sa iyong anak. May tendency rin na gagawa lang siya ng gawaing-bahay sa tuwing may reward na kapalit. Ang resulta ay wala ay parin siyang initiative o kusa sa pagtulong sa paggawa ng gawaing-bahay.
-
Pagpapakita sa mga bata ng “natural consequences” sa paggawa ng task o household chores.
Image by rawpixel.com on Freepik
Makakatulong rin umano sa pagtuturo sa isang bata ng mga gawaing-bahay ang pagpapakita sa kanila ng natural consequences kung bakit ito ginagawa. Tulad halimbawa ng wala silang kakainang malinis na plato kung hindi sila maghuhugas ng plato at iba pang hugasan. O kaya naman ang hindi paglalaba ng kanilang damit at wala na silang masusuot.
Pero sa panahon ngayon, napakaraming paraan na para ito ay masolusyonan. Maaring bilang kapalit ng plato ay mag-paper plate nalang sila. O kaya naman ay ang dalhin nalang sa laundry shop ang kanilang damit para mapalabhan.
Pinaka-effective na paraan para maturuan ang bata sa mga gawaing-bahay
Image by Freepik
Ayon sa pediatric psychologist na si Elena Mikalsen ang pagtuturo sa pagtulong sa gawaing bahay sa isang bata ay tulad rin sa pagtuturo ng iba pang skills sa kaniya. At ang pagiging halimbawa ng magulang sa kaniyang anak ang sikreto umano para maturuan itong gumawa ng mga gawaing-bahay.
Pagpapaliwanag ni Mikalsen, mas nagiging effective pa nga ito kung magkasamang ginagawa ng magulang at anak ang mga household chores. Dahil maliban sa ginagaya ng isang bata kung paano nagagawa ang isang task ay perfect way rin ito ng pagbobonding nila.
Kuwento ni Mikalsen, bagamat kung iisipin ay tila mas tatagal ang paggawa ng isang task kung ganito ang set-up mas rewarding naman daw ito katagalan. Dahil sa pakikipagtulungan sayo ng iyong anak tulad ng sa paglilinis o pagluluto ay mas napapalapit siya sayo.
Very rewarding rin para sa kaniya na makitang natutuwa ka sa kaniyang ginagawa. O kaya naman ay ang makitang nakakatulong siya at mas nababawasan ang iyong ginagawa. Sa ganitong paraan ay mas namomotivate siyang gumawa ng gawaing-bahay. Ito ay makakasanayan niya at madadala niya hanggang sa kaniyang pagtanda.