Narinig mo na ba ang Ge lai? Ito ay isang lumang paniniwala ng mga Chinese na dapat gawin ng mga bagong panganak na babae.
Ang lumang kasabihan ng mga Chinese, “Eat well, sleep well, nothing is better than sitting the month well,” ito’y nangangahulugan kung gaano kaimportante sa mga nanay na bagong panganak ang magpahinga ng isang buwan.
Ang paniniwala ng Chinese sa ganitong konsepto ay masasabi naitng mahigpit ngunit may dahilan. Paglimita sa diet ng mga nanay at galaw nila. Kailangan ba ng ito ay dapat masunod? Ano ang mga Chinese confinement na kailangang sundin ng mga bagong panganak?
May ilang Chinese moms ang nahihirapan sa pagsunod lagi ng paniniwalang ito na mahigpit na ipinapaalala ng kanilang in-laws. Kaya naman kinausap namin ang mga nanay na ito at kung paano nila napagtagumpayan ang confinement.
Rule #1: ‘Wag babasain ang buhok
Naniniwala ang nanay na si Tracie sa konseptong ito. Ang sabi pa nga niya ay “I’m a strong believer of TCM. I did not wash my hair for two weeks as advised, and I’ve never gotten migraines ever since!”
Ang mom of two naman na si Stacy ang aminadong nahihirapan siya sa paniniwalang ito. Ngunit dahil nga sa mahigpit na utos, sinunod niya na rin ito. Ayon sa kaniya, “The no washing of hair for 30 days was unbearable but I managed it by applying baby powder instead.”
Dagdag pa ng ina, may pagkakataon na hindi niya sinunod ang paniniwalang ito. Dalawang araw pagkatapos manganak, siya ay naligo. “I took a shower two days after delivering as it was encouraged in the hospital in New Zealand where I gave birth. But soon after I realized it gave me backaches,”
Rule #2: Kumain ng madaming luya
Ang strikto at kontroladong dieat ay parte ng paniniwalang ito at hindi lang sa mga Chinese. Kwento ni Mommy Tracie, “I ate confinement food full of ginger and other wind-eliminating ingredients, so my immunity is pretty good; I rarely fall sick.”
Pag-amin ng Singaporean mom na hindi lahat ng rule ay gumagana. “One thing that didn’t work for me though was consuming papaya and fish soup to increase breast milk flow. That had no effect on me and sadly, I didn’t produce any milk.”
Isa pang nanay ang nagbahagi ng kaniyang kuwento sa naturang paniniwalang ito. “I didn’t touch any tap water. My helper boiled water to fill up a pail enough for me to use daily. I used a herbal bath and boiled water for washing hands, brushing teeth etc. I didn’t drink water for a month, only had red dates tea.”
Ayon naman kay Suzanna, may tatlong anak, “All of my confinement food consisted of ginger and lots of it!”
Rule #3: Iwasan ang gumamit ng electric fan at aircon
Ayon kay Cheryl, isang paniniwala na hindi niya kayang sundin ay ang pagtulog ng walang aircon. “My mum wasn’t too keen, but allowed me to sleep in an air-conditioned room (but I wore long sleeves, long pants and socks to keep warm) although she didn’t allow me to sit in direct draft of wind, so no fans.”
Rule #4: Restrict movement
Parte ng Chinese confinement o ge lai ang pahinga at magkaroon ng limited na galaw sa mga bagong nanay. “I broke the rule of no climbing stairs with my second child who was born early (I had to go to the hospital everyday). It was not a good idea and proved to be bad for my joints.”
Talagang mahirap kung susundin ang lahat ng rule na ito, pag-amin ni Suzanna. Dagdag pa niya, “I’ve tried both Chinese and Malay traditional postnatal practices, and I feel that the Malay method has fewer ‘pantangs’ (superstitions).”
Advice ng eksperto tungkol sa Ge lai
Nagmula sa China ang postnatal confinement practices na ito na mas kilala bilang ‘Ge lai’. Ngunit para sa mga bansang may mainit na klima, gagana ba ang ganitong paniniwala?
Ayon kay Winnie Chong, Director ng STAR Confinement Nanny Agency, may ilang tradisyon o paniniwala ang hindi gagana sa mga mainit na bansa katulad ng Singapore at Philippines. Advice ng director sa mga bagong panganak na nanay, kailangan nilang maligo na may mga traditional herbs. Ito ay makakatulong sa blood circulation at maalis ang hangin sa katawan. Dagdag pa niya na nakakaginhawa ang paggamit ng air-conditioning pero dapat ay hindi nakatapat o binubugahan ng hangin ang bagong panganak na babae. Hindi rin nirerekomenda ang paggamit ng electric fan sa new moms.
Naranasan na ni Winnie ang makakita ng mga nanay na dumaranas ng poor health dahil walang natanggap na tamang pag-aalaga. Ang resulta nito ay ang pananakit ng ulo at likod.
Tradition vs practicality
Nakapaloob sa kultura ng mga Chinese na kailangan ng atleast 1 month ng postnatal confinement para sa mga bagong panganak nananay.
Ito ay magandang pagsasanay para makatulong sa ating mga nanay ngunit mas maganda pa rin na sundin ang iyong instinct kung ano ang sa tingin mo ay makakabuti at komportable sa’yo.
Makakatulong para maaalis ang hangin sa katawan sa pamamagitan ng pagkain ng meals na may luya.
Kung ikaw naman ay hindi komportable dahi lsa init at lagkit ng iyong katawan during hot weather, hindi naman masama ang maligo. Siguraduhin lang na tama ang temperatura ng iyong gagamitin na tubig.
Kung sakaling sitahin ka ng iyong nanay dahil sa paggawa ng gawaing bahay, wala namang masama kung sundin mo ang advice ng nakakatanda at ipahinga muna ang katawan at sarili.
Mas maganda pa rin kung komunsulta sa iyong doctor tungkol sa iyong mga alanganin at concern. Alam nila ang makabubuti sa’yo at ano ang mga dapat mong gawin sa iyong resting period.
Translated with permission from theAsianparent Singapore
BASAHIN:
Third trimester pregnancy guide: Lahat ng dapat mong malaman
Mga dapat at bawal kaininin ng mga bagong panganak na babae
Postpartum recovery: 8 tips sa pagdumi para sa mga bagong panganak