Hindi natatapos ang pagiging aware sa mga bawal at hindi once manganak na ang isang babae. Kinakailangan pa rin bantayan ang katawan dahil maaari pa itong maimpeksyon o makakuha ng anumang kumplikasyon. Narito ang listahan ng mga bawal na pagkain para sa bagong panganak.
Ano ang bawal na pagkain sa bagong panganak
Malamang narinig mo na ang iba’t ibang pagkain na bawal para sa pregnant moms noong nagbubuntis ka. Sa kagustuhan mong maging healthy both ikaw at si baby, malamang sinunod mo rin itong hindi i-consume, which is good.
Kaya naman karamihan sa mommies ay nagse-celebrate hindi lamang ng pagsilang ng kanilang sanggol kundi ng kanilang panunumbalik sa ilang mga foods na hindi nila nakain.
Para kasi sa kanila, hudyat ito sa maaari nang kainin ang mga mga pagkaing iniwasan niya noong siya ay nagbubuntis pa. Pero teka lang mommies, ayon sa health experts, hindi raw lahat ng pagkain ay dapat nang kainin once nanganak ka na. Marami pa ring dapat iwasan ayon sa kanila.
Dagdag pa ng eksperto, lalo raw kung ay paraan ng iyong panganganak ay cesarean delivery o kaya naman ay nangangak ng normal ngunit nagbe-breastfeed sa kaniyang baby.
Ano ang mga bawal na pagkain sa bagong panganak? Alamin iyan dito! | Image from Freepik
Mga pagkaing maanghang at dairy products.
Dapat lang daw talagang hikayatin pang kumain ng masusustansyang pagkain ang babaeng bagong panganak. Ito ay mula sa payo ni Dr. Maria Theresa Tangkeko Lopez, isang OB-Gynecologist mula sa Makati Medical Center.
Kinakailangan nga lang daw umiwas sa mga pagkaing maaaring makaapekto sa kanyang milk supply lalo kung piniling magpa-breastfeed. Isali na rin daw ang foods na may effect sa kanyang recovery o healing ng sugat o tahi dulot ng kanyang panganganak. Isa na sa ibinigay niya diyan ay ang mga dairy o maaanghang na pagkain.
Pahayag ni Dr. Lopez ang mga pagkaing ito raw ay mas nakaapekto kasi para sa health ng baby,
“Wala naman talagang bawal kainin ang bagong panganak, but actually it is not really for you. It is really for the baby.
Of course, ‘di ba immediately after delivery you’ll be breastfeeding. I find that a lot of babies are sensitive to dairy and spicy during the first month ng life nila.
Hindi raw kasi dapat nalalagyan pa ng additional gas ang katawan ng babae lalo kung siya pa ay hindi normal delivery,
“So, I tell my mom’s you go easy on that ‘yong dairy saka mga spicy food. Add to the fact that most dairy and spicy food gives you gas.
So, after CS ‘yong additional gas is not a welcome thing so ‘yon ‘yong kino-caution but otherwise wala namang puwede mong kainin.”
Ang ilan sa halimbawa ng mga dairy products na sinasabing dapat iwasan na muna ng mga bagong panganak na babae ay ang cheese o ice cream. Ito ay dapat na munang iwasan ng babaeng bagong panganak lalo kung siya ay lactose intolerant.
Mga pagkaing maaaring magdulot ng gas sa babaeng bagong panganak.
Gaya ng payo ni Dr. Lopez, hindi talaga dapat kinakain ang mga pagkaing nagdudulot ng gas. Hindi lang naman dairy products at maanghang na pagkain ang maaaring magdulot nito. May mga gulay rin na maaaring magdulot nito na hindi ipinapayong kainin ng babaeng bagong panganak.
Sapagkat may mga gulay ang sinasabing gas-forming foods o nagdudulot ng gas sa ating tiyan. Ang mga ito ay dapat iwasan ng mga bagong panganak na breastfeeding mommies.
Sapagkat ayon sa mga pag-aaral maaaring maging dahilan ito upang maging gassy at fussy ang kanilang newborn baby. Ang mga halimbawa ng gas-forming foods ay ang kale, spinach, beans, bawang, sibuyas at maanghang na pagkain. Ganoon din ang mga carbonated drinks at mga processed foods.
Hindi dapat kumakain ng pagkaing nagdudulot ng gas ang bagong panganak. | Image grabbed from Freepik
Mga pagkaing mahirap i-digest at maaaring magdulot ng constipation.
Ang mga babaeng bagong panganak, CS man o hindi ay dapat umiwas sa mga pagkaing mahihirapang i-digest o tunawin ng kanilang tiyan.
Upang hindi sila ma-constipate o mahirapang dumumi. Paraan din ito upang hindi sila masyadong umire sa pagdumi at upang maiwasang mapuwersa ang kanilang sugat o tahi.
Kaya naman mahalagang payo ng mga eksperto sa mga babaeng bagong panganak, kumain ng mga pagkaing rich in fiber. Tulad ng mga prutas at gulay na malambot at madaling tunawin ng tiyan. Iwasan ang mga processed food at junk food na hindi rin healthy para sa iyong katawan.
Mga pagkaing makakaapekto sa breastmilk supply ng bagong panganak na babae.
Mahigpit ding ipinapayo sa mga babaeng bagong panganak, lalo na sa mga nagpapasuso na iwasan ang mga pagkaing makakapekto sa kanilang milk supply.
Tulad ng kape at tsaa na nagtataglay ng diuretic properties na makakapekto sa pagpo-produce niya ng gatas. Maaari ring malipat kay baby ang mga properties nito na maaaring makaapekto sa kaniyang maayos na tulog.
Ganoon din ang pag-inom ng alcohol na may harmful compounds na maaaring mapunta sa breastmilk at masuso ni baby.
May mga isda ring dapat iwasang kainin ang mga babaeng bagong panganak. Ito’y ang mga nagtataglay ng mataas na level ng mercury.
Tulad ng swordfish, shark, king mackerel, at tilefish. Sapagkat ang mercury na taglay nito ay maaaring mapunta sa breastmilk ng babaeng bagong panganak; na maaaring madede ng kaniyang sanggol at maaaring makaapekto sa cognitive o brain development ni baby.
Mga pagkaing may allergy ang bagong panganak na babae.
Ayon naman kay Dr. Helen Tecson, isa ring OB-Gyne, maliban sa mga nabanggit dapat ring iwasan ng bagong panganak na babae ang mga pagkaing allergic o may allergy siya.
Ang kaniyang advice, kumain ng mga masusustansiyang pagkain na magpapalakas ng iyong katawan. Pati na ang pag-inom ng mas maraming tubig o fluid na makakatulong sa iyong breasmilk supply.
“Generally, wala naman pong bawal na kainin except sa known food allergy ng bagong panganak. It is advisable to eat healthy foods, more vegetables esp the green leafy ones, less meat to avoid constipation, more fruits din po. Since on breastfeeding sila, it is encouraged to increase fluid intake.”
Ito ang pahayag ni Dr. Tecson. Kaugnay nito ng mga pagkaing dapat kainin ng mga babaeng bagong panganak.
Mga pagkaing dapat kainin ng mga babaeng bagong panganak
1. Pagkaing rich in protein para sa tissue repair.
Para mapabilis naman ang recovery at maging maganda ang milk supply ng bagong panganak na babae, ipinapayong kumain ng pagkaing mayaman sa vitamins at minerals.
Tulad ng mga pagkaing rich in protein na makakatulong para sa tissue repair ng mga sumailalim sa cesarean delivery. Ang mga halimbawa nito ay cottage cheese, chicken soup, at Greek yogurt na makakatulong sa mas mabilis na paghilom ng sugat.
Upang ma-enhance ang balanse ng good bacteria sa katawan na makakatulong upang maiwasan ang mga post-surgical infections.
2. Mga pagkaing rich in vitamin C at beta-carotene para sa mabilis na paghilom ng sugat at tahi.
Para naman maiwasan ang pagpepeklat ng mga tahi at sugat, ipinapayong kumain ng mga pagkaing rich in vitamin C, beta-carotene at zinc ang mga babaeng bagong panganak.
Ang vitamin C ay nakakatulong sa formation ng collagen na nagre-restore ng healthy cells sa balat. Ang mga pagkaing rich in vitamin C ay ang strawberries at citrus fruits tulad ng oranges.
Upang mapalakas ang immune system at matulungan ang skin tissue na mapabilis ang healing process nito, ay dapat kumain ng mga pagkaing rich in beta-carotene at zinc ang mga bagong panganak na babae. Ang mga pagkaing rich in beta-carotene ay ang carrots, sweet potatoes, seafood at red meat.
3. Pagkaing makakapag-boost ng kanilang energy level.
Dapat ding kumain ng mga pagkain makakapag-boost ng kanilang energy level ang mga babaeng bagong panganak. Bagama’t dapat nilang iwasan ang mga processed at sugary foods na maaaring magbigay sa kanila ng energy na panandalian lamang.
Ang mga superfoods na magbibigay ng dagdag energy sa katawan ay ang chia seeds at itlog.
4. Mga pagkaing makakatulong na makaiwas sa constipation at mapalakas ang milk supply ng bagong panganak na babae.
Para maiwasan ang constipation ay dapat kumain ang bagong panganak na babae ng mga pagkaing rich in fiber. Tulad ng leafy greens, legumes at oatmeal na mabilis tunawin ng tiyan.
Makakatulong din ang pag-inom ng maraming tubig at pagkain ng mga masasabaw na pagkain para maiwasan ang constipation at ma-improve ang kaniyang breastmilk supply.
Ang iba pang pagkain na sinasabing makakatulong para ma-improve ang breastmil supply ng babaeng bagong panganak ay ang oatmeal, barley, carrots, papaya, malunggay at iba pang mga green leafy vegetables.
Ilan lamang ang mga nabanggit sa mga dapat kainin at bawal na pagkain sa bagong panganak na babae. Tandaan ang mga nabanggit sa artikulong ito ay gabay lamang.
Bukod syempre sa mga pag-iwas na kumain ng mga bawal sa mga bagong panganak, mayroong iba pang ways para maingatan ang health. Pagkatapos manganak, hindi natatapos ang pangangalaga dapat sa katawan. Kaya naman narito ang ilang postpartum aftercare na dapat mong gawin sa oras na manganak ka na:
Humanap ng pahinga
Hangga’t maaari ay humanap ng maraming oras ng pahinga para makabawi sa iyong pagod at fatigue. Asahan mong magigising ang bata kada dalawa hanggang tatlong oras para uminom muli ng gatas. Sa ganitong pagkakataon, hayaang sabayana ng anak sa kanyang pagtulog para pareho kayong nagpapahinga.
Kumain ng masustansyang pagkain
Kailangang ng katawan mo ng sustansya oara mabigyan din ng tamgn nutrients ang iyong anak. Subukang gumawa ng dietary meal plan. Sa pamamagitan nito, mamomonitor mo ang mga pagkaing kinakain mo maging ang nutrients na mayroon ito.
Mainam na kumain ng mga pagkaing healthy para sa iyo sa pamamagitan ng pagtatanong sa iyong doktor kung ano ang tama. Maaaring ipayo niya na kumain ng maraming whole grains, gulay, at prutas maging pagkaing mayaman sa protein.
Uminom ng maraming tubig
Kailangan ding pataasin ang fluid intak ng mommies especially kung breastfeeed ang pinili for babies. Ito ay para dumami ang supply ng milk at makaiwas sa dehydration.
Humingi ng tulong sa pamilya o kaibigan
Hindi mo kaya nang mag-isa ang mga gawain after manganak. Kaya nga dapat mayroong kasama na pamilya, kaibigan, o mapagkakatiwalaang tao sa tabi mo.
Mahaba-habang healing ang kailangan mo kaya hindi dapat mabinat sa iba oang gawain sa bahay. Maaaring humingi ng help sa kanila na tulungan ka sa paghahanda ng pagkain o kahit pag-aalaga sa iyong anak kung sakaling hindi mo na kaya.
Palagi namang kabilang ang pag-eehersisyo kung nais mong maging healthy. Subukang maglakad-lakad muna sa bahay o kalapit na lugar para magkaroon ng physical activities ang katawan. Humanap ng malalakarang refreshing at makapagpapataas ng iyong energy level.
Tandaan lamang na kailangan ay mayroong payo ito ng doktor.
Para makasigurado na ligtas ang mga pagkaing kakainin mo para sa ‘yo ay mas mabuting kumonsulta sa iyong doktor. Sapagkat sila ang mas nakakaalam sa mga pagkaing angkop sayo at sa kalusugan ng baby mo.
Karagdagang ulat mula kay Angerica Villanueva
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!