Gerber food para kay baby
Noong 1927, may nanay at tatay na abalang naghahanda ng pagkain ng kanilang 7-month-old na anak. Habang inaayos ni Dorothy Gerber ang peas para sa kaniyang baby, ang asawa nitong si Dan Gerber ay may naisip na magandang ideya: Bakit hindi sila mag-umpisa ng baby food company? After all, mayroon na silang canning factory. Ito ang naging simula nang pag-usbong ng Gerber, isang baby food brand na mayroong mataas na kalidad ng produkto.
Ngayon, maituturing na global household name ang Gerber baby foods. Moms, dads, narito ang dahilan kung bakit mo kailangang piliin at pagkatiwalaan ang Gerber para sa nutrisyon ng iyong baby.
A commitment to quality
Kapag ang iyong anak ay nagsimulang kumain na ng solid foods sa edad na 6 months, natural lang para sa ating mga magulang ang maging mapili at bigyan ng best na nutrition ang ating mga anak. Ang magandang nutrisyon sa mga bata ay mahalaga at malaki ang naitutulong para sa kanilang development ngunit hindi lang umiikot ang usapan sa uri ng pagkain na dapat ibigay sa kanila.
Ang ‘the best’ lang para kay baby
Bilang magulang, likas na sa atin ang alamin kung saan nagmula ang mga pagkain, saan tumutubo ang gulay, prutas at grains na hinahalo sa pagkain.
Kasama na rin dito ang quality control, hygiene, safety, na kailangan para masabing best quality ang nakukuha ng isang bata. Naiintindihan ka ng Gerber dahil gaya mo, top priority nila ang health at wellbeing ni baby.
Sa paglipas ng ilang dekada, nakatuon pa rin ang pansin ng Gerber sa kanilang pangako pagdating sa highest quality ng baby food. Makakaasa ka na ang produkto nila ay highest quality dahil:
- 100% ng kanilang produkto ay pasok sa requirements ng U.S. Food & Drug Administration (FDA)
- Mayroon silang limang iba’t ibang stage ng safety at quality check
- Dumadaan sa mahigit 100 quality check ang bawat baby food
- Mayroon silang mahigit 90 years na experience sa paggawa ng mataas na kalidad ng baby food
BASAHIN:
Sisimulan mo na bang pakainin si baby ng solid foods? Subukan siyang pakainin ng “Organic baby food”
Patuloy na improvement
Isang paraan para mapanatili ang pagiging high standard ay ang tuloy-tuloy na pag-aaral at research pati na rin ang quality testing ng produkto.
Ito ang dahilan kung bakit patuloy na bukas ang Gerber pagdating sa bagong paraan ng paglago, pagsusuri at paggawa ng pagkain na healthy para sa mga baby.
Regular nilang tine-test ang kanilang bawat ingredients at produkto. Bukod pa rito, ang lahat ng test na ito ay isinasagawa mula sa kanilang in-house ISO-accredited labs.
Hindi lang mga baby ang inaalagaan ng produktong ito. Sinisigurado ng Gerber na sila ay earth at environment friendly sa pamamagitan ng unique model na kung tawagin ay Clean Field Farming™
Ano ang Clean Field Farming™?
Bilang parte ng Clean Field Farming™, sinisigurado nila na safe, healthy at masustasya ang grains, gulay at prutas ng Gerber.
Ito ay sa pamamagitan ng pagpili maigi ng bawat seed at lupa; napapanatili ang pangangalaga sa lupa; sinisiguradong lahat ng prutas at gulay ay lumalaki na non-GMO; at abilidad na malaman ang lahat ng harvested crops sa farms at fields kung saan sila lumaki. Ito rin ang dahilan kung bakit mapili ang Gerber sa kanilang partner farms, sinisigurado nilang pasok ito sa standards ng Clean Field Farming™
Bukod pa rito, sinisigurado ng Gerber na ang lahat ng kanilang prutas at gulay ay pinipitas sa tamang oras, paraan ito para maiwasan ang tuluyang paggamit ng artificial flavors at colors.
Ibig sabihin, ang baby food ng Gerber aay natural na matamis, masarap at masustansya. Kakayahan ng Gerber na i-trace 100% ang lahat ng kanilang prutas at gulay.
Hindi lang sa kanilang farm kundi pati na rin sa bawat fields. Sinisigurado nilang protektado ang kanilang produkto mula sa ibang elements. Maingat din nilang inililipat ito para maging ligtas at maayos ang journey mula sa farm hanggang sa kanilang kusina.
Certified organic ng USDA
Ang pagkakaroon ng magandang kalidad ng produkto ng Gerber Organic baby foods ay nakapagpalakas sa kanila upang makapasok sa standard ng U.S. Department of Agriculture (USDA).
Ibig sabihin, ang lahat nang nagmumula sa Gerber farmers ay lumaki ayon sa strict organic regulations at standards ng USDA. Dagdag pa rito ang practices ng Clean Field Farming™.
Parents, alam nating walang ibang tumitingin ng magandang kalidad kundi tayo lamang mga magulang. Kaya naman ito ang dahilan kung bakit nakakasigurado kang hindi ka bibiguin ng Gerber. Patuloy nilang tutuparin ang kanilang pangako para kay baby. Dahil over 90 years ago, ang founder ng Gerber ay nagsimula rin bilang mga magulang na mayroong mataas na standards pagdating sa usaping ito.
Ang legacy na ito ay parte ng kanilang foundation na siyang nananatiling matatag at patuloy na pangangalagaan ang baby sa future nasaan man sila, kabilang na ang iyong baby.
Kung nais mo pang malaman ang ibang detalye tungkol sa Gerber baby food katulad ng kanilang farming methods, safety at quality procedure, pindutin ito.