Sa recent GGV Annabelle Rama episode, tinanong ang celebrity mom at manager na si Annabelle Rama tungkol sa kanyang anak na si Ruffa Gutierrez.
Sa isang segment sa nasabing show, tinanong siya kung ano ang pinakamalaking kasalanan ni Ruffa sa kanya. Sagot naman ni Annabelle, ayaw daw niya sa mga choices ng kanyang anak sa lalaki.
Pagpili ng boyfriend o asawa
Tingin daw kasi ni Annabelle, matalino at successful naman ang kanyang anak. Nasa kanya na nga raw ang lahat pero pagdating sa pagpili ng magiging boyfriend ay hindi niya ito pinapaburan.
“Ang ayaw ko lang… pagdating sa lalaki, talagang bobo siya,” sagot ni Annabelle.
Depensa naman ng host ng show na si Vice Ganda, madalas ay hindi lang natin naiintindihan ang mga desisyon sa buhay ng mga tao. Maaring sa atin ay hindi smart ang desisyon na iyon pero sa kanila ay tama naman ito at may dahilan.
Sagot naman ulit ni Annabelle, “kalokahan naman yan… may dalawang anak na siya eh.”
Annabelle Rama on being straightforward
Kilala si Annabelle Rama dahil sa mga controversies na pumapalibot sa kanilang pamilya. Kilala rin siyang strikto at straightforward. Hindi na bago sa pandinig ng mga tao kapag siya ay nagpapahayag ng mga ganito.
Sa katunayan, ilang beses na ngang nagka-sagutan ang mag-ina dahil sa mga pahayag niyang katulad nito.
Si Ruffa Gutierrez ay kasalukuyang may boyfriend na isang French-Israeli. Sila ay nagsimulang mag-date noong 2014. At dahil nga sa pahayag na ito ng kanyang ina, maaaring hanggang ngayon ay hindi siya pabor dito.
GGV Annabelle Rama, Naging Controversial Dahil Sa Pahayag Kay Ruffa | Screenshot from @iloveruffag’s Instagram
Ruffa Gutierrez kids
Mayroong dalawang anak si Ruffa at ang kanyang ex-husband na si Yilmaz Bektas. Sa kasalukuyan ay 16 years old na si Lorin at 15 years old naman si Venice.
Hindi maitatanggi na ang dalawa ay sumusunod talaga sa yapak ng kanilang ina. Kitang-kita ang star potential nila at sa katunayan, talented din ang mga ito. Katulad ng kanyang ina, madalas sabihan si Lorin na future beauty queen at pinatunayan niya naman ito sa kanyang pagmo-model. Si Venice naman ay may talent sa pagkanta.
Bukod sa kanilang reality TV show na It Takes Gutz To Be A Gutierrez, mapapanood din ang magkapatid sa YouTube channel ni Lorin. Dito ay nagpopost siya ng mga travel vlogs at kahit mga family vlogs.
GGV Annabelle Rama, Naging Controversial Dahil Sa Pahayag Kay Ruffa
Ruffa Gutierrez at Yilmaz Bektas
Unang naging asawa ni Ruffa Gutierrez ay si Yilmaz Bektas na isang turkish noong 2003. Ngunit nakipaghiwalay rin si Ruffa dito noong 2007 dahil sa pananakit umano sa kanya ng asawa.
Hanggang ngayon ay aminado pa rin ang aktres na natatakot pa rin sa dating asawa kahit na ilang taon na ang nakalipas nang makipaghiwalay siya rito.
Ayon kay Ruffa,
“Would you believe until now I’m still afraid of my ex-husband? Even if he’s invited me so many times to go back. I don’t want to go back because I have this notion in my head that he will kill me,”
Aminado si Ruffa na in denial siya sa pananakit ng kayang dating asawa. Kapag may nagtatanong sa mga pasa nito sa katawan, pilit niya itong tinatago kahit sa pamilya niya.
GGV Annabelle Rama, Naging Controversial Dahil Sa Pahayag Kay Ruffa | Screenshot from @iloveruffag’s Instagram
Dahil sa pananakit ng asawa nito, nagkaroon siya ng post-traumatic stress disorder (PTSD) dahil sa domestic violence na naranasan sa asawa.
“It’s very difficult. You learn from those lessons but when we discuss it, like right now, there’s still pain in my heart. So I guess you never really forget whatever those experiences have brought you, but you just learn and you move on,”
Ayon sa aktres, mahirap para sa kanya ang kanyang naging karanasan sa naging asawang si Yilmaz Bektas. Hindi pa rin niya tuluyang nakakalimutan ang hirap na pinagdaanan niya.
BASAHIN:
WATCH: 10-month-old na anak ni Andi Eigenmann, nag-surfing kasama ang kaniyang daddy
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!