Kapag ikaw ay nag-asawa na, hindi lamang ang magandang relasyon sa iyong kabiyak ang dapat na pangalagaan. Mahalaga ring panatilihin ang maayos na relasyon sa iyong mga biyenan o in laws. Tiyak na mas payapa at matiwasay ang iyong buhay may asawa kung kasundo mo sila.
Kaya naman kapag may pagkakataon kang ipakita sa kanila na espesyal sila para sa iyo, i-grab mo agad ang chance na iyon! Gaya na lamang ngayong kapaskuhan. Huwag kalimutang bigyan sila ng regalo upang mas maramdaman nila ang iyong pagmamahal at pagpapahalaga.
Kung kasalukuyan ka pang nag-iisip ng best gift ideas for in laws, tamang-tama ang listahan na ginawa namin para sa iyo. Patuloy na magbasa at alamin ang mga regalong maaaring ibigay sa iyong mother and father-in-law. Plus, kumuha ng tips mula sa amin kung paano mapapanatili ang magandang relasyon sa kanila.
Talaan ng Nilalaman
Best gift ideas for in laws
GIORDANO Men's Frog Polo
For Father-in-law
|
Buy Now |
Hanes Fit Round Neck
Plain Shirt
|
Buy Now |
Penshoppe Signature Eau De Toilette
For Father-in-law
|
Buy Now |
Locaupin 2 Tier Dish Drainer
Dish drainer
|
Buy Now |
Cetaphil Bright Healthy Radiance Renew and Tone Brightening Power Duo
For Mother-in-law
|
Buy Now |
Elizabeth Arden Green Tea Eau de Toilette Perfume
For Mother-in-law
|
Buy Now |
For Father-in-law
GIORDANO Men’s Frog Polo
Kung mahilig sa polo shirt ang iyong Father-in-law, ang Giordano Men’s Frog Polo ang magandang iregalo sa kanya. Minimal at classic ang design nito na siguradong magugustuhan niya. Presko at komportable pa ito suotin dahil ginamitan ito ng 97% cotton at 3% Lycra fabric.
Mayroong tapered fit feature ang polo shirt na ito, kaya’t tiyak na huhulma ito sa katawan. Ang kulay din nito na Niagara blue ay malamig sa mata at bagay para sa mga lalaki. Available ito sa sizes na small hanggang XXL.
Hanes Easy Fit Round Neck
Isa pa sa hilig ng mga tatay ay ang plain white shirt. Naisusuot nila ito sa bahay, trabaho o kapag umaalis. Kaya’t kung naghahanap ka ng high quality brand ng plain white shirt, check out Hanes Easy Fit Round Neck.
Gawa ito sa cotton material kaya naman ito’y malambot, komportable sa pakiramdam at preskong-presko suotin. Mayroon itong round neck, lay flat colar. At makakatiyak kang hindi basta-basta mabubutas ang parteng armholes at shoulder dahil sa dinoble ang pagkakatahi sa mga ito o mayroong reinforced seams.
Penshoppe Signature Eau De Toilette
Isa pang ideal gift para sa biyenan ay ang perfume. At kung naghahanap ka ng below Php 500 na high quality perfume, best choice ang Penshoppe Signature Black Perfume. Sa murang halaga ay makakapag regalo ka ng 70 ml long lasting perfume na may elegant musky, citrus at woody scent.
Base sa mga tests na ginawa, ang top notes nito ay tumatagal ng 5 – 15 minutes at may scents na lemon, ozone at green notes. Ang middle notes naman ay tumatagal ng 20 – 60 minutes na may scents na rose, muguet at freesia. Para naman sa base notes ng perfume na ito na tumatagal ng 6 hours, ang mga scents na naiiwan ay musk, amber at cedar.
For Mother-in-law
Locaupin 2 Tier Dish Drainer
Lahat naman ng ina ay masaya kapag nagkakaroon ng bagong gamit sa kusina, hindi ba? Kaya’t tiyak din na ikakatuwa ng iyong mother-in-law ang pagbigay mo sa kanya ng Locaupin 2 Tier Dish Drainer.
Kapaki-pakinabang ang dish drainer na ito. Mayroon itong drainer tray sa bottom part na sumasalo ng tubig mula sa bagong hugas sa plato, tasa, baso at iba’t ibang utensils. Ang kagandahan pa rito ay may spout din ito na daluyan ng tubig papuntang lababo kaya naman hindi maiipon ang tubig sa tray.
Gawa ito sa ABS plastic at stainless steel kaya naman makakatiyak kang durable ito.
Cetaphil Bright Healthy Radiance Power Duo
Siguradong gusto rin maachieve o mapanatili ng iyong mother-in-law ang pagkakaroon ng bright at radiant skin. Kaya naman magandang bigyan siya ng skin care bundle na ito from Cetaphil. Ang Cetaphil Bright Healthy Radiance Power Duo ay binubuo ng gentle cleanser at toner.
Ang cleanse ay nagtataglay ng Niacinamide na nakakatulong sa pag-iwas sa maagang pagtanda ng balat at pagpapantay ng kulay nito. Sinamahan pa ito ng Sea Daffodil na nakakabawas sa puffiness at dark spots, at Vitamin E mula sa Jojoba beads na nakakapagpalabas din ng glow at ng balat sa pamamagitan ng exfoliation.
Bukod sa pagpapaputi at kinis ng balat, kaya rin solusyunan ng powerful duo na ito ang problema sa fine lines, dryness, irritation at iba pang skin concerns. Fragrance-free at Dermatologist-tested din ang mga produktong ito kaya naman ligtas gamitin.
Elizabeth Arden Green Tea Eau de Toilette Perfume
Kung mahilig naman sa perfume ang iyong biyenan, perfect ang Elizabeth Arden Green Tea Perfume para sa kanya! Refreshing at energizing ang scent nito na tamang-tama for everyday use.
Ang top notes ng perfume na ito ay lemon, bergamot, mint, orange peel at rhubarb. Kombinasyon naman ng green tea, peppermint, jasmine, fennel at celery spice ang middle notes nito. Sinamahan pa ng amber, oakmoss at musk para sa base notes.
Long-lasting din ang amoy nito kaya naman matipid gamitin.
Price Summary
Brands | Price |
Giordano | Php 999.00 |
Hanes | Php 361.00 – Php 1,216.00 |
Penshoppe | Php 479.00 |
Locaupin | Php 895.00 |
Cetaphil | Php 1,545.00 |
Elizabeth Arden | Php 2,000.00 |
Tips upang mapanatili ang magandang relasyon sa biyenan
Paano nga ba mapapanatili ang magandang relasyon sa mga in-laws? Narito ang ilan sa aming mga tips:
- Ituring silang mga tunay na magulang. Ibigay sa kanila ang respeto, pagmamahal, paggalang at pag-aaruga na ginagawa sa iyong mga tunay na magulang. Sa ganoong paraan, mas mararamdaman nila na mahalaga rin sila para sa’yo.
- Makinig sa mga payo ng iyong in-laws. Kumpara sa iyo ay mas marami na silang naranasan sa buhay kaya naman tiyak na mapapabuti ka sa pakikinig sa kanilang.
- Igalang ang kanilang opinyon. Kung minsan, hindi maiwasan ng mga in-laws na magbigay ng kanilang opinyong tungkol sa iba’t ibang bagay na konektado sa inyong mag-asawa. Maaaring ito ay taliwas sa iyong opinyon ngunit hindi iyon nangangahulugan na kinokontra ka niya at kailangan mong makipagtalo.
- Bumukod ng tahanan. Malaking tulong din ang paninirahan sa sariling tahanan ninyong mag-asawa. Kadalasan kasi, ang puno ng mga hidwaan sa biyenan ay ang pagsasama ninyo sa iisang bubong. Sa kabilang banda, huwag kalimutang mag schedule ng pagbisita sa iyong in-laws upang mapanatili ang maganda at masayang relasyon sa kanila.
Ngayon pasko, hindi naman mahalaga na mamahaling regalo ang ibigay sa iyong mga in-laws. Higit na importante pa rin na iparamdam sa kanila ang iyong paggalang, pagrespeto at pagmamahal na tiyak na mas ikakatuwa ng kanilang mga puso.