21 gifts na pasok ang 500 pesos budget mo ngayong pasko

Problemado sa ireregalo ngayong quarantine? Narito ang 21 online shops na maaaring mabilhan ng christmas gifts under 500 pesos.

Gifts under 500 pesos ba ang hanap mo? Narito ang ilang tips na siguradong makakatulong sayo ngayong Pasko!

Gifts under 500 pesos: Tips ngayong Pasko

Mga ninongs at ninangs, inaalala niyo na ba ngayon kung paano kayo makakabili ng mga regalo sa inyong inaanak? Doble ang hirap ngayon dahil kaunti ang bukas na stall sa mga mall. Idagdag pa na hindi komportableng lumabas ngayon dahil sa pandemic. Parents, ninongs and ninangs, worry no more! Narito ang 21 online shops na pasok ang 500 pesos budget mo para sa gifts ngayong pasko.

21 gifts na pasok ang 500 pesos budget mo ngayong pasko

1. Birthday year pendant necklace

Larawan mula sa Shutterstock

Kung nais mong bigyan ng kwintas ang iyong reregaluhan, maraming available online ang birthday year pendant necklace. Extra special ito dahil maaari mong mabili ang birthday year ni inaanak!

[tap-product ids=”17035″]

2. Sleepwear

Available ito s iba’t ibang color at desento. Maaari kang makakita nito online na nasa iba’t ibang cute designs, na pwedeng ipangregalo sa iyong mga kaibigan o kapamilya.

[tap-product ids=”17036″]

3. Oversized shirts

Para sa mga mahilig sa oversized at korean inspired shirts, bagay na bagay ipang regalo ang shirts. Sure na sure na makakahanap ka nito online na pwede mong mabili sa 150 pesos lalo na kung wholesale mo ito bibilhin.

[tap-product ids=”17037″]

4. Perfume

Sa halagang 100-500 pesos, makakabili ka na ng perfume mula sa iba’t ibang shopping store online.

[tap-product ids=”17038″]

5. Silverware set

Larawan mula sa Shutterstock

Available sa Lazada at Shopee ang silverware na pwede ipangregalo ngayong pasko. Maaaring pagpilian ang iba’t ibang kulay sa halagang 350-500 pesos. Kasama na rito ang main spoon, dessert spoon, fork, chopsticks at knife.

[tap-product ids=”17039″]

6. Printed art shirts

Perfect na perfect ang pagbibigay ng couple shirt para sa iyong asawa o partner. Marami ang mga designs nito na pagpipilian sa Lazada o Shopee at iba pang local online store na tiyak na magugustuhan ng inyong loved ones.

[tap-product ids=”17040″]

7. Personalized coffee mug

Larawan mula sa Shutterstock

Upang maging extra special regalo sa iyong loved ones, maaaring magpa-personalized ng coffee mug sa halagang 100-400 pesos depende sa designs. Matatagpuan ito sa mga iba’t ibang local stores at online stores.

[tap-product ids=”17041″]

BASAHIN:

6 diaper brands na naka-sale ngayong 11.11

Easy no bake cake recipes para sa birthday ni baby at mister

25 toaster oven recipes na mura at madali lang gawin

8. Necklace

Larawan mula sa Shutterstock

Kung ikaw ay naghahanap na pangregalo sa iyong Mommy, Tita, o anak na babae ngayong pasko swak na iregalo ang mga cute necklace na mabibili sa iba’t ibang store online. May mabibili ka nito sa halagang 300 pesos hanggang 500 pesos.

[tap-product ids=”17042″]

9. 3D Moon Lamp

Image from Lazada

Sa halagang 205 pesos, maaari mo nang gawing dekorasiyon sa iyong kwarto ang 3D Moon lamp na ito. Available ito sa tatlong colors at mabibili sa Shopee.

[tap-product ids=”17043″]

10. Male eyewear

Gifts under 500 pesos | Image from Indio Eyewear

Ang seksyong ito ay para sa mga tiyuhin, lolo at kapatid na lalaki. Kung interesado sila sa mga salaming pang-araw na medyo kakaiba sa istilo, maaari mong bisitahin ang online na tindahan!

[tap-product ids=”17044″]

11. Female eyewear

Gifts under 500 pesos | Image from Metro Sunnies

Siyempre, hindi rin natin makakalimutan sina tito, lola at ate! Mabibili sa MetroSunnies ang iba’t-ibang klase ng eyewear. Hindi bababa ng 330 pesos ang kanilang produkto.

[tap-product ids=”17045″]

12. Books

Gifts under 500 pesos | Image from Fully Booked

Para sa mga kids nating inaanak, maaaring regaluhan sila ng creative books! Katulad na lamang ng Sticker World – Zoo: Lonely Planet Kids mula Fully Booked. Makakatulong ito sa kanila para maging pamilyar sa mga hayop. Mabibili ito sa halagang 419 pesos sa Fully Booked site.

[tap-product ids=”17046″]

13. Journal starter kit

Gifts under 500 pesos | Image from Noted journal ph

Available sa iba’t-ibang sizes ang journal starter kit na ito mula Noted Journal PH. Sa halagang 490 pesos maaari mo na itong ipang-regalo sa iyong inaanak! Maaari silang makita sa kanilang official site at Instagram.

[tap-product ids=”17047″]

14. Ceramic bowl

Gifts under 500 pesos | Image from Monazone

Para sa mga young and old titas, bagay na bagay pang regalo ang mini japanese ceramic bowl na ito. Sa halagang 439 pesos, achieve mo na ang aesthetic vibe habang kumakain ng ramen! Maaaring bisitahin ang kanilang Shopee.

[tap-product ids=”17048″]

15. Small bowl cup

Gifts under 500 pesos | Image from Monazone

Mukhang mapapa- add to cart ka sa small bowl cup na ito mula ulit sa Monazone! Sa halagang 375, may pang regalo kana. Makikita sila sa Shopee at maraming choices na iyong pagpipilian.

[tap-product ids=”17049″]

16. Training spoon

Gifts under 500 pesos | Image from Babycare store

Para sa mga inaanak na baby, regaluhan sila ng training tableware set mula Babycare store sa Lazada. Ito ay nagkakahalaga ng 489 pesos ngunit maaaring mabili sa mababang halaga dahil sale sila ngayon!

[tap-product ids=”17050″]

17. Air Humidifier Aroma

Gifts under 500 pesos | Image from Ewa 3C Hub

Budget friendly ang air humidifier na ito mula Ewa 3C Hub sa Lazada. Sa halagang 484 pesos, mare-regaluhan mo na si mommy, lola at tita! Maaaring bumaba pa ang presyo nito dahil sale sila ngayon.

[tap-product ids=”17051″]

18. Essential oil

Larawan mula sa Shutterstock

Para sa mga Titas of Manila, kasama sa starter pack nila ang essential oil. Kaya naman ‘wag kakalimutan na regaluhan ang iyong mga friends na laging sumasakit ang ulo at essential oil lang ang katapat! Maaari mo nang mabili ang iba’t essential oils sa iba’t ibang online stores.

[tap-product ids=”17052″]

19. Earrings

Larawan mula sa Shutterstock

Perfect din pang regalo ang mga hikaw o earrings na mabibili online. Maraming shop ngayon online pwedeng pagbilhan nito. Perfect ito para sa mga Nanay, Tita, Ate, at kahit sa ating mga anak na babae. Pwede ring pagregalo ito sa ating mga kaibigan. Makakabili ka nito lalo nasa mga local stores na starting 80 pesos.

[tap-product ids=”17053″]

20. Towels

Larawan mula sa Shutterstock

Isa pa sa mga pwedeng iregalo na magagamit ng ating pagbibigyan ay ang towels. Maraming klaseng towel ang pwedeng iregalo katulad na lang ng towels sa pagligo o kaya naman hand towels na tiyak na magagamit talaga. Mayroon mga online stores ang nag-aalok ng personalized na towels, na pwede mong palagyan ng pangalan para sa iyong reregaluhan.

[tap-product ids=”17054″]

21. Tumblers

Larawan mula sa Shutterstock

Swak na swak din pangregalo ang mga tumbler ngayong pasko para sa ating mga loved ones. Maaari kang makabili nito sa Facebook market place, Shopee, Lazada at iba pang online shops.

Ilan lang ito sa mga gifts under 500 pesos na maari mong iregalo sa iyong inaanak o loved ones ngayong Pasko. Kung may iba pang ideya, i-share ito sa amin. 

[tap-product ids=”17055″]

Sinulat ni

Mach Marciano