Taas ang kamay ng mga cake lovers dyan! Sino ba naman kasi ang hindi magke-crave sa taglay na charisma ng cake? Pero ngayong Enhanced Community Quarantine, medyo hindi muna tayo makakabili ng favorite cake sa mall. Pero why not try na mag bake ng sarili mong homemade cake? Narito ang mga trending no bake cake recipe!
No bake cake recipe ngayong quarantine
Talaga namang nakakubos ng gawain ang quarantine. Pero bakit hindi mo na lang subukang gumawa ng iyong dessert? Narito ang mga no bake cake recipe na sobrang dali lamang gawin! Budget friendly rin ito at no need na ng oven dahil refrigerator cake lang ito!
1. Ice cream cake
Recipe by: Dennies Castroverde
Ingredients:
- 1 condensed milk
- 2 Nestle cream
- 10 pcs. fudge bar
Procedure:
1st, ilagay sa isang bowl ang nestle cream hanggang sa tuluyang lumapot ito.
2nd, sunod na ihalo ang condense milk. Haluin ulit ito hanggang sa makitang nagsama na ang dalawa.
3rd, gamit ang dinurog na fudgee bar, ikalat ito sa kabuuan ng container. Ito ang magsisilbing crust.
4th, ilagay na sa ibabaw ang hinalong nestle cream at condense milk.
5th, ilagay magdamag sa ref at hintaying tumigas ito. Serve cold.
Kung nais mong makita ang buong actual recipe, i-click lamang ito.
2. Oreo Milo cake
By: Cel Serrano Montemayor
Ingredients:
- 4 egg
- 1 cup and 2 tbsp flour
- 2 tbsp baking powder
- 2 cups of sugar
- 370 ml evaporated milk
- 2 tbsp cornstarch
- half butter
- 2 cups of milo
- oreo biscuit
Procedure:
1st, sa isang bowl pagsama-samahin ang 1 cup milo, 1 cup flour, 2 tsp baking powder, 1/4 butter at 1 cup sugar.
2nd, haluin ito hanggang sa maghalo na ang mga ingredients. Saka ilagay ang 4 na hinalong itlog. Takpan ng foil.
3rd, Once na naghalo halo na ang mga ingredients, ilagay ito sa kaserola at lagyan din ng patungan. Ilagay ito sa low heat at iwan ng 1 and a half hour.
4th, para sa frosting ng cake, ipagsama-sama sa isang lagayan ang natitirang milo, evap, sugar, flour, cornstarch at butter. Painitin ito hanggang sa lumambot.
5th, kunin ang pinainit na cake, ilagay ang tinunaw na frosting sa ibabaw nito at ilagay ang oreo base sa nais na desenyo.
Kung nais mong makita ang buong actual recipe, i-click lamang ito.
3. Cream O and Graham Cake
By: Josep en Jenn’s Catering & Events
Ingredients:
- 2 cups condensed milk
- 1 cup all purpose cream
- 1/2 cup butter
- 1 pack graham crackers
- 7 pcs cream o
- chocolate chip
Procedure:
1st, gamit nag dinurog na graham crakers, haluin ito kasama ang 1/2 condensed milk at 1/4 cup butter.
2nd, pagkatapos, diinan ang pagkakalagay sa container. Ito ang magsisilbing crust.
3rd, sa isang container, pagsamasamahin ang 5 pakete ng cream o, 1/2 cup condensed milk at 1/4 cup butter. Ilagay ulit ito sa ibabaw ng graham cracker mixture na nasa unang container.
4th, Haluin ang 1 cup condensed milk at 1 pack all purpose cream. Haluin ito hanggang sa lumapot ng todo. Pagkatapos, ilagay sa ibabaw ng unang container.
5th, lagyan ng chocolate chips ang cake. Chilled overnight.
Kung nais mong makita ang buong actual recipe, i-click lamang ito.
4. Fifty Shades of Chocolate Cheesecake
By: Joy Ajero
No bake cake recipe Philippines | Image from Joy Ajero
Ingredients:
- chocolate oreo
- all purpose cream
- cream cheese
- butter
- chocolate
- condensed milk
Procedures:
1st, durugin ang oreo biscuit. At magpatunaw ng butter sa kawali.
2nd, sa isang container, ilagay ang dinurog na oreo at butter. Haluin ito at i-press sa lagayan. Ito ang magsisilbing crust.
3rd, haluin ang all purpose cream hanggang sa magdoble ang volume nito. Haluin din ang cream cheese sa iabng lagayan.
4th, tunawin ang chocolate at lagyan ng 2 tbs ng all purpose cream. Haluin.
5th, sa isang lagayan, pagsama samahin ang cream cheese, 3/4 all purpose cream at 1/4 cup condensed milk. Haluin ito ng maraming beses hanggang sa mag doble ang volume.
6th, ilagay ang cream cheese mixture sa ibabaw ng pinalamig na crushed oreo. Gamit ang tirang cream cheese mixture at tinunaw na chocolate, ipaghati ito sa dalawa. Kailangan ang isa ay darker color at ang isa ay mocha. Tantsahin ang mixture.
7th, gamit ang darker color, i-spread ito sa kabuuan ng cake. Samantalang ang mocha naman ay gawing icing ng cake.
8th, gamit ang tirang dinurog na chocolate, ipalibot ito sa cake base sa nais na desenyo.
Kung nais mong makita ang buong actual recipe, i-click lamang ito.
5. Super moist chocolate cake
By: Neri’s kitchen
Ingredients:
- 1 cup all purpose flour
- 1 tsp baking powder
- vanilla essense
- 1 tsp baking soda
- 1/3 cup cocoa powder
- 1 cup white sugar
- 1/2 tsp salt
- 2 eggs
- 1/2 full cream milk
- 1 tsp instant coffee
- 1/3 cup hot water
- 1 tbsp distilled vinegar
Procedures:
1st, sa isang bowl, haluin ang 1 cup all purpose flour, 1/3 cup cocoa powder, 1 tsp baking powder, 1 tsp baking soda, 1/2 tsp salt at cup of white sugar.
2nd, maglagay ng dalawang itlog, vanilla essense at full cream milk dito. Haluin ng mabuti hanggang sa maghalo na ang mga sangkap.
3rd, sa isang bowl, tunawin ang 1 tsp instant coffee gamit ang mainit na tubig at ihalo ito sa unang mixture. Dagdagan ito ng distilled vinegar. Haluin ulit ng mabuti.
4th, sa ilagay ang mixture sa isang metal container. Takpan ito ng foil.
5th, I-steam ng 50 minutes.
6th, para sa frosting, haluin ang 1 cup full milk cream, 1/2 cup white sugar, 1/8 cup all purpose cream, 1/3 cup cocoa powder sa isang bowl. Pagkatapos, dagdagan ito ng 1/4 cup all purpose flour.
7th, salain ang chocolate frosting mixture para masiguradong walang buo buo.
8th, painitin ito ng 5 minutes sa isang pan, medium heat. Dagdagan ng 2 tbsp butter.. Haluin ulit hanggang sa lumapot ito.
9th, kunin ang pinalamig na cake at ilagay dito ang ginawang chocolate frosting. Enjoy the sweetness!
Kung nais mong makita ang buong actual recipe, i-click lamang ito.
Ikaw ba ay may quarantine recipe din? I-share mo naman ‘yan!
BASAHIN: Pinoy quarantine recipes na may murang ingredients at madaling gawin
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!