Ngayong Enhanced Community Quarantine, lahat ng tao ay nasa kanya-kanyang mga bahay. Lahat ay may spare time para sa mga bagay-bagay. Ang iba ay nakatapos na ng ilang episode ng K-drama, may iba rin na naging instant celebrity sa TikTok. Pero dahil extended ang quarantine, hindi malabong mauubusan talaga ang bawat isa ng mga gagawin. Kaya naman narito ang pinoy trending recipes ngayong quarantine na talaga namang pasok na pasok sa budget mo.
Ang mga recipes na ito ay mula sa ating mga creative netizens na nakagawa ng snacks sa mga ingredients na mabibili sa tindahan at makikita lamang sa inyong kusina!
Pinoy affordable trending recipes ngayong quarantine
Maaari mo itong gawin pampalipas oras o kaya naman maging merienda habang nanonood ng kdrama!
1. Dalgona Coffee
Isa ang Dalgona Coffee ang in na in ngayon. Bukod kasi sa charisma ng kape, sobrang dali lang din nitong gawin! Ang Dalgona ay unang nagmula sa South Korea matapos itong gawin ng isang celebrity. Agad din itong nagtrend lalo na sa TikTok. Paano nga ba gumawa nito?
Pinoy Quarantine recipes | Image from Unsplash
Ingredients:
- 2 tablespoons instant coffee
- 2 tablespoons sugar
- hot water
- fresh milk
1st step: Sa isang bowl, ilagay ang kape, asukal at mainit na tubig. Tandaan na ‘wag masyadong damihan ang tubig.
2nd step: Tyaga ang dapat ugaliin dito dahil kailangan mong haluin ng maraming beses ang kape (4000 times!) Pwede ka nang tumigil sa paghahalo kapag naging foamy na ang kape.
3rd step: Maglagay ng gatas sa isang baso. Pagkatapos, ilagay ang ginawang coffee foam sa ibabaw ng gatas. Serve cold.
2. Souffle Egg Omelette
Perfect naman ang Souffle Egg Omelette na ito bilang snack or pwede mo ding ulam sa umaga!
Ingredients:
Pinoy Quarantine recipes | Image from Nino’s Home on Youtube
1st step: Ihiwalay ang puti ng itlog at egg yolk.
2nd step: Gamit ang puti ng itlog, haluin ito ng maraming beses hanggang sa maging foam.
3rd step: Saka na ilagay ang egg yolk. Lagyan din ito ng asin at durog na paminta para pandagdag ng lasa.
4th step: Haluin ulit ito hanggang sa maghalo na ang egg yolk at foam.
5th step: Sa isang pan, magpatunaw ng butter at ilagay ang itlog dito. Hinaan lang ang apoy at takpan ito.
6th step: Kung sa tingin mo ay luto na, dahan dahan itong ilipat sa plato. Serve hot.
3. Cremé Brûlée
Kung ikaw ay mahilig sa sweet at deserts, taman-tama lang sa panlasa mo ang Cremé Brûlée! Good news dahil madali lamang itong gawin!
Ingredients:
- Melted vanilla ice cream
- 1 egg yolk
- sugar and salt
Pinoy Quarantine recipes | Image from Tasty on Youtube
1st step: Tunawin ang ice cream sa isang maliit na lagayan. Mas maganda kung vanilla flavor ito.
2st step: Isamang ilagay ang egg yolk, salt, sugar dito.
3rd step: Pagkatapos mahalo, ilagay ito sa mainit na tubig na nasa isang bowl ng 45 minutes. (Iwasang malagyan ng tubig ang Cremé Brûlée!)
4th step: Kumuha naman ng isang malinis na pan at tunawin ang asukal dito hanggang sa mag caramelized.
5th step: Kunin ang binabad sa mainit na tubig na Cremé Brûlée at ilagay ang caramelized sugar sa ibabaw.
4. Tuna pie
Isa ka ba sa mga nagcecrave sa tuna pie pero hindi makabili dahil lockdown? Don’t worry dahil you can do it by yourself naman!
Ingredients:
- Canned tuna
- Mayonnaise
- Onion
- Sliced Bread
- Pepper
- Cheese
1st step: Sa isang bowl, ilagay ang canned tuna, mayonnaise, cheese at onion. Haluin ito at dagdagan ng paminta.
2nd step: Gamit naman ang sliced bread, tupiin ito at ilagay ang ginawang tuna sa loob. Siguraduhin lang na hindi lalabas ang tuna sa tinapay. Maaaring gumamit ng tinidor upang masiguradong mailock ang bawat gilid ng tinapay.
3rd step: Prituhin ito. Serve hot.
Kung gusto mong makita ang actual picture ng recipe, pindutin lamang ito.
5. Homemade Pizza
Sobrang affordable at dali lamang gawin ng Homemade pizza na ito. Ang maganda pa dito, hindi mo na kailangan ng oven para makagawa!
Ingredients:
- sliced bread
- hotdog
- ham
- tomato sauce
- onion
- cheese
- pineapple chunks
1st step: Sa isang sliced bread, lagyan ito ng tomato sauce. Isama na din ang mga toppings katulad ng ham, onion, hotdog, cheese at pineapple.
2nd step: Matapos itong gawin, ilagay ito sa isang kawali. Siguraduhin lamang na mahina ang apoy at may takip ito.
3rd step: Kung kayo naman ay may oven, maaari mo itong i-bake sa loob ng 5 minutes. Serve hot.
Kung gusto mong makita ang actual picture ng recipe, pindutin lamang ito.
6. Cheese Mango Pie
Sino ba namang hindi makakamiss sa mango pie? Narito ang abot kayang Cheese mango pie recipe na maaari mong gawin!
Ingredients:
- sliced bread
- mango chunks
- lemon
- egg
- breadcrumbs
Pinoy Quarantine recipes | Image from Valencia Fashionatics on Facebook
1st step: Gamit ang rolling pin, i-flatten ang loaf bread.
2nd step: Sa isang pan, lutuin ng marahan ang mangga hanggang sa ito ay maging jam. Lagyan din ng ito ng lemon.
3rd step: Ilagay sa gitna ng tinapay ang mango jam at cheese.
4th step: Dahan-dahang itupi ito. Idiin lamang ang bawat side ng tinapay gamit ang tinidor na magsisilbing lock.
5th step: Pagkatapos, i-dip ito sa itlog at breadcrumbs.
6th step: Prituhin!
Kung gusto mong makita ang actual picture ng recipe, pindutin lamang ito.
7. Fudgee bar ice cream cake
Cake + ice cream in 1? Posible ‘yan!
Ingredients:
- 5 Fudgee bar
- condense milk
- all purpose cream
1st step: Paghalu-haluin lamang sa iisang container ang condense milk at all purpose cream.
2nd step: Durugin ang fudgee bar at ilagay ito sa ibabaw ng pinaghalong condense milk at all purpose cream.
3rd step: Palamigin ito magdamag sa ref.
4th step: Serve cold.
Kung gusto mong makita ang actual picture ng recipe, pindutin lamang ito.
8. Potato Cheese Ball
Ingredients:
- cheese
- potato
- bread crumbs
Pinoy Quarantine recipes | Image from Bunny Duenas on Facebook
1st step: Pakuluan ang patatas sa mainit na tubig hanggang sa lumambot.
2nd step: Pakatapos, balatan ang papatas at saka durugin ito. Lagyan din ng kaunting asin at paminta para sa pampalasa.
3rd step: Kumuha ng isang maliit na dakot at ilagay ang cheese cube dito. Ipabilog ito hanggang sa magmukhang maliit na bola.
4th step: Ipagulong sa breadcrumbs at saka iprito.
5th step: Serve hot.
Kung gusto mong makita ang actual picture ng recipe, pindutin lamang ito.
9. Shawarma
Ingredients:
- pita bread
- ground beef
- cheese
- mayonnaise
- tomato
- onion
- cucumber
1st step: I-saute ang ground beef. Lagyan ito ng paminta, toyo at asin.
2nd step: Hiwain ang mga gulay (kamatis, sibuyas, pipino)
3rd step: Ilagay ang mga ingredients sa pita bread. Lagyan rin ng cheese para mas malasa!
Kung gusto mong makita ang actual picture ng recipe, pindutin lamang ito.
10. Mango Tapioca
Ingredients:
- Mango
- Sago
- 2 all purpose cream
- 2 evap milk
- condensed milk
- white sugar
Pinoy Quarantine recipes | Image from thefoodietherapy
1st step: Sa isang malaking bowl, paghalu-haluin lang mga mga ingredients.
2nd step: Pagkatapos, ilagay ito sa isang bote. Enjoy!
Ikaw ba mommy? May recipe ka ba ngayong quarantine? I-share mo naman ‘yan!
BASAHIN: 1 Month Meal Plan Recipe Ideas: Maghanda ng healthy food para sa iyong pamilya
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!