X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Becoming a Parent
    • Trying to Conceive
    • Pregnancy
    • Delivery
    • Losing a Baby
    • Project Sidekicks
  • Ages & Stages
    • Baby
    • Toddler Years
    • Preschool Age
    • Kids
    • Preteen & Teen
  • Parenting
    • Parent's Guide
    • News
    • Relationship & Sex
  • Health & Wellness
    • Diseases & Injuries
    • Allergies & Conditions
    • Vaccinations
  • Education
    • Preschool
    • K-12
    • Special Education Needs
  • Lifestyle Section
    • Celebrities
    • Contests & Promotions
    • Home
    • Travel and Leisure
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Money
  • Become a VIP
  • COVID-19
  • Press Room
  • TAP Recommends
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

11-buwang gulang na sanggol, pinagsamantalahan

13 Nov, 2018
11-buwang gulang na sanggol, pinagsamantalahan

Rest in peace, little angel...

Ikinagalit ng mga netizens ang pagkamatay ng labing-isang buwan na babaeng sanggol na ginahasa ng asawa ng kaniyang babysitter.

Ginahasa si Baby Zara

Ayon sa report ng Channel NewsAsia, ang babaeng sanggol na si Nur Muazara Ulfa Muhammad Zainal o Zara kung tawagin ng kaniyang magulang ay namatay noong Sabado, November 10, pagtapos ng dalawang araw sa kritikal na kondisyon sa Serdang Hospital, Malaysia.

Ayon sa hepe ng Kajang Police na si ACP Ahmand Dzaffir Mohd Yussof, ang mga magulang ni Zara na sina Noraihan Ab Aziz, 22 at Muhammad Zainal Abduk Rahaman, 27, ay nakatira sa parehong housing estate na tinitirhan ng kanilang babysitter.

Dinadala at ‘pinapaalagaan raw mula pa noong Setyembre sa naturang baby-sitter si Zara. At nitong ika-pito lang ng Nobyembre, malusog daw na iniwan, gaya ng dati, ng kaniyang mga magulang si Zara. Ngunit nang kinahapunan ay sinugod daw ito sa ospital dahil sa hirap sa paghinga.

Ayon sa mga pagsusuri, lumabas na hinalay si Zara sa nakitang punit sa kaniyang hymen at gano’n din sa butas ng kaniyang puwet.

Ayon naman sa resulta ng post-mortem report ng Serdang Hospital Pathology Department lumabas na ang ultimate cause of death ni Zara ay ang malakas na impact sa kaniyang ulo na nagresulta ng pagkabagok ng kaniyang bungo.

Dahil dito ay inaresto ang babysitter at ang mister nito na huling nakasama ni Zara. Nag-positibo sa paggamit methamphetamine (shabu) ang mister ng babysitter—na siyang pangunahing suspek sa panggagahasa.

Hustisya para kay Baby Zara

Dahil dito umapaw ang pakikiramay at galit ng mga netizens sa sinapit ni Zara at ng isa pang sanggol. Hinihiling nila sa gobyerno ng Malaysia na mabigyan ng mabigat na parusa ang gumawa nito sa kanila.

Ang iba naman ay hinihinging pag-isipan muna ng Malaysian government ang pag-aalis ng death sentence na nararapat sa mga kriminal na gumagawa ng ganitong uri ng krimen.

Ayon sa ina ni Zara na si Noraihana na isang factory worker, nag-iwan ng napakalaking sugat sa kanilang pamilya ang pagkawala ni Zara lalo na sa apat na taong gulang na kapatid nito na hindi pa maintindihan ang biglaan pagkawala ng kaniyang bunsong kapatid.

Inalala niya habang umiiyak ang huling beses na nakita niya si Zara sa ospital na kritikal na ang kundisyon.

“Sabi ng caretaker tumawag siya sa sakin ng limang beses pero hindi niya ako makontak dahil out of coverage ako. Pagdating ko sa ospital nakita ko ang caretaker na lungkot na lungkot, samantalang ang asawa niya naman ay kalmado na parang walang nangyari,” pagkwewento niya.

Ayon kay Noraihan, hindi niya personal na kilala ang babysitter ni Zara. Nakita niya lang daw ang post nito sa Facebook na nag-o-offer ng kaniyang babysitting services.

Binisita niya raw muna ang bahay ng babysitter bago niya paalagaan dito si Zara. Wala naman siyang nakitang kahina-hinala at wala rin daw ang asawa ng babysitter doon noong nagpunta siya.

Ngayon, hinihikayat ni Noraihan ang lahat ng mga magulang na maging maingat sa pagpili ng babysitter o child care center na mag-aalaga sa kanilang mga anak.

Batas para sa mga Child Care Centers at caregivers sa Malaysia

Ang mga Child Care Centers sa Malaysia ay kinakailangan ng lisensiya bago mag-operate ngunit marami paring mga babysitting services ang nag-o-ofer ng kanilang serbisyo kahit wala nito. Mas mura kasi ang mga ito kumpara sa mga lisensyado. Ngunit karamihan naman ng mga staff o empleyado ng mga baby-sitter services na ito ay walang background o training sa pag-aalaga ng bata o kahit kaunting kaalaman tungkol sa first aid o pagbibigay ng pangunang lunas.

Dahil mas mura, ito ang nagiging takbuhan ng mga magulang na nagsisimula pa lamang at walang magbabantay sa kanilang mga anak. Bagamat may batas, marapat din na magsagawa ng mga regular na pagsubaysabay at mahigpit na pagpapatupad nito para maiwasan ang tulad ng nangyari kay Zara.

 

Isinalin mula sa wikang Ingles ni Irish Manlapaz

Basahin:

68-anyos na lalaki, ginahasa ang isang 11-month old baby

7 Taong gulang na batang babae, ginahasa sa banyo ng restaurant!

Partner Stories
Parents, here's what you should do when your child sees you and your spouse fighting
Parents, here's what you should do when your child sees you and your spouse fighting
#SendLoveWithBebeBata
#SendLoveWithBebeBata
13 Must-haves for Your Online Baby Checkout Checklist
13 Must-haves for Your Online Baby Checkout Checklist
This Mommy Welfare Month, Absolute Gives Back The Love to Moms #SelfLoveIsBabyLove
This Mommy Welfare Month, Absolute Gives Back The Love to Moms #SelfLoveIsBabyLove

Got a parenting concern? Read articles or ask away and get instant answers on our app. Download theAsianparent Community on iOS or Android now!

img
Written by

Nalika Unantenne

Become a Contributor

  • Home
  • /
  • News
  • /
  • 11-buwang gulang na sanggol, pinagsamantalahan
Share:
  • Mother and boyfriend tortured son to death because they thought he was gay

    Mother and boyfriend tortured son to death because they thought he was gay

  • Ama sinaktan at binitin patiwarik ang anak

    Ama sinaktan at binitin patiwarik ang anak

  • 6 Things you should never force your child to do

    6 Things you should never force your child to do

  • 10 parenting mistakes kung bakit lumalaking hindi close ang bata sa magulang

    10 parenting mistakes kung bakit lumalaking hindi close ang bata sa magulang

  • Mother and boyfriend tortured son to death because they thought he was gay

    Mother and boyfriend tortured son to death because they thought he was gay

  • Ama sinaktan at binitin patiwarik ang anak

    Ama sinaktan at binitin patiwarik ang anak

  • 6 Things you should never force your child to do

    6 Things you should never force your child to do

  • 10 parenting mistakes kung bakit lumalaking hindi close ang bata sa magulang

    10 parenting mistakes kung bakit lumalaking hindi close ang bata sa magulang

Get advice on your pregnancy and growing baby. Sign up for our newsletter
  • Pregnancy
    • Baby
    • Breastfeeding & Formula
    • Baby Names
    • Delivery
  • Parenting
    • Parent's Guide
    • Advice for Parenting Kids
    • Relationship & Sex
  • Lifestyle Section
    • Local celebs
    • Celebrities
    • Money
    • News
  • FAMILY & HOME
    • Couples
    • Weekend & Holiday Guide
    • Health
  • Building a BakuNation
    • More
      • TAP Community
      • Advertise With Us
      • Contact Us
      • Become a Contributor


    • Singapore flag Singapore
    • Thailand flag Thailand
    • Indonesia flag Indonesia
    • Philippines flag Philippines
    • Malaysia flag Malaysia
    • Sri-Lanka flag Sri Lanka
    • India flag India
    • Vietnam flag Vietnam
    • Australia flag Australia
    • Japan flag Japan
    • Nigeria flag Nigeria
    • Kenya flag Kenya
    © Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
    About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
    • Tools
    • Articles
    • Feed
    • Poll

    We use cookies to ensure you get the best experience. Learn MoreOk, Got it

    We use cookies to ensure you get the best experience. Learn MoreOk, Got it

    theAsianparent heart icon
    Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at update sa pag-aalaga ng baby at kanilang kalusugan.