Nakakapangilabot kapag nakakarinig ng mga babaeng pinagsasamantalahan. Pero mas hindi mawari ng karamihan tuwing may lumalabas na ulat tungkol sa mga ginahasa na baby. Bilang magulang, mapapa-isip ka talaga kung gaano ka-safe ang mundong ito para sa mga anak mo.
Kagaya na lang ng bagong report tungkol sa isang 68-anyos na lalaki na ginahasa ang isang 11-buwan na baby sa Malaysia.
Ipinagkatiwala sa tagapag-alaga
Ipinagkatiwala sa isang babysitter ang 11-buwang gulang na batang babae ng mga magulang nito noong Agosto 20. Regular na araw lang sana ito kung saan aalagaan ng babysitter ang bata habang wala ang mga magulang.
Ayon sa mga ulat, may kailangan lang ayusin ang babysitter na mga papeles patungkol sa tax at insurance kaya kinailangan nitong umalis. Kaya naman pinakiusapan niya ang kaniyang 68-anyos na biyenan na lalaki na si Hashim Karim na bantayan ang bata habang wala siya.
Nang umuwi ang babysitter, nagulat siya nang makita niyang umiiyak ang baby sa kaniyang kuna at may dugo na ito sa damit nito. Nang palitan ng damit at paliguan, nakita ng babysitter na may pagdurugo pa ito.
Inalerto ng babysitter ang mga magulang ng bata na may dugo na rin sa poop ng bata. Doon dinala ang baby sa ospital at napag-alaman ang malagim na nangyari sa baby.
Pagsasamantala
Nang tignan ng duktor ang bata, napag-alaman na nagkaroon ito ng injury dahil may ipinasok na malaki at blunt na bagay sa pwerta nito. Dito na din napag-alaman na inabuso ni Karim ang bata habang wala ang babysitter nito.
Sa korte nag-plead si Karim ng guilty sa kasong isinampa sa kaniya dahil sa ginahasa na baby. Umamin siyang ipinasok niya ang kaniyang daliri sa pwerta ng baby.
Para sa kaniyang krimen, sinentensiyahan lamang siya ng 12 taon na pagkakakulong at dalawang palo ng baston.
Makatarungan ba ang parusa?
Lubos na nakakalungkot ang nangyari sa bata. Sa murang edad na 11-buwang gulang, nakaranas na ang ginahasa na bata ng karahasan sa kamay ng isang lalaking pinagkatiwalaan siya. Ni hindi pa nakakapagsalita o nakakalakad ang walang muwang na bata!
Ngunit ang mas hindi kapani-paniwala ay ang parusang ipinataw sa kriminal—12 taon na pagkakakulong. Matapos ang kaniyang sentensya, makakalabas siya kapag 80-anyos na siya.
Sapat ba ito para sa karumal-dumal na ginawa niya? Patapos na ang kaniyang buhay ngunit pasimula pa lang ang buhay ng bata. Wala pang may alam kung ano ang magiging epekto ng ginawa niya sa kalusugan ng bata at sa pag-iisip nito. Paano din ang mga magulang ng baby at ang epekto ng pangyayari sa kanila?
Nagsisilbi itong babala sa lahat ng magulang na huwag basta-basta ipagkakatiwala ang pinakamamahal na mga anak. Kailangan suriin mabuti ang mga tagapag-alaga sa mga ito.
Source: Channel NewsAsia
*The featured image is a stock photo, and for illustration purposes only
Basahin: 4-buwang gulang na sanggol, ginahasa ng sariling ama
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!