Isa sa pinakakinakatakutan na bagay ng mga magulang ay ang pang-aabuso ng mga bata. Sinong magulang nga naman ang magnanais na mangyari ang karumal-dumal na bagay sa kaniyang anak?
Kaya’t ganun na lang ang galit ng isang ina nang mahuli niyang ginagahasa ng kaniyang kinakasama ang sarili nilang anak. Ayon sa ina, kaya raw ito nagawa ng suspek ay dahil tumanggi siyang makipagtalik dito.
Pang-aabuso ng bata, dapat nang wakasan
Sinabi ng ina sa mga awtoridad na inaya daw siya ng lalaking kaniyang kinakasama na makipagtalik noong mga alas-6 ng gabi. Ngunit dahil pagod, tumanggi raw siya sa alok ng kasintahan.
Nagising raw siya ng madaling araw, bandang alas-4 ng umaga, at iyak raw ng iyak ang kaniyang anak. Nakita raw niyang hinahawakan ng suspek ang maselang bahagi ng kanilang anak. Aniya, sabi sa kaniya ng suspek na bahala raw sila sa kanilang buhay kapag siya ay nagsumbong.
Dahil sa takot, lumuwas ang ina kasama ang kaniyang sanggol papuntang Maynila galing Tarlac. Nagsampa na rin ng kaso ang ina laban sa suspek, at paglaon ay pinaghahanap na ng mga pulis.
Namatay ang suspek nang ito ay manlaban
Noong Linggo lang ay nakipagkita raw ang suspek sa mga pulis ng Gerona, Tarlac. Noong una raw ay maayos nilang nakakausap ang suspek, ngunit nang malaman nito na kinasuhan pala siya ng kaniyang kinakasama, bigla raw itong nagalit.
Dahil dito, isinakay na sa police mobile ang suspek, dahil nagwawala na raw ito. Ngunit bigla raw nitong sinubukang mang-agaw ng baril, at dahil dito pinaputukan ng mga awtoridad.
Sinubukan pang sagipin ang suspek, ngunit pagdating raw sa ospital ay binawian na ito ng buhay.
Ayon naman sa pamilya ng suspek, hindi raw sila naniniwalang nanlaban ang lalake. Tingin din nila na hindi raw totoo ang naging paratang ng ina ng bata tungkol sa panggagahasang ginawa ng suspek.
Paano mapipigilan ang pang-aabuso ng bata?
Napakahirap intindihin kung bakit nagagawa ng ilang mga tao ang ganitong klaseng krimen. Ngunit mahirap rin namang balewalain ang ganitong mga insidente, at pabayaan ang kaligtasan ng sanggol. Kaya’t mahalagang alamin ng mga magulang kung ano ang kanilang magagawa para palaging safe ang kanilang mga anak.
Heto ang ilang mga tips na dapat tandaan ng mga magulang.
- Hindi angkop na pag-gamit ng mga laruan o ibang mga bagay
- Hindi makatulog o di kaya’y nagkakaroon ng bangungot
- Nagtatago ng sikreto
- Nakaka-ihi sa kama
- Kapag may bagong mga salita na alam ang bata patungkol sa mga parte ng katawan—ngunit hindi niya masabi kung saan niya ito natutunan
- Hindi pumapayag na maiwan kasama ang isang specific na tao
- Sinasaktan ang sarili
- Hindi maipaliwanag na pagbabago ng ugali o mood
Kapag napapansin ang mga senyales na ito sa bata, mabuting kausapin silang mabuti kung ano ang sanhi nito. Maaari ring kumonsulta sa isang psychiatrist upang maintindihan mabuti ang nangyayari.
Source: GMA
Basahin: 8-buwang gulang na sanggol, ginahasa
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!