Importante sa mga magulang ang kaligtasan ng sanggol. Siyempre, dahil mahal na mahal nila ang kanilang mga anak, hindi nila hahayaang may masamang mangyari sa mga ito. Sa katotohanan, lahat ay gagawin ng mga magulang para sa kanilang mga anak.
Ngunit gayun na lang ang lungkot ng isang ina dahil sa kalunos-lunos na sinapit ng kaniyang 8-buwang gulang na anak. Ito ay dahil naging biktima ng panggagahasa ang kaniyang anak, at siya pa mismo ang nakakita sa karumal-dumal na pangyayari.
8-buwang gulang na sanggol, ginahasa ng construction worker
Ayon sa ina ng sanggol, natutulog raw silang mag-ina sa kalye noong nangyari ang krimen. Mga nasa alas-5 raw ng umaga noon, at narinig niya ang kaniyang sanggol na bigla na lang umiyak. Paggising ay nakita niya ang suspek na si Benedicto Dizon, isang 22-anyos na construction worker, na nakapatong sa kaniyang anak.
Nang makita ng suspek na nagising ang ina, ay dali-dali itong tumakbo. Dahil sa nangyari, nagpunta agad sa pulisya ang ina, at sumailalim sa pagsusuri sa medico legal ang kaniyang anak. Dito natagpuan nga na biktima ng panggagahasa ang sanggol, dahil sa mga sugat sa ari nito.
Agad namang nadakip ng mga pulis ang suspek, at kakasuhan ito ng paglabag sa Rape Law, at sa Sexual Abuse law.
Nanlaban raw ang suspek, at namatay
Matapos madala sa kulungan ay nagreklamo ang suspek na masakit ang kaniyang ulo at nahihirapang huminga. Dahil dito, dinala siya ng isang pulis sa opisina ng station commander kung saan inalok daw ng kape ng commander ang suspek.
Tinanggalan niya ito ng posas upang makainom ng maayos, ngunit bigla na lang daw nitong sinubukang agawin ang kaniyang baril. Sa kabutihang palad, walang natamaan ang suspek nang magpaputok ng baril, at nabaril siya ng station commander.
Dinala agad sa ospital ang suspek, ngunit dineklara na itong dead on arrival.
Paano masisigurado ang kaligtasan ng sanggol?
Napakahirap intindihin kung bakit nagagawa ng ilang mga tao ang ganitong klaseng krimen. Ngunit mahirap rin namang balewalain ang ganitong mga insidente, at pabayaan ang kaligtasan ng sanggol. Kaya’t mahalagang alamin ng mga magulang kung ano ang kanilang magagawa para palaging safe ang kanilang mga anak.
Heto ang ilang mga tips na dapat tandaan ng mga magulang.
- Hindi angkop na pag-gamit ng mga laruan o ibang mga bagay
- Hindi makatulog o di kaya’y nagkakaroon ng bangungot
- Nagtatago ng sikreto
- Nakaka-ihi sa kama
- Kapag may bagong mga salita na alam ang bata patungkol sa mga parte ng katawan—ngunit hindi niya masabi kung saan niya ito natutunan
- Hindi pumapayag na maiwan kasama ang isang specific na tao
- Sinasaktan ang sarili
- Hindi maipaliwanag na pagbabago ng ugali o mood
Kapag napapansin ang mga senyales na ito sa bata, mabuting kausapin silang mabuti kung ano ang sanhi nito. Maaari ring kumonsulta sa isang psychiatrist upang maintindihan mabuti ang nangyayari.
Source: Abante
Basahin: Babaeng desperadong magkaanak, nangidnap ng sanggol
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!