X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Dalagita, ginawang sex slave ng sariling ama sa loob ng tatlong taon

3 min read

Kalunus-lunos ang sinapit ng isang 15-anyos na dalagita sa kamay ng kaniyang sariling ama matapos na gahasain at gawing sex slave ng tatay niya sa loob ng tatlong taon.

Nakita ng isa sa mga kapatid ang ginawang panghahalay ng ama kay alyas “Carla” at agad na nagsumbong sa kanilang ina. Humingi ng tulong ang ina sa pulisya at nasagip si Carla ng mga otoridad.

Inaresto naman ang kaniyang tatay na si alyas “Rogelio” at kasalukuyang nakapiit sa Tondo, Manila.

sex slave ng tatay

Image source: Shutterstock

Sex slave ng tatay sa loob ng tatlong taon

Isinalaysay ni Carla ang nangyari sa kanya. Kuwento niya, nagsimula umano siyang halayin ng kaniyang tatay noong 13-anyos pa lamang siya.

Simula noon ay halos araw-araw na raw siyang ginagahasa. 

“Huwag daw po ako magsusumbong [dahil] papatayin daw niya ako,” ayon sa biktima.

Inamin naman ng 51-anyos na suspek na si Rogelio ang ginawa sa kaniyang anak. Lasing lang umano siya nang gawin iyon kay Carla.

“Totoo yung sinabi niya kaya lang naka-inom lang ako noon,” pag-amin niya.

Sukdulan naman ang galit ng ina ni Carla na si alyas “Merly” nang malaman ang panggagahasa ng kaniyang dating kinakasama sa kanilang anak.

Ayon kay Merly, taong 2013 pa nang maghiwalay sila ni Rogelio ngunit naging maayos naman ang kanilang naging relasyon pagkatapos noon. Pumayag pa siyang tumira ang kanilang apat na anak kay Rogelio upang magabayan ng ama.

“Nagtiwala ako sa kaniya para mapaayos ang bata, hindi mapariwara, ‘yon pala may ginagawa na,” ani Merly.

Nahaharap ngayon sa kasong rape si Rogelio habang patuloy pang inaalam ng pulisya kung ginawan din niya ng kahalayan ang iba pang anak na babae.

Samantala, si Merly na ang mangangalaga sa kanilang mga anak. Isasailalim naman si Carla sa counselling at stress debriefing ng Department of Social Welfare and Development.

Paano malalaman ang senyales ng sekswal na pang-aabuso sa bata?

Ang mga batang sekswal na inabuso ay malamang na hindi makipag-usap tungkol sa mga nangyayari sa kanila dahil ikinahihiya nila ito. Maaari rin na sila ay pinagbabantaan ng umaabuso sa kanila o sila ay bine-brainwash upang manahimik sila. Kaya paano mo malalaman ang mga senyales ng sekswal na pang-aabuso sa bata?

Narito ang ilang senyales na dapat mong bantayan.

sex slave ng tatay

Image source: Shutterstock

Mga senyales ng sekswal na pang-aabuso sa bata:

  1. Biglaang pagbabago sa pag-uugali. Kung napansin mong umuurong, masyadong clingy o biglang nagiging agresibo ang bata, ito ay isa ng senyales. Maaari rin silang maghirapan sa pagtulog, hindi napipigilang maihi sa higaan, o nagkakaroon ng masasamang panaginip.
  2. Iniiwasan ang taong nang-abuso sa kanila. Ang bata ay maaaring magsimulang magpakita ng pagkamuhi sa taong umabuso sa kanila o natatakot sa isang partikular na tao at umiiwas silang makasama ito.
  3. Malaswang pag-uugali. Ang mga batang inabuso ay maaaring magsimulang gumamit ng mga malalaswang salita o magpakita ng kalaswaan sa iba.
  4. Nagbibigay ng mga palatandaan. Ang ilang bata ay maaaring magbigay ng ilang palatandaan na sila ay naaabuso. Maaaring ang iba sa kanila ay magsabi ng totoo sa iyo. Mahalagang imbestigahan at huwag ipawalang-saysay ang anumang sinasabi ng bata.

 

Partner Stories
4 Important Things To Remember When Bathing Your Newborn
4 Important Things To Remember When Bathing Your Newborn
Why You Need an Air Purifier
Why You Need an Air Purifier
AIA Philam Life introduces product for children
AIA Philam Life introduces product for children
Our families deserve galing at alaga. Here are 8 simple ways to do it
Our families deserve galing at alaga. Here are 8 simple ways to do it

Source: ABS-CBN

BASAHIN: Why moms and dads need to talk to their kids about sexual harassment

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Yddette Civ Alonzo-Cruz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Balita
  • /
  • Dalagita, ginawang sex slave ng sariling ama sa loob ng tatlong taon
Share:
  • 14-anyos na dalaga ginawang sex slave ng mag-ama sa loob ng anim na taon

    14-anyos na dalaga ginawang sex slave ng mag-ama sa loob ng anim na taon

  • Isang taong gulang na bata nakunan sa CCTV na sinasaktan ng yaya

    Isang taong gulang na bata nakunan sa CCTV na sinasaktan ng yaya

  • REAL STORIES: "My mother-in-law won't let me be a mother to my own child."

    REAL STORIES: "My mother-in-law won't let me be a mother to my own child."

  • Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”

    Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”

  • 14-anyos na dalaga ginawang sex slave ng mag-ama sa loob ng anim na taon

    14-anyos na dalaga ginawang sex slave ng mag-ama sa loob ng anim na taon

  • Isang taong gulang na bata nakunan sa CCTV na sinasaktan ng yaya

    Isang taong gulang na bata nakunan sa CCTV na sinasaktan ng yaya

  • REAL STORIES: "My mother-in-law won't let me be a mother to my own child."

    REAL STORIES: "My mother-in-law won't let me be a mother to my own child."

  • Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”

    Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.