Misis ni Gloc 9 inalala ang kanilang naging kasal 18 years ago: “Hindi man magarbo ang ating kasal noon, importante masaya tayo.”

Para magkaroon ng long lasting happy relationship, narito ang mga katangiang dapat taglayin ng mag-asawa.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Gloc 9 wife na si Thea Pollisco proud sa mister at sa kanilang naging simpleng kasal noon.

Mababasa sa artikulong ito: 

  • Gloc 9 and wife Thea Pollisco, simple wedding and anniversary.
  • Paano magkaroon ng long-lasting happy relationship ang mag-asawa.

Gloc 9 and wife Thea Pollisco, simple wedding and anniversary

Image from Thea Pollisco’s Facebook account

Nitong March 6 ay nagdiwang ng kanilang wedding anniversary ang rapper na si Gloc 9 o Aristotle Pollisco sa tunay na buhay at kaniyang misis na si Thea Pollisco.

Sa pamamagitan ng isang Facebook post ay nagpahatid ng pagbati si Thea sa mister. Doon niya inalala ang kanilang naging kasal noon.

Ayon kay Thea kahit napakasimple ng kanilang naging kasal 18 years ago, ito naman ay tunay na masaya. Tandang-tanda niya rin kung magkano ang halaga ng suot niyang gown noon na P1500 lang at mas mura ng isang libo sa suot ni Gloc 9 na barong.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Basta kahit 2500 ang barong mo mas mahal pa sa gown ko na 1500 importante masaya tayo at alam natin kung bakit tayo nagdesisyon magpakasal.”

Ito ay naging possible dahil sa kanilang pag-iipon at syempre sa pagmamahalan nila sa isa’t-isa. Kung papipiliin nga raw siya ay si Gloc 9 pa rin ang pipiliin niya. At super proud siya na umabot na sa 18 years ang kanilang pagsasama.

“Lagi ko pagmamalaki ‘yan na hindi man magarbo ang ating kasal noon lahat ‘yan ay galing sa ipon mo. 18 years dad proud ako sa ating dalawa. Ikaw at ikaw lang ang lagi ko pipiliin. Love you .”

Ito ang mensahe ni Thea sa mister na si Gloc 9.

Si Thea at si Gloc 9 ay mayroon tatlong anak. Ito ay ang kambal na sina Sean Daniel at Danielle Shaun at ang bunso nilang anak na si Savannah.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Gloc 9 with wife and kids/ Image from Thea Pollisco’s Facebook account

BASAHIN:

Anna Vicente kinailangang iwanan ang twins sa NICU: “It was really challenging, painful, amazing and everything in between”

Philmar noong nagsisimula ang relasyon nila ni Andi: “Hindi tayo bagay. People don’t like us to be together because taga-isla lang ako.”

Nadine Samonte nang sabihan ng doktor na hindi na magkakaanak: “Lumuhod talaga ako sa church.. Grabe iyak ko nun.”

Paano magkaroon ng long-lasting happy relationship ang mag-asawa

Para magkaroon ng long-lasting happy relationship ang mag-asawa, narito na ang mga katangian na kailangan nilang taglayin.

Pagtitiwala sa isa’t isa

Ang pagkakaroon ng tiwala ang pinakaimportanteng katangian ng isang magandang relasyon, Kapag wala ito ay wala rin ang matibay na pundasyon na bubuo sa isang pagmamahalan.

Ang pagkawala rin ng tiwala sa iyong partner ay magiging dahilan sayo upang kwestyunin ang iyong kasiguraduhan sa pagsasama. Dito ay madalas kang maghihinala na kinalaunan ay mag-uugat ng isang problema na makakasakit sa iyo at sa iyong partner.

Komunikasyon

Walang relasyon ang perpekto. Lahat ay dadaan sa pagsubok o makakaranas ng conflicts na dapat harapin ng magkarelasyon ng magkasama. Ngunit para masolusyonan at maharap ng maayos ang mga conflicts na ito ay kailangan ng komunikasyon.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa pamamagitan nito ay masasabi mo sa iyong partner ang iyong opinyon o nararamdaman at maitatama ang anumang pagkakamali na hindi ninyo namamalayan.

Ang pagkakaroon rin ng consistent at honest communication sa iyong partner ay mas magpapatibay ng inyong pagsasama dahil sa ganitong paraan ay naipapakita mo ang pagmamahal sa kaniya at mas tumitibay ang inyong tiwala sa isa’t-isa.

Pasensya

Mahirap manatiling pasensyoso o pasensyosa lalo na kung ikaw ay pagod, puyat at maraming kinakaharap na problema. Ngunit para mapatagal ang isang relasyon ay kailangan mong mas habaan ang iyong pasensya sa iyong partner at sa inyong pagsasama.

Sapagkat ang pagkawala ng pasensya ay maaring makapagdulot ng pagtatalo na maaring mag-ugat sa mas maalim na problema. Ito rin ay maaaring maging dahilan upang isipin mo na nagkamali ka sa taong pinili at ang inyong relasyon ay isang malaking pagkakamali.

Empathy

Ang pagpapakita ng empathy o pakikibahagi sa lahat ng pinagdaraanan ng iyong karelasyon ay importante rin sa isang pagsasama. Sa pamamagitan ng pagkakaroon ng empathy ay napaparamdam mo ang iyong pag-aala at pagmamahal sa iyong partner.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang pakikinig din o paglalagay sa sarili mo sa posisyon ng iyong partner ay isang mabisang paraan upang iyong maintindihan ang kaniyang nararamdaman.

Sa ganitong paraan ay mababawasan ang inyong hindi pagkakaintindihan at mapipigilan ang pagkabuo ng mga conflicts sa inyong relasyon.

Asian couple photo created by jcomp – www.freepik.com 

Affection at interest

Ang pagpapakita ng iyong affection o interest sa iyong karelasyon ay napakaimportante rin upang mas lalong tumibay ang inyong pagsasama.

Ika nga action speaks louder than words. Kaya ang mga simple physical gestures gaya ng yakap, paghalik at comforting touch ay isang magandang paraan para maparamdam sa iyong partner ang iyong pagmamahal.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa ganitong paraan rin ay naipapakita mo na secure at comforted ang partner mo sa relasyon ninyo. Ang pagpapakita rin ng interest sa iyong partner ay isang paraan para mas maiparamdam mo sa kaniya ang iyong appreciation sa kaniyang presence sa inyong pagsasama.

Give and take relationship

Ang isang magandang relasyon ay dapat may mutual understanding o may give and take relationship. Hindi dapat isa lang ang palaging nag-aadjust o nagigive way para sa pagsasama.

Dapat ay parehong flexible sa mga pagbabago ang dalawang magkapartner upang mabalanse nila ang isang relasyon. Dahil ang isang magkapartner ay dapat willing mag-meet sa iisang path ng magkasama para matulungan at maalalayan ang isa’t isa.

Respeto

Napakaimportante rin ng respeto sa isang pagsasama. Sa pakikipagusap sa iyong partner dapat ay iwasan mong maliitin o hamakin ang kaniyang pagkatao o ‘di kaya naman aya ng pagsasabi ng mga salitang makakasakit sa kaniya.

Dapat ay maapreciate mo siya kung sino siya at tanggapin ang maliliit na pagkakamali niya. Dapat din ay irespeto niyo ang oras at opinyon ng isa’t isa. Kahit kayo ay magkarelasyon dapat ay mayroon parin kayong privacy at respeto sa space ng bawat isa.

Individuality

Madalas sa ang isang relasyon ay mas nagiging matibay kung mayroon kayong similarities ng iyong partner. Ngunit ang mga individual differences ay dapat ding respetuhin at pahalagan.

Bagama’t nasa loob kayo ng isang relasyon,dapat pa rin na magkaroon ng freedom ang isa’t isa na gawin ang mga bagay na gusto nila para sa self-satisfaction at achievement gaya ng pagpili ng kaibigan, profession at ng iba pa.

Ang importante ay lagi kang nakasuporta at handang respetuhin ang individuality at boundaries ng bawat isa.

Kung i-aapply ang mga katangian at tips ng magandang relasyon na ito ay siguradong magtatagal at titibay ang inyong relasyon. Dahil higit sa pagmamahal, ang mga bagay na ito ang dapat na tinataglay ng bawat pagsasama.