Nadine Samonte napaluhod sa simbahan at nag-iiyak ng sabihin noon sa kaniya ng doktor na hindi na siya magkakaanak dahil sa sakit na PCOS at APAS. Pero si Nadine ngayon happy mom of three na siya.
Mababasa sa artikulong ito:
- Ang reaksyon ni Nadine Samonte ng malamang hindi na siya magkakaanak ng dahil sa sakit na PCOS at APAS.
- Anong ginawa ni Nadine para hindi maging hadlang ang sakit niya sa pagkakaroon ng anak.
Nadine Samonte PCOS at APAS journey
Sa kaniyang latest Instagram post ay inalala ng aktres at mom of three na ngayong si Nadine Samonte ang tagpo na kung sinabihan siya noon ng doktor na hindi na siya magkakaanak.
Tampok ang video niya habang pinaliliguan ang bunsong anak na si Harmony sa saliw ng kantang “Amazing Grace (My Chains Are Gone)” ni Chris Tomlin ay ibinahagi ni Nadine ang kaniyang naramdaman ng malaman ang malungkot ang balita. Ayon kay Nadine ay 27-anyos siya noon at labis na gumuho ang kaniyang mundo sa nalaman.
View this post on Instagram
“Everytime kinakanta to sa church I always cry and I remembered nung wala pa ako anak tapos sabi ng doctor ko na hindi ako magkakaanak lumuhod talaga ako sa church while pinapatugtog to and grabe iyak ko nun I was 27 yrs old that time.”
Ito ang sabi ng doktor noon kay Nadine. Dahil sa Nadine ay nagtataglay ng kondisyon na kung tawagin ay APAS at PCOS. Ang mga ito ang ilan sa pangunahing dahilan kung bakit nawawalan ng kakayahan ang isang babae na magbuntis.
Ano ang PCOS at APAS?
Ayon sa Mayo Clinic, ang PCOS o Polycystic ovary syndrome ay isang hormonal disorder na nararanasan ng mga babae. Ang mga babaeng mayroon nito ay maaaring makaranas ng irregular o mahabang menstrual periods.
Sila ay maaaring marami ring male hormone na androgen sa katawan. At ang kanilang ovaries ay maaaring magkaroon ng maraming follicles o collection of fluids na makakaapekto sa pagre-release ng eggs ng kanilang ovaries na nagiging hadlang sa pagbubuntis.
Samantala, ang APAS naman o Antiphospholipid syndrome ay isang immune disorder na kung saan ang katawan ng isang babae ay nagproproduce ng abnormal antibodies na maiuugnay sa pagkakaroon ng abnormal blood clots sa kaniyang ugat.
Ang blood clots na ito ay madalas na nabubuo sa binti ng isang babae. Pero possible rin itong mabuo sa ibang bahagi ng katawan tulad ng kidneys, lungs at iba pang organs.
Ang mga abnormal na antibodies na pinoproduce ng APAS ay sinasabing mas prevalent o marami sa mga babaeng mayroon ring PCOS. Kaya madalas ang isang babaeng may PCOS ay nakakaranas rin ng kondisyon na APAS tulad kay Nadine Samonte.
BASAHIN:
LOOK: Nadine Samonte isinilang na ang pangatlong anak, si Baby Harmony
Nadine Samonte sa maselang pagbubuntis: “I can say I’m one strong Momma here fighting for my babies”
Buong pamilya ni Nadine Samonte kasama ang mag-2 months old baby niyang si Harmony nagpositibo sa COVID!
Paano nagkaanak si Nadine Samonte sa kabila ng karamdaman
Sa kabila ng nalaman ay hindi nawalan ng pag-asa si Nadine na magkaanak. Lalo pa’t nalaman niyang may mga gamot na siyang maaring inumin at procedures na maaaring gawin para matupad pa rin ang kaniyang pangarap.
Sa isa paring Instagram post noon ay ibinahagi ni Nadine ang kaniyang hirap at sakripisyo sa pagbubuntis sa tatlo niyang anak na sina Heather, Titus at Harmony.
Si Nadine kailangang mag-inject at uminom ng sangkatutak na gamot araw-araw maprotektahan lang ang kaniyang pagdadalang-tao.
“Lahat ng Injections, bills, reseta, gamot lahat ng nakapaligid sa akin is the reality of having APAS and PCOS. I love being pregnant kahit mahirap kasi blessing ni Lord ito and I’ll be forever grateful na biniyayaan pa kami ng isa pa.”
Ito ang sabi noon ni Nadine ng ipinagbubuntis ang bunsong si Harmony na tatlong buwan na ngayon.
Larawan mula sa Instagram account ni Nadine Samonte
Sa ngayon ay hindi pa rin makapaniwala si Nadine sa mga nangyari. Dahil sa kabila ng sinabi sa kaniya noon ng doktor na hindi na siya magkakaanak ay nagkaroon pa rin siya ng chance na maging ina sa tatlong bata. Ito daw ay utang niya lahat sa Diyos.
“But now can you imagine i have 3 beautiful kids. Galing lahat to sayo Lord. Binigyn mko ng chance , binigyn mko ng life na hindi ko ineexpect. Salamat po . Salamat 🙏🏻.”
Kaya naman payo niya sa mga mag-asawang naghahangad na magkaanak huwag mawalan ng pag-asa. Dahil tulad niya noon na sinabihang hindi na magkakaanak ay nabibiyayaan pa.
“Kaya mga gusto magkababy ‘wag ka mawawaln ng pagasa . Ibibigay ni Lord sa tamang panahon. Trust the Lord with all your heart.”
Ito ang sabi pa ni Nadine Samonte.
Si Nadine ay kasal sa businessman na si Richard Chua, anak ng batikang aktres na si Isabel Rivas.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!