Nadine Samonte at kaniyang buong pamilya, nagpositibo sa sakit na COVID-19.
Mababasa sa artikulong ito:
- Nadine Samonte and family COVID-19 experience.
- Mga paalala na dapat tandaan tungkol sa sakit na COVID-19
Nadine Samonte at kaniyang pamilya nagpositibo sa COVID-19
Image from Instagram
Patuloy na dumadami ang nahahawa ng sakit na COVID-19. Kahit mga celebrity ay hindi nakakaligtas sa mabilis na pagkalat ng nakakahawang sakit.
Sa kaniyang Instagram stories ay ibinahagi ng aktres na si Nadine Samonte na siya ay nagpositive din sa COVID. Hindi lang siya kung hindi ang kaniyang buong pamilya, kabilang na ang mag-2 months old na baby niyang si Harmony.
Halos isang linggo na ang nakakalipas ng mag-post ang aktres ng black and white na larawan nila ng mister na si Richard Chua kasama ang bagong silang anak nila noon na si Harmony.
Sa caption ng kaniyang post ay sinabi ni Nadine na sila ay nasa grey area pa pero lahat sila ay nasa maayos na sitwasyon ganoon na rin ang kanilang baby na si Harmony.
Bagama’t noon ay hindi niya idinetalye kung ano man ang pinagdadaanan ng kanilang pamilya ay nagpasalamat si Nadine sa Diyos na hindi sila nito pinabayaan lalo na ang mga anak niya. Nagpaabot din siya ng dasal sa lahat ng followers niya at paalalang sana ay lagi silang mag-iingat.
“We are still in the grey area but we are okay. Everyones okay even our little Harmony. Thank you Lord hindi mo kami pinabayaan lalo na mga kids . Salamat. Prayers to everyone. Pls be safe and God Bless!”
Ito ang post noon ni Nadine.
Image from Instagram
Hanggang sa kahapon ay ibinahagi na ni Nadine ang pinagdaanan ng kaniyang pamilya nitong mga nakaraang linggo. Sila pala ay nag-positibo sa sakit na COVID-19. Kahit ang mag-2 months old baby niyang si Harmony ay hindi nakaligtas sa pagkakahawa sa sakit.
Pero ang masayang balita si Nadine at kaniyang pamilya ay negative sa virus. Ito ay ibinahagi niya sa kaniyang Instagram stories kalakip ang larawan ng antigen test na may negative result.
Ayon sa aktres, grabe ang pinagdaanan nila ng kaniyang pamilya. Dahil kahit si baby Harmony ay nahawaan na rin. Mabuti na nga lang umano at mild lang ang sintomas na naranasan nila.
“From positive to negative na yahooo!!!!
“Grabe ang nangyari sa amin. Kaming lahat nag-positive kahit si Harmony buti mild symptoms lang kami ang mga kids naagapan agad.”
Ito ang bahagi ng post ni Nadine na nagbigay pagpapasalamat rin sa bagay ng kanilang doktor at syempre ng Diyos.
Pagbabahagi pa ni Nadine,
“Thank you Lord for everything. We made it. To everyone pls be safe. Thank you Dra. Gonzales for guiding us all the way.”
BASAHIN:
Troy Montero ibinahagi na nagpositibo rin si Aubrey at kanilang mga anak sa COVID: “Not the reunion I was hoping for”
Kris Bernal: “We aren’t planning to have a baby just yet, but we aren’t actively trying to prevent it either”
Kris Aquino on failed relationship: “Iniwan niya ako when I was at my lowest—and ginawa niya yun via text”
Mga paalala kontra sa pagkalat ng COVID-19
Si Nadine at kaniyang pamilya ay isa lamang sa pamilyang Pilipino na tinamaan ng sakit na COVID-19 sa ngayon. Ang mas mabilis na pagkalat ng sakit sa kasalukuyan ay isinisisi sa Omicron isang variant ng COVID-19.
Ito umano ay mas higit na nakakahawa kumpara sa mga nauna ng variants ng sakit. Bagamat ayon sa mga eksperto ay mild lang ang sintomas na dulot nito at halos maihahalintulad lang sa sipon o common colds.
Ang mga sintomas nito ay ang sumusunod:
- Ubo
- Pagkapagod o pananakit ng katawan.
- Barado o tumutulong sipon.
- Sore throat o pananakit ng lalamunan.
- Sakit ng ulo.
Pagdating sa pinakamabisang paraan para makaiwas sa malalang sintomas ng sakit, nangunguna paring ipinapayo ng mga eksperto ang pagpapabakuna.
Ang COVID-19 vaccine ay libreng ibinibigay sa bawat Pilipino. Sa ngayon, inirerekumendang ibigay sa mga bata mula 5-taong gulang hanggang sa mga adults na may malusog na pangangatawan.
Mahigpit na payo pa rin ng mga health experts at authorities panatilihin ang pagsusuot ng mask sa mga matataong lugar. Mabuti rin na laging mag-sanitize ng paligid at mga kamay bago humawak sa mukha.
Ang pag-inom ng vitamins ay nakakatulong para mabigyan ng dagdag resistensya ang katawan mula sa mga sakit. At higit sa lahat ang pagkain ng masusustansyang pagkain at pagpapahinga ay lubos na makakatulong sa pagpapapalakas ng katawan.
Sa oras na makaramdam ng anumang sintomas ng sakit, mas mabuting mag-isolate at mag-quarantine na upang hindi na makahawa pa ng iba.
Source:
Instagram, WHO
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!