Kabilang sa mga kilalang personalidad sa industriya ng showbiz na si Troy Montero at Aubrey Miles, nagpositibo na rin sa COVID. Kasama na rin ang kanilang mga anak sa nagpositibo sa sakit.
Mababasa sa artikulong ito:
- Troy Montero at Aubrey Miles COVID experience
- Ano ang pagkakaiba ng RT-PCR at Antigen test?
Troy Montero at Aubrey Miles COVID experience
Hindi maitatanggi ang patuloy na paglobo ng bilang ng mga tao na nagpositibo sa sakit na COVID pagpasok pa lamang ng unang buwan sa taong 2022.
Patuloy na umaakyat ang bilang ng mga nabibiktima nito. Dahil sa walang pinipili ang sakit na ito, maraming sikat na personalidad sa bansa ang tinamaan din ng COVID.
Kabilang na rito si Troy Montero, Aubrey Miles at kanilang mga anak. Sa isang Instagram post ay ibinahagi ni Troy ang kanilang naging karanasan nang tamaan ng naturang sakit.
Ayon sa kaniya,
“I tested positive for COVID-19 (both RT-PCR & Antigen).”
Larawan mula sa Instagram account ni Troy Montero
Natuklasan niya na siya ay positibo na pala sa sakit nang sumailalim siya sa Antigen test. Ito ay isang paraan upang malaman kung ikaw ba ay may COVID o wala.
Sinabi rin niya sa kaniyang post ang unang mga hakbang na kaniyang ginawa matapos magpositibo sa Antigen test.
Agad umano siyang pumunta sa garahe na kanilang tahanan upang i-set up ang kaniyang ‘little recovery camp,’ at saka nagpa-schedule ng home service na RT-PCR test.
Larawan mula sa Instagram account ni Troy Montero
“This was always our plan, if one of us caught the virus,” pagbabahagi pa niya.
Isa sa mahalagang mga gawin ay ang bumukod o mag-isolate oras na iyong matuklasan na ikaw ay positibo sa ganitong klase ng sakit upang maiwasan ang posibleng pagkakahawahan.
Samantala, sa unang post ni Troy, detalyado niyang ibinahagi mga sintomas na kaniyang naramdaman nang siya ay magpositibo.
Larawan mula sa Instagram account ni Troy Montero
“My Symptoms: Sipon, like a cold, Dry cough, Fever, Splitting headache, Body ache, legs, forearms, my elbow joints, my ribs and hips.
Besides the headache, the body ache for me is the worst feeling. It’s like sitting down but you can never get comfortable. You’re always shifting and moving every few seconds. It’s that painful.”
Sa ika-apat na araw na kaniyang pag-i-isolate ay sinabi niya na patuloy lamang ang kaniyang pag-inom ng mga supplements at gamot na makakatulong para sa kaniyang paggaling.
Kaya naman dahil rito, napansin niyang bumuti ang kaniyang pakiramdam at nagdesisyon patuloy na bumukod hanggang mawala ang mga sintomas ng COVID.
“Btw [By the way] I am fully vaccinated since last July. I was scheduled to have my booster this month,” dagdag pa niya.
BASAHIN:
Ivana Alawi on COVID: “It’s no one’s fault—pero may kasalanan ka kung may symptoms ka tapos lumabas ka or ayaw mong magpa-test.”
Vin Abrenica, Sophie Albert at kanilang baby Avianna nag-positibo rin sa COVID-19
Riva Quenery, Vern Ong at Baby Athena, nag-positive sa COVID
Isang simpleng paalala mula kay Troy Montero na kahit ikaw ay may bakuna na, maaari ka pa rin na tamaan ng sakit na ito. Subalit mahalaga pa rin ang magpabakuna upang hindi makaranas ng mas matinding sintomas mula sa sakit sakaling ikaw ay mag-positibo rin.
Makalipas lamang ang isang araw ay muling nag-post si Troy sa kaniyang Instagram account. At ayon sa kaniya,
“Aubrey & the kids tested positive for COVID today so we’re all back together again. Not the reunion I was hoping for but it is what it is.”
Larawan mula sa Instagram account ni Troy Montero
Gaya ni Troy, si Aubrey Miles at kanilang mga anak ay nakaranas ng ilang mga sintomas na hindi nalalayo sa mga ibinahagi niya. Tulad na lamang ng ubo, sakit sa ulo, pananakit ng katawan, lagnat, at diarrhea.
Samantala, halos lahat ng miyembro ng kaniyang pamilya ay nagpositibo maliban na lamang sa isa pa nilang anak na si Maurie.
Ito ay nagnegatibo sa COVID test kaya naman minabuti nitong pumirmi na lamang mag-isa sa loob na kaniyang kwarto at mag-isolate upang iwasan na mahawa.
Dahil rito, binanggit ni Troy na sila ay mangangailangan ng mas marami pang fluids, vitamins, supplements, paracetamol, at tempra. Ito ay para sa mabilis na paggaling at mabuting proteksyon laban sa sakit.
Samantala, sa isa pang Instagram post ni Troy ibinahagi niya ang kasalukuyang sitwasyon ng kaniyang buong pamilya sa kanilang tahanan.
Larawan mula sa Instagram account ni Troy Montero
Bukod pa rito ay muli siyang nag-iwan ng mahalagang mga paalala para sa mga tao. Lalo’t higit sa kaniyang mga tagasunod at supporters
“Very Important: Don’t forget to follow community quarantine guidelines. Make sure to alert your barangay to record your home isolation and contact tracing. They can also give you barangay clearance once all test negative. Stay safe and take care!”
Ano ang pagkakaiba ng RT-PCR at Antigen test?
Ang COVID-19 Antigen tests ay ginagamit upang malaman kung mayroon bang coronavirus na nakapasok sa iyong katawan o kung ikaw ba ay infected ng naturang virus.
Ito ang unang ginagamit upang i-test ang isang tao sapagkat ang paraan ng paggamit nito ay simple at madali lamang.
Bukod pa rito, mas mabilis na lumalabas ang resulta sa paraang ito, kadalasan ay inaabot lamang ng 15 hangang 20 minutos.
- RT-PCR Test (Reverse Transcription Polymerase Chain Reaction Test)
Ito isang uri ng testing na ginagawa upang ma-detect kung ang isang tao ba ay may SARS-CoV-2. Kung ikukumpara sa antigen tests, mas makakakuha ka ng accurate o tamang resulta kung ikaw ba ay positibo sa COVID.
Samantala, hindi gaya ng Antigen test, kakailanganin mong magantay ng dalawa hanggang tatlong araw upang malaman ang resulta. Mayroong mga pagkakataon na tumatagal ng isang linggo depende sa demand, ngunit pinakamabilis na ang 24 oras.
Source:
Instagram, Unilabs, MemorialHealthcare
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!