Pagkatapos mawala ng dalawang linggo, nagpost ng bagong video sa kaniyang Youtube channel si Ivana Alawi upang i-update ang lahat sa kasalukyang sitwasyon niya at ng kaniyang pamilya.
Mababasa sa artikulong ito:
- Ivana Alawi ibinahagi ang pinagdaanan ng pamilya
- Ivana, nakaranas din ng malubhang sintomas
Sa update na ito, agad na ibinahagi ni Ivana na siya ay nagpositibo sa Covid-19, gayundin ang kaniyang nanay na si Fatima at kapatid na si Hash.
Kasalukuyang naka-isolate ang mga nagpositive sa pamilya habang nagpapalakas naman ang lahat, kasama na si Mona at Amira, dalawa pang kapatid ni Ivana.
“Si mama ang unang nag-positive.”
Dahil sa symptoms na nararamdaman ng kaniyang inang si Fatima, minabuti nilang magpa-antigen test upang malaman kung Covid-19 na nga ba ito o simpleng flu lamang. Dahil na rin laganap ang pagkakaroon ng ubo, sipon, at trangkaso sa panahon ngayon.
Matapos ang tatlong paulit-ulit na tests, nagpositibo ang kanilang ina at minabuti ng bawat miyembro na magpa-test ng RT-PCR para makumpirma ito.
Kumpirmadong positive ng Covid-19 ang ina kaya naman minabuti nitong mag-isolate na sa kanilang bahay sa Quezon City upang maiwasang makahawa sa iba pa nilang kasama.
Bilang isang mapagmahal na ina, una raw inalala ng kanilang ina ang mga anak, kung sila ba ay positive rin o hindi. Sa kabutihang-palad, walang nag-positive sa unang test, lalong-lalo na si Mona, na vulnerable sa sakit dahil sa pagkakaroon nito ng type 1 diabetes at diabetic neuropathy.
Ivana, nakaranas din ng malubhang sintomas
Nag-negative man noong una, si Ivana Alawi ay nakaranas ng symptoms dalawang araw matapos ang naunang RT-PCR. Sa ikatlong araw, kumpirmadong positive ito sa Covid-19. Limang araw na ito mula nang sila ay nagsimulang mag-isolate.
Aniya, sa dalawa o tatlong unang araw, nakaranas ito ng matinding sakit ng ulo, baradong ilong, walang pang-amoy, at sakit ng katawan.
Hirap pa rin itong huminga sa panahon ng kaniyang pagva-vlog. Ibinahagi nitong sa bibig na lamang ito humihingi kapag natutulog dahil tila nalulunod ito dahil sa baradong ilong.
Pinagaan ni Ivana ang sitwasyon sa pagbibiro tungkol sa kaniyang kulambo dahil sa mga lamok daw sa kwarto nito, at sa pagsasabing nalinis na ata nito ang bawat sulok ng kwarto dahil sa pagka-quarantine.
Over-the-counter medicines
Para maibsan ang mga sintomas ng Covid-19, ibinahagi ni Ivana ang mga gamot na iniinom gayundin ang mga ginagawang home remedies para sa mga nararamdaman nito.
Nag-steam inahalation o suob sila para mapagaan ang kaniyang paghinga at mabawasan ang pagkabara ng kaniyang ilong. Nagmumumog din umano ang kaniyang ina ng maligamgam na tubig at asin.
Ang bawat isa sa kanila ay patuloy na nagpapalakas ng kanilang mga resistensya, positive man o negative. Patuloy rin ang pagsasagawa nila ng minimum health standards tulad ng pagdidisinfect at pagsusuot ng mask kahit nasa loob ng bahay.
BASAHIN:
Gabay para sa mga magulang sa panahon ng COVID-19
12 na dapat tandaan sa pag-aalaga ng batang may COVID
Safe at effective ang COVID-19 bakuna sa mga batang 5-11 years old, ayon sa Pfizer
Family support sa kabila ng kanilang hinaharap na pagsubok
Magkakahiwalay man sila sa ngayon, nanaig pa rin ang matinding suporta at pagmamahal nila para sa bawat isa. Mapapanuod sa vlog kung paano pinagluto ni Mona ang buong pamilya. Pagkatapos ay pinadeliver ito sa kani-kanilang mga temporary isolation rooms at houses.
Sabay-sabay rin silang kumain via video call habang nagkakamustahan at nagkkwentuhan. Regular ang nagiging kamustahan nila para na rin mapagaan ang kanilang sitwasyon.
Mensahe ng pamilya Alawi
Nang hingan ng mensahe ni Ivan Alawi, kaniya-kaniya namang nagbahagi ng paalala ang bawat miyembro para sa mga manunuod.
Aniya ni mommy Fatima, mahalaga ang pagpapagaan ng damdamin sa pamamagitan ng pag-iwas na damdamin ang nararamadaman.
Magiging negative umano ito sa inyong katawan at mas lalong magpapabigat ng iyong pinagdadaanan. Sabi pa nito,
“Take it easy, kumain [at] matulog ng tama [at] and magdasal.” Dagdag niya, “We have to be responsible sa safety ng iba, hindi lang yung safety natin.”
Mula naman kay Hash, pinaalala nito na ang bawat isa ay may mahalagang parte para matigil ang Covid-19 virus. Positive man o negative, mahalaga na magsagawa tayo ng proper precautions.
Si Amira ay nagpaalala tungkol sa pagbabakuna at pagsunod ng minimum health standards. Si Mona naman ay nagpaalala na wag kalimutang kamustahin ang mga kapamilya at kaibigan na apektado ng Covid-19. Bigyan sila ng suporta, lalong-lalo na sa mahirap na pagsubok na kanilang kinakaharap.
Sa wakas, si Ivana Alawi naman ay patuloy na nagpapaalala ng responsibilidad ng bawat isa sa pagtatapos ng Covid-19. Aniya, “You have to take responsibilit and accountability. If you’re exposed or you’re feeling not well, huwag ka ng lumabas. Mag-isolate ka, magpa-test ka.”
Dagdag pa nito,
“Para matapos na tayo sa Covid na to, let’s all do our part. Kahit naman mag-quarantine ako ng mag-quarantine. Kung ‘yong iba naman pasaway, anong mangyayari sa atin.”
Walang pinipiling tao o pamilya
Ang pagsubok na kinakaharap ng pamilya Alawi ay patunay na walang pinipiling tao o pamilya ang naaapektuhan ng virus. Kaya naman, ang paalala ng pamilya na patuloy tayong magkaisa; sumunod sa minimum health standards; mag-ingat at magpabakuna ay isang mahalagang mensahe at paalala sa bawat isa.
Kung ikaw ay may exposure o nakararanas ng Covid-19 symptoms, agad na makipagugnayan sa inyong local health unit. Hangga’t maaari, mag-isolate, magpa-test, at palakasin din ang resistensya.
Source:
YouTube
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!