Vin Abrenica at Sophie Albert nagpositibo sa COVID 19. Anak nilang si baby Avianna nagpositibo rin sa sakit.
Mababasa sa artikulong ito:
- Vin Abrenica at Sophie Albert COVID experience.
- Ano-ano ang mga sintomas ng COVID at mga dapat gawin sa oras na mapansin ang mga sintomas na ito.
Vin Abrenica at Sophie Albert COVID experience
Image from Sophie Albert’s Official Facebook account
Patuloy nga na dumadami ang biktima ng sakit na COVID-19. Mapasimpleng tao o celebrity ay hindi na basta nakakaiwas sa kumakalat na sakit.
Kagabi sa programang 24 Oras ay ibinahagi ng aktor na si Vin Abrenica na kahit sila ng fiancée na si Sophie Albert ay hindi nakaligtas sa sakit. Sila’y nahawa at nagpositibo rin sa COVID. At ang masakit pati ang 10th months old nilang anak na si Avianna ay nahawa rin.
Kuwento ni Vin, nakaramdam sila ng sintomas ng sakit matapos umattend ng isang family gathering. Pero lahat ng nakasama nila sa naturang gathering ay nag-negative at tanging tatlo lang sila ni Sophie at Avianna ang lumabas na positive.
Dagdag pa ng aktor ay napahirap umano nang pinagdaanan nila habang nararanasan ang hagupit ng sakit. Maliban sa sintomas na idinudulot nito ay hindi siya makalapit sa kaniyang mag-ina sapagkat siya ay naka-isolate.
Tinawag niya ngang torture ang marinig ang pag-iyak ng anak niyang si Avianna ngunit wala siyang magawa at ng hindi ito masamahan para madala sa ospital.
Pagkukuwento ni Vin sa COVID experience nila ni Sophie,
“Naririnig mo ‘yong torture ng iyak ng baby mo kasi hindi siya makatulog saka ‘yong paghinga daw sabi ni Sophie. Siyempre naririnig ko lang sila, nagwi-whizzle na.”
Image from Sophie Albert’s Official Facebook account
Kaya naman dahil sa karanasan ay may mensahe si Vin sa publiko lalo na sa may mga anak na maliliit na bata tulad niya. Pagbabahagi pa niya,
“I just wanna share an awareness sa panahon ngayon even babies, sinasabi kasi dati na malakas immune system nila when it comes to COVID, but this time sapol sila. The hospitals, maraming babies at napakahirap kapag tinamaan sila.”
Sa ngayon, ayon pa rin kay Vin ay nagpapagaling na ang mag-ina niyang si Sophie at baby Avianna. Maayos na umano ang health condition ng mga ito at nakakabawi na ang katawan matapos tamaan ng sakit. Habang si Vin ay nag-negative na at maraming natutunan sa nakakatakot na karanasan laban sa COVID-19.
Image from Sophie Albert’s Official Facebook account
BASAHIN:
Sophie Albert, ibinahagi na naging fussy si Baby Avianna dahil sa GERD
Iya Villania sa pagiging COVID positive rin nina Leon at Primo: “Oh to be a mother. I’m glad I’ve pretty much recovered.”
6 tips to prepare your child for easy COVID-19 testing
Ano-ano ang mga sintomas ng COVID-19?
Patuloy na kumakalat ang sakit na COVID-19 sa iba’t ibang bahagi ng mundo. Sa ngayon, may bagong variant nga ang lumalaganap na sinasabing mas nakakahawa kumpara sa mga naunang variants ng sakit. Ito ay ang Omicron variant na naitalang narito na rin sa Pilipinas.
Ayon sa mga eksperto, kung ikukumpara sa mga naunang variant tulad ng Delta, ang Omicron variant ay mas nakakahawa ngunit mild symptoms lang ang idinudulot sa taong mahahawaan nito. Ang mga ipinapakitang sintomas nito ay tulad lang sa sipon o common colds. Ang mga ito ay ang sumusunod:
- Ubo
- Pagkapagod o pananakit ng katawan.
- Barado o tumutulong sipon.
- Sore throat o pananakit ng lalamunan.
- Sakit ng ulo.
Paalala ng mga eksperto
Pahayag pa rin ng mga eksperto, ang mga mild symptoms na ito ng Omicron variant ay ang madalas na nakikita sa mga vaccinated o nabakunahan na ng COVID-19. Habang ang mga sintomas naman sa mga hindi pa nababakunahan ay hindi pa rin tukoy ang kinaibahan.
Kaya naman patuloy ang pag-encourage sa bawat isa lalo na sa mga hindi pa nakakapagbakuna na magpa-vaccine na. Para naman sa mga nabakunahan na, may mga booster shots na rin na available kontra sa kumakalat na sakit.
Sa oras naman na nakaramdam ng mga nabanggit na sintomas ay ipinapayong mag-isolate na agad. Kung hindi naman severe ang nararanasang sintomas ay maaring mag-home quarantine.
Ngunit sa oras na makaramdam ng nakakabahalang sintomas tulad ng hirap sa paghinga ay ipinapayong magpunta na agad sa ospital.
Source:
GMA News, WHO
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!