Kapuso actress na si Nadine Samonte, isinilang ang third child na si Harmony Saige Chua.
Mababasa sa artikulong ito:
- Baby Harmony Saige Chua, isinilang na
- Pregnancy struggle ni Nadine Samonte
Baby Harmony Sage Chua, isinilang na
Isinilang na ang ikatlong anak ng dating Kapuso aktres na si Nadine Samonte. Masayang ipinakilala ng aktres ang kaniyang newborn na si Baby Harmony Saige Chua sa kaniyang instagram post.
“God is truly amazing. Thank you Lord. Everyone meet Harmony Saige Chua our third/bunso.”
Kasabay ng pagpapakilala sa kaniyang bunso, hindi naman nakalimutan ni Nadine na magpasalamat sa mga doktor na nag-asikaso sa kaniya.
Harmony Sage Chua. | Larawan mula sa Instagram account ni Nadine Samonte
“I would like to thank my Ob Dra. Sua-Lao for everything. I can say she is the best doctor talaga napaka talino at maalaga sobra. Without you wala akong Heather, Titus and Harmony.
Ginagamit ka talaga ni Lord to help me and other mommies out there. I will always be thankful. Grabe ang journey ng third ko pero we survived.
Thank you also to Dra. Sua for taking care of Harmony and to all the nurses and doctors thank you. Manila Doctors Hospital will always have a special place in my heart, you guys are the best.”
Hindi niya rin nakalimutang pasalamatan ang mga taong bumati sa kaniyang successful na delivery at ang kaniyang asawa.
“Now time to rest. Thanks everyone for congratulating us and sending prayers before ako pmunta sa OR. Thank you Pastor Ferdie for praying for me and the fam @therunningpastor appreciated it. Have a great day ahead. To my husband @rboy_chua thank you for taking care of the kids at mas kabado ka pa kesa sa’kin hahaha love you and the kids so much.”
Harmony Sage Chua. | Larawan mula sa Instagram account ni Nadine Samonte
Samantala, sa instagram account naman ng asawa ni Nadine Samonte na si Richard Chua, ipinakilala niya rin sa publiko si Baby Harmony Saige na tinawag niyang “the great equalizer” at “the queen”.
“The Great Equalizer has finally arrived! The referee to Heather and Titus, the Queen, the Bunso, the Star of our household. Welcome my beautiful daughter Harmony Saige Chua! Btw, I went shopping last week for more guns pala…I got a very very nice Sniper Rifle just for your manliligaws.”
Nagbigay suporta naman sa mag-asawang Nadine at Richard ang ilang personalidad tulad nina Marco Gumabao at Diana Zubiri na nag-iwan ng message sa kanilang instagram posts.
BASAHIN:
Nadine Samonte: “Lahat ng injections, bills, reseta, gamot—the reality of having APAS and PCOS”
Mga dapat malaman tungkol sa Polycystic Ovarian Syndrome (PCOS)
Nadine Samonte nagkuwento kung paano niya binabalanse ang sarili sa kaniyang toddler at newborn
Pregnancy struggle ni Nadine Samonte kay Baby Harmony
Larawan mula sa Instagram account ni Nadine Samonte
Inamin ni Nadine Samonte na naging mahirap ang pagdadala sa kaniyang ikatlong baby dahil muntik na siyang mag miscarriage first trimester ng kaniyang pagbubuntis sa kaniyang instagram post noong July 5.
“This journey is particularly different from my [two] kids. We almost lost our baby during my first trimester but with God’s grace and guidance, hindi niya kami pinabayaan”
Kaalinsabay nito ang pagpapakita niya ng larawan ng kaniyang baby bump na may mga pasa, syringe sa ibabaw nito at isang gamot.
Larawan mula sa Instagram account ni Nadine Samonte
Ibinunyag ng aktres na mayroon pa rin siyang hormonal disorder polycystic ovary syndrome (PCOS) at autoimmune disorder antiphospholipid antibody syndrome (APAS), na naging sanhi ng kaniyang mga pasa at naglagay sa panganib ng pagbubuntis.
Sa kabila ng kalagayan ng aktres, sinabi niyang hindi siya susuko at naging positibo siya na magiging successful ang kaniyang delivery.
“Not complaining but, hey, I can say I’m one strong momma here fighting for my babies. Ang dami kong iniyak sa journey na ‘to pero I won’t give up ever!”
Kasabay nito, in-encourage naman niya ang ibang mommies na may katulad niyang kalagayan.
“Go APAS and PCOS mommas out there. Kaya natin [‘to]”
Ikinasal si Nadine Samonte sa asawang si Richard Chua noong 2013. Ang kanilang dalawang anak na sina Heather at Titus ay isinilang noong 2016 at 2019. At ngayo’y masayang iwinelcome ang kanilang pangatlong baby.
Naging maselan man ang pagbubuntis ni Nadine sa kaniyang rainbow baby, sapat naman ang kaniyang tatag ng loob at tiwala sa Dios na magiging matagumpay ang paglabas ni Baby Harmony.
Congratulations Nadine Samonte at Richard Chua.
Source:
Instagram
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!