Nadine Samonte APAS at PCOS journey, mahirap pero worth it ayon sa aktres.
Mababasa sa artikulong ito:
- Actress Nadine Samonte APAS at PCOS journey.
- Ano ang APAS at PCOS.
Nadine Samonte APAS at PCOS journey
“Ang dami kong pinagdaanan sa pagbubuntis ko and lahat ng ito super worth it.”
Ganito isalarawan ng aktres at inang si Nadine Samonte ang kaniyang pagbubuntis. Hindi lamang sa dinadala niyang sanggol sa ngayon kung hindi pati narin sa dalawa niyang anak na sina Heather Sloane, 6-anyos at Austin Titus, 2-anyos. Dahil ito sa kondisyon ni Nadine na PCOS at APAS.
Image courtesy of Nice Print Photography
Ano ang PCOS at APAS?
Ayon sa Mayo Clinic, ang PCOS o Polycystic ovary syndrome ay isang hormonal disorder na nararanasan ng mga babae. Ang mga babaeng mayroon nito ay maaaring makaranas ng irregular o mahabang menstrual periods.
Sila ay maaaring marami ring male hormone na androgen sa katawan. At ang kanilang ovaries ay maaaring magkaroon ng maraming follicles o collection of fluids na makakaapekto sa pagre-release ng eggs ng kanilang ovaries na nagiging hadlang sa pagbubuntis.
Samantala, ang APAS naman o Antiphospholipid syndrome ay isang immune disorder na kung saan ang katawan ng isang babae ay nagproproduce ng abnormal antibodies na maiuugnay sa pagkakaroon ng abnormal blood clots sa kaniyang ugat.
Ang blood clots na ito ay madalas na nabubuo sa binti ng isang babae. Pero possible rin itong mabuo sa ibang bahagi ng katawan tulad ng kidneys, lungs at iba pang organs.
Ang mga abnormal na antibodies na pinoproduce ng APAS ay sinasabing mas prevalent o marami sa mga babaeng mayroon ring PCOS. Kaya madalas ang isang babaeng may PCOS ay nakakaranas rin ng kondisyon na APAS tulad kay Nadine Samonte.
Nadine Samonte: “I love being pregnant kahit mahirap”
Sa pinaka-latest na Instagram post ni Nadine ay ibinahagi niya ang isang larawan na kung saan siya ay nakahiga at pinalilibutan ng mga injections, sonograms, reseta at mga gamot.
Ayon sa caption ng post na ito ni Nadine, ito daw ang realidad ng pagkakaroon ng sakit na PCOS at APAS. Pero sa kabila ng mga ito sabi ni Nadine nagpapasalamat siya dahil nabigyan pa sila ng pagkakataon na magkaroon ng isa pang anak ng asawang si Richard Chua.
View this post on Instagram
“Lahat ng Injections, bills, reseta, gamot lahat ng nakapaligid sa akin is the reality of having APAS and PCOS. I love being pregnant kahit mahirap kasi blessing ni Lord ito and I’ll be forever grateful na biniyayaan pa kami ng isa pa.”
Maliban sa pag-inom ng maraming oral medicines at pag-iinject ng Innohep at Proluton ay marami ring procedure at test na pinagdadaanan si Nadine sa ngayon para masigurong ligtas ang kaniyang sanggol. Kabilang na dito ang pagpapa-RT PCR test buwan-buwan.
“Every 10 days is my checkup. Every month kinukuhanan ako ng dugo to monitor my KCT, DRVVT and APTT (for my blood) and another checkup for monitoring of my complete cbc, cholesterol etc. And every month i also do rt pcr to make sure that im okay.”
BASAHIN:
“When I got miscarriage. Gumaling ang PCOS ko and after 6 months.. I got pregnant again.”
APAS o antiphospholipid antibody syndrome: Sanhi, sintomas, at lunas
PCOD vs PCOS: How both these conditions can affect your pregnancy
Mensahe ni Nadine sa mga kababaihang hirap magkaanak
Nabahagi rin ng aktres na kamakailan lang ay nakaranas rin siya ng depresyon. Ngunit sa tulong ng kaniyang pamilya ay nalampasan niya.
Sabi pa ni Nadine, madami man siyang pinadaanan sa kaniyang pagbubuntis lahat naman ito ay worth it. Kaya naman, sa tulad niyang may PCOS at APAS, pati na sa ibang babae na gustong ngunit nahihirapang magkaanak ay narito ang mensahe niya.
“Sa mga gusto magkaanak wag kayo mawalan ng pagasa because ibibigay ni Lord sa tamang panahon.”
Ito ang sabi pa ni Nadine sa kaniyang Instagram post.
Maraming humanga sa post at katapangan na ito ni Nadine. Ilan nga dito ay ang mga kaibigan niya sa industriya.
Mayroon ring mga mommies na naka-relate sa karanasan niya. Ito ay ang mommies na tulad niya ay nakikipaglaban rin sa kondisyon na APAS at PCOS.
“So inspiring.. I was diagnosed with APAS last 2019.. me and my husband was married for 5 years and i got miscarried four times and until now we are still hoping for our little one . Your story make me inspired and keep my faith that soon someone will call me mommy and the one who will complete our family . 😘😘😘😘”
Source:
Mayo Clinic, Medical News Today, Medscape
Photo:
Facebook
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!