Pakiusap ng isang ninang sa mga magulang: “Wag pong palademand.. Magbibigay po kami ng maluwag sa puso namin.”

Si Ninang naloka sa request ng kaniyang kumare.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Godparents may message at pakiusap sa mga magulang ng kanilang mga inaanak ngayong Pasko.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Ninang na nagulat sa request na regalo ng kaniyang kumare para sa kaniyang inaanak.
  • Godparents message o pakiusap sa mga magulang.

Ninang na nagulat sa request na regalo ng kaniyang kumare para sa kaniyang inaanak

Larawan mula sa Freepik

Viral ngayon sa social media ang screenshot ng pag-uusap ng isang ninang at kaniyang kumare. Si Ninang kinontak ng kaniyang kumare para ipaalam na siya ay gumawa ng group chat na binubuo ng godparents ng kaniyang anak. Si Kumare ay may request sanang regalo para sa kaniyang anak. Dahil sa ito daw ang gusto nitong matanggap ngayong Pasko.

“Sissymars, gumawa pala ako ng gc ng mga ninong at ninang ni buchog..check mo sa spam message mo.”

“Kasi itong inaanak mo nagrerequest ng tablet bale gumawa ako gc para ambagan kayo at least masaya yung bata ngayong pasko.”

Ito ang mensahe ni kumare na masaya namang tinugunan ng ninang na may naiisip na sanang regalo para sa kaniyang inaanak.

“Okay tig magkano kami? Ksi may plan din ako bilhin sa kaniya. Budgeted lang din kasi marami akong inaanak and alam mo naman nagpapagawa kami ng bahay kaya gumagastos din kami.”

Ito ang mabait na sagot ng ninang na natawa sa nakakagulat namang sagot ng kumare niya.

“Ikaw marsi.. 5k pwede naman na.”

Ito ang sagot ng kaniyang kumare na walang nagawa ang ninang kung hindi matawa.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Facebook

Godparents message o pakiusap sa mga magulang

Dahil sa karanasan si ninang may pakiusap sa mga magulang. Ito ay sinang-ayunan rin ng ibang mga godparents.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Nananawagan po ako sa lahat ng mga magulang na wag po sanang ganito.”

“Wag pong palademand sa ninong/ninang ng mga anak niyo. Magbibigay po kami ng maluwag sa puso namin. Nakikita niyo man na nakakaluwag kami sa buhay, hindi po dahilan yun para huthutan niyo kami. Ginawa niyo kaming Godparents para magabayan ang mga anak niyo hindi para mabilhan ng mga gusto nila.”

Ito ang sabi ng viral na ninang sa social media.

Larawan mula sa Freepik

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement