Sa pag-uulat ni Mav Gonzales ng GMA News TV “Balitanghali” ngayong ikalawa ng Abril, Martes, napatay ang isang 21-anyos na lalaki na graduating student. Magtatapos na sana ang estudyante ngayong taon sa kolehiyo ngunit hindi na ito mangyayari sapagkat namatay siya sa pamamaril ng dalawang holdaper sa Cebu City dahil sa pagtatanggol sa kaniyang kaibigang babae.
Ang nangyaring pamamaslang ng graduating student
Kinilala ang biktima na si Jovanie Pat, ang anak na inaasahan ng kaniyang pamilya upang makatulong sa kanilang pagahon sa buhay.
Ayon sa imbestigasyon ng mga pulis, naglalakad di-umano si Pat kasama ang kanyang kaibigang babae nang may humarang sa kanilang dalawang lalaking may baril at tinutukan ang mga ito.
Hindi umano pumayag ang dalawang magkaibigan na ibigay agad ang bag ng babae kung kaya’t binaril ng salarin si Pat at tinamaan ang ugat sa singit nito na naging dahilan ng kaniyang pagkamatay.
Hirap tanggapin ng pamilya
Hindi matanggap ng ama ng biktima ang sinapit ng kaniyang anak, na pangpito sa 14 na magkakapatid, lalo na’t isa si Pat na inaasahan ng kaniyang mga magulang na makakapagbangon sa kanila sa kahirapan.
“Inaasahan namin na makapagtapos siya para makatulong sa aming pamilya at sa mga kapatid niya,” sambit ng isang amang nangungulila.
Imbestigasyon
Nanawagan ang pamilya ni Pat sa mga suspek na sumuko na at pagbayarin ang mga ito sa ginawa nilang pamamaril sa kanilang nawalang anak at kapatid.
Ipinag-utos na ng Central Visayas Police na alamin ang pakakakilanlan at kinalalagyan ng mga suspek at tugisin na ang mga ito. Hinala nga ng Police General Debold Sinas, Director PRO-7, na ang mga suspek na nasa likod ng krimen ay mga dating holdaper na nakalaya dahil napiyansahan.
Safety tips para makaiwas sa holdaper
tips na itoSa panahon ngayon, mahalagang isaalang-alang natin ang kaligtasan ng ating mga anak. Kaya mahalaga na tandaan ng mga magulang ang mga upang parating maging ligtas ang kanilang pamilya:
- Kilalanin at kaibiganin ang iyong mga kapitbahay. Magtulungan kayo upang panatilihin ang kaayusan sa inyong lugar.
- Magbigay ng mga cellphone number, pangalan, at mahahalagang contact number sa iyong pamilya na puwede nilang tawagan kapag nagkaroon ng problema.
- Kapag ikaw ay naholdap o kaya ay pinagnakawan, huwag na manlaban. Mabuting ibigay na lang ang pera sa halip na ilagay sa panganib ang iyong buhay.
- Alamin ang mga taong nasa paligid mo. Tingnan mong mabuti kung may mga taong kahina-hinala ang kilos, at mag-ingat.
- Turuang mag-ingat ang iyong pamilya at palaging alamin kung nasaan sila, lalong-lalo na ang mga bata.
-
Source: GMA Network
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!