Isang 17-anyos na artist ang nagpamalas ng kaniyang kakayanan sa social media, matapos siyang mag-post sa twitter tungkol sa kaniyang graduation gown. Ito ay dahil siya pala mismo ang nagtahi at nagdisenyo ng napakagandang damit!
Graduation gown, itinahi at dinisenyo ng 17-anyos na artist
Ayon sa artist na si Ciara Gan, na-inspire raw siyang gawin ang proyekto dahil “I like trying as many things as possible, that’s why I made my own gown.”
Inabot raw siya ng 2 linggo, kasama na ang pag-paint ng mga bulaklak sa skirt ng gown niya. Siya raw ang nakaisip ng design, pati na ang nagtahi ng gown. Pero tinulungan rin daw siya ng kaniyang ina pagdating sa pagtatahi.
Dagdag pa niya, tinatahi raw niya ang damit pagkatapos ng kanilang graduation practice.
Tuwang-tuwa ang mga netizens sa kaniyang creativity
Dahil sa kaniyang ipinakitang husay, bilib na bilib ang mga netizens sa kakayan ng 17-anyos na artist. Marami ang nagbigay ng suporta at sinabing posible raw niyang maging business balang araw ang paggawa ng mga damit.
Ang iba naman ay natuwa at nainspire sa kaniyang ginawa.
Sana ay magsibling inspirasyon si Ciara para sa ibang mga teenager upang maging mas creative at sumubok ng iba’t-ibang mga bagay. Umaasa rin kami na makakakita pa ng mga obra na gawa ni Ciara balang araw.
Mahalaga ang creativity sa mga bata
Para sa maraming mga magulang, ang kanilang focus ay madalas napupunta sa talino at husay ng kanilang mga anak. Bagama’t wala namang masama rito, minsan ay nakakalimutan nila ang halaga ng creativity.
Ang creativity ay hindi lamang limitado sa paggawa ng art o kaya mga crafts. Mahalaga rin ang creativity pagdating sa problem solving, at sa pagkakaroon ng kakaibang perspektibo at pag-unawa sa mundo.
Mahalaga ang creativity para sa success, kaya importante na bigyang-pansin rin ito ng mga magulang. Heto ang ilang mga tips para maging mas creative ang iyong anak:
- Hayaan silang sumubok ng iba’t-ibang uri ng art upang ma-explore nila ang kanilang pagiging creative.
- I-encourage sila na gamitin ang kanilang imagination, at huwag maging sarado ang isip.
- Nakakatulong rin ang pagbibigay sa kanila ng mga creative toys.
- Ang mga puzzles at mga problem-solving na laruan ay malaki ang naitutulong sa creativity ng mga bata.
- Kung nais ng iyong anak na maging artist, o gumawa ng mga obra, suportahan sila at tulungan upang marating nila ang kanilang mga pangarap.
Source: ABS-CBN News
Basahin: “Superman Tatay” dumalo ng nakayapak sa graduation day ng anak
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!