ALAMIN: Bakit sobrang importante na turuan magsabi ng 'thank you' ang inyong kids?

Maraming advantages ang nakukuha ng isang bata na maagang tinuruang maging thankful sa buhay.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Para sa parents, mahalaga rin daw na maturuan ang anak na maging grateful para lalong maging maligaya sa kanilang buhay, ayon sa experts.

Mga mababasa sa artikulong ito:

  • Bakit sobrang halaga na turuan maging grateful ang anak
  • Tips para magkaroon ng positive thinking ang kids

Bakit sobrang halaga na turuan maging grateful ang anak

Larawan mula sa Freepik

Walang nakakaiwas sa mga negatibong pangyayari sa buhay. The more na tumatanda ka, the more padagdag lang nang padagdag ang kinahaharap na problema. Sabi nga ang buhay ay parang gulong kung saan minsan may “ups” at minsan naman may “downs.”

Sa mga ganitong pangyayari, mahalagang ikonsidera kung paanong hinaharap ang mabibigat na karanasan. Sa parents, importanteng natuturuan ang anak kung paano ito masosolusyunan later in life. Gratitude raw ang isang susing bagay para mas mapadali ito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ano nga ba ang gratitude?

Ito raw ay isang feeling o value na naipa-practice ang pagiging conscious sa pagbibilang ng blessing sa buhay. Nararamdaman daw ito sa mga nakakasamang mahal sa buhay. Sa mga alagang pet o hayop, din ay maaaring makita ang pagiging grateful.

Pwede rin daw sa mga nakakasama sa trabaho, organisasyon, o sa kahit anong gawain. Isa pang maaaring maramdaman ito sa pagiging buhay mismo ng isang indibidwal.

Reason why you should teach your kids to be grateful:

Larawan mula sa Pexels

  • Nakapagbo-boost ito ng happiness sa isang tao.
  • Napag-iimprove ang internal factors tulad ng physical, mental, at psychological health na nakapagdudulot ng positivity.
  • Nakapagbabawas ng negative emotions.
  • Naiiwasan ang negative emotions tulad ng pagkainggit, pagkagalit, at depression.
  • Nababawasan din nito ang stress at sakit sa katawan.
  • Napalalakas ang immune system dahilan para mabawasan ang iba’t ibang uri ng sakit.
  • Nakapag-eengage pa lalo sa self-care.

Paano matuturuan ang anak na maging grateful sa kanyang buhay?

  • Tulungan siyang ma-notice ang iba’t ibang kabutihan sa buhay para madala niya habang tumatanda.
  • Iwasan na magkaroon ang anak ng culture ng pagiging materialistic kung saan natutuwa lang siya kung mayroong blessing sa paraan ng materyal na bagay.
  • Maaaring turuan siyang magkaroon ng journal kung saan nailalagay niya ang mga malalaki at maliit na bagay na nangyayari sa buhay.
  • Magkaroon ng “3 Good Things” practice kung saan nagno-note ka ng mga magagandang bagay, paano ito na-achieve at ano ang dulot nito.
  • Turuan siyang maging ugali ang magsabi palagi ng “thank you.”
  • Tanungin ang anak sa mga taong nagbibigay ng inspirasyon sa kanila sa buhay at alamin kung paano magiging inspirasyon ito sa kanila.
  • Maging role model sa anak upang gayahin ka nito kung sakaling siya na ang kahaharap ng problema.
  • Turuan na maging appreciative siya sa mga bagay-bagay kahit pa maliit lamang ito.
  • Sa mga panahong kumakaharap sa suliranin ng buhay, ipakita sa kanya kung paano ito sinosolusyunan sa paraang positibo.
  • Mag-volunteer sa mga organization upang maramdaman niyang grateful kayo sa mga natatanggap niyo sa buhay.

Tips para magkaroon ng positive thinking ang mga bata

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Pexels

Dahil nga mahalaga ang gratitude, isang step para mapractice ito ay ang pagkakaroon ng positive na mindset. Narito naman ang ilang tips na maaaring gawin upang maturuan ang anak:

Pagbibigay ng praise sa bata

Mahalagang pinupuri ang bata from time to time sa mga efforts na ginagawa nila. This way kasi nalalaman nilang nakikita at naa-appreciate mo ang mga bagay na pinaglalaanan nila ng oras. Kumbaga ay nabibigyan din sila ng validation.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Non-verbal care

Maaari ring magbigay ng non-verbal care sa iyong anak. Ang mga ito ay pagbibigay ng yakap, paghawak sa kanilang kamay, pagki-kiss, pagpa-pat ng kanilang likod, at iba pang caring acts.

Always listen

Sa panahong namomroblema sila sa mga bagay-bagay, ugaliing makinig. Dapat ang pakikinig na ito ay walang halong judgement kung saan komportable silang magsasabi ng kanilang hinanakit. Matapos makinig, turuan sila kung paano ito masosolusyunan positively.

Celebrate even small accomplishments

Bukod sa pagpuri at words of affirmation, importante rin ang celebration. Mas nagiging masaya ang bata sa tuwing nagcecelebrate sa mga na-accomplish nilang bagay. Sa mga susunod na panahon, mas nagsusumikap silang mag-exert pa ng effort.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Support and help them

Be the supportive parents. Dapat ay nariyan ka sa lahat ng goals na nais niyang maachive. Mas magiging madali kasi ito para sa kanya kung alam niyang mayroong buong suporta sa kanya lalo kung mga magulang.

Huwag ipilit ang mga bagay na gusto para sa kanila dahil may sarili silang desisyon at nais sa buhay upang maging maligaya.

Balance your life

Subukan ding maging balance ang iyong buhay sa buhay nila. Mas maganda kung magmimeet sa middle upang mag-align ang parehong gusto ninyo. Sa ganitong paraan magiging positive ang kanilang pagtingin in life.

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Psychology Today

 

Sinulat ni

Ange Villanueva