Gretchen Barretto sinabing never siyang makikipagbati sa kapatid na si Marjorie Barretto.
Kamakailan lang ay naging usap-usapan ang vlog ni Dani Barretto na anak ni Marjorie Barretto at aktor na si Kier Legaspi.
Sa vlog post ni Dani ay inamin nitong hindi sila in good terms ng ama at sanay na daw itong wala ang amang si Kier sa buhay niya.
Dahil dito ay nagsalita ang mga tita niya na sina Claudine at Gretchen Barretto na sinabing maraming beses na sinubukan ng amang si Kier Legaspi na makalapit sa kaniya pero ayaw ng ina niyang si Marjorie Barretto.
Ito rin ang naging hudyat upang maungkat muli ang alitan sa pagitan na magkapatid na Marjorie at Gretchen Barretto. At mapansin ang ka-sweetan at reconciliation ni Claudine at Gretchen na minsan ring nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan.
Gretchen Barretto on her sister Marjorie Barretto
Ngunit nang tanungin si Gretchen sa interview niya sa OMJ sa DZMM Teleradyo kung sila naman ba ni Marjorie Barretto ang sunod na magkakabati, naging madiin ang sagot nito na “never”.
Gretchen Barretto: “May kasabihan na ‘never say never’ pero allow me and indulge me. Gusto kong sabihin with regards to Marjorie: ‘never.'”
Ayon kay Gretchen ay masyado daw naging toxic si Marjorie sa buhay niya at sa ngayon ay pinapahalagahan niya ang buhay niya, mental health, peace at kaniyang finances.
Gretchen Barretto: “I am not ready and I don’t think I will ever be ready for Marjorie. I would not stop loving her, but I also love myself, I also love my family.”
Nang tanungin naman kung tinatapos niya na ba talaga ang pag-asa na magkaayos sila ni Marjorie narito naman ang naging sagot niya.
Gretchen Barretto: “Hindi sa tinatapos, pero may kasabihan na responsibilidad natin ang sarili nating mental health, emotionally health and yung state natin what we feel. And I feel I am most at peace without Marjorie and without the rest.”
Gretchen Barretto and Claudine Barretto reconciliation
Sa kabila man ng alitan sa pagitan nila ni Marjorie na inamin niyang isang “silent war” na mag-aapat na taon na, masaya si Gretchen na nagkaayos na sila ng nakababatang kapatid na si Claudine.
Ito nga lang daw ang tanging tanong nagparamdam sa kaniya na mahal siya nito bilang kung sino siya at hindi dahil sa kung ano mayroon siya.
Nahihiya nga raw siya kay Claudine na halos sina-shower siya ng gifts na hindi niya naman hinihingi. Napakasaya niya daw dahil dito.
Gretchen Barretto: “I feel like Claudine and I are so in synced. And I am just so happy. Right now, Claudine and I is going on a honeymoon stage, parang kami lang dalawa. And I love it.”
Nang tanungin naman tungkol sa hindi nila pagkakaunawaan ng mga magulang niya ay sinabi nitong tahimik na sila at nirerespeto niya ang katahimikan ng mga ito.
Dagdag ni Gretchen ay naging masaya naman siya sa mga nakaraang taon kasama ang mga taong nagmahal sa kaniya bagamat hindi niya ito mga kadugo.
Gretchen Barretto: “For the past so many I have found refuge, comfort and a lot of love and I feel so great with the people I am with and they are not blood-related at all.”
Nagpapasalamat nga raw siya sa mga ito na minahal siya at malaya niyang naienjoy ang sarili niya.
Gretchen Barretto: “I am ok and I can feel the certain sense of freedom that I can be myself without being blame of having the kind of life that I need, the life that I enjoyed.”
Si Gretchen Barretto ay ka-relasyon pa rin ang long-time partner nitong businessman na si Tony Boy Cojuanco. May isang anak sila na si Dominique Conjuangco.
Si Gretchen ay nakilala sa kaniyang pagiging prangka at straight-forward. Ito nga ang naging dahilan ng alitan nila ni Claudine noong 2013 ng sabihin nitong may mental health problem ang kapatid dahil sa drug addiction nito.
Sa pagitan naman nila ng kapatid na si Marjorie Barretto ay inamin nito noong 2015 na hindi sila nag-uusap. Ngunit hindi niya idinetalye kung ano ang naging dahilan nito.
Samantala, nanatiling tahimik si Marjorie sa isyu. Tanging heart emojis at thank you’s lang ang isinisagot nito sa mga fans at followers sa social media na tumutukoy sa isyu nilang magkakapatid.
Para naman maiwasan ang hindi pagkakaunawaan sa pagitan ninyong magkakapatid ay may mga paraan para mas mapalapit at mapatibay pa ang relasyon mo sa iyong kapatid. Narito ang mga dapat gawin.
7 paraan para mas mapatibay at mapasaya ang relasyon sa kapatid
1. Iwasan ang family drama.
Hindi maiiwasan ang problema sa isang pamilya pero para malampasan ito ay dapat nagtutulungan kayo at hindi nagbabangayan.
Kung sakaling may hindi pagkakaintindihan sa pagitan ng pamilya ay manatiling neutral at hangga’t maari ay tumulong para mapag-usapan ito at maisaayos.
Huwag ding itsitsismis ang problema ng kapatid sa iba lalo na kung ito ay personal o dapat ay nananatili lang sa loob ng iyong pamilya dahil maari itong bumuo o magpalala pa ng problema.
2. Makipag-usap sa iyong kapatid tungkol sa inyong relasyon.
Upang mas magkaroon ng maayos na relasyon sa iyong kapatid ay dapat maging open kayo sa relasyon nyo sa isa’t-isa at sabihing willing kayong mag-effort para iimprove ito o mas patibayin pa.
Kung may nagawa man ang iyong kapatid na nakasakit sayo ay matutong patawarin ito at magmove-on para mas maging healthy at masaya ang relasyon ninyo.
3. Maging supportive sa kapatid.
Suportahan ang kapatid sa lahat ng bagay lalo na kung ito ay may pinagdadaanang problema sa buhay niya.
Magiging malaking bagay sa kaniya na malaman at maramdaman na mayroon siyang kapatid na maaring sandalan sa oras ng kalungkutan.
4. Stay in touch.
Sa tulong ng technology ay hindi na dapat nagiging mahirap na laging nakikipag-communicate sa kapatid. Ugaliing gawin itong priority para kumustahin at alamin ang mga pinagdadaanan niya.
5. I-celebrate ang mga big at little moments na magkasama.
Mangolekta ng masasayang memories kasama ang kapatid. Maaring gawin ito sa pamamagitan ng pagiging present sa mga family occasions na kung saan maipaparamdam mo na lagi kang nandyan sa oras ng problema man o saya.
6. Magbakasyon kasama ang kapatid.
Para mas patibayin ang bonding ninyong magkapatid ay magplano at magbakasyon ng magkasama. Puwede ring isama ang iba pang miyembro ng pamilya para mas maging memorable ito at masaya.
7. Ituring na kaibigan ang iyong kapatid.
Ituring ang iyong kapatid na parang iyong kaibigan na iyong nirerespeto, minamahal at inaalagaan. Kung ikaw ang nakakatanda, iwasang magbigay ng advice sa kapatid hangga’t hindi nila ito hinihingi sayo,
Huwag din subukan ayusin o kontrolin ang buhay ng kapatid kahit na ba ikaw ang mas nakakaanggat rito. Kailangan mo siyang respetuhin kung sino siya at laging iisipin na walang taong perpekto, lahat ay nagkakamali.
Pero lagi mong iparamdam sa kaniya na lagi ka lang nasa tabi niya sa oras na kailanganin ka niya.
Sources: ABS-CBN News, ABS-CBN News, ABS-CBN News, PEP.ph , AllWomensTalk
Photos: Gretchen Barretto (Kamiseta Instagram) and Marjorie Barretto (Instagram account)
Basahin: Dani Barretto, ni-reveal ang hinanakit sa amang si Kier Legaspi