9 na masusustansyang gulay na dapat kinakain ni baby mula 6-12 months

Ano nga ba ang gulay para sa baby na ating pinapakain para mabigyan siya ng sapat na sustansiya para sa kaniyang development. Alamin ang mga ito rito!

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Mula pagkapanganak ay formula o breastmilk lamang ang kinakain ni baby lalo na sa kaniyang mga unang buwan. Sa kaniyang ika-anim na buwan ay maaari na siyang kumain ng mga solid foods.

Ngunit depende ito sa bata dahil iba-iba naman ang paraan ng paglaki nila. Maaaring magsimula na siyang kumain ng solid food ng mas maaga sa inaasahan o ‘di kaya’y manatili muna sa breastmilk.

Isang challenge talaga para sa ating mga mommy ang pakainin ng gulay ang mga bata pero sisimulan nating i-introduce sa kanila ito ng baby pa lamang ay mapapadali ito. Alamin natin ang masusustansiyang gulay para sa ating mga baby.

Kung ikaw ay nagsisimula pa lamang ng pagpapakain kay baby ng solid na mga pagkain, mahalagang haluan ng gulay ang iba niyang pagkain tulad ng infant cereals, karne at prutas.

Narito ang ilang mga gulay na dapat mong ipakain kay baby upang masiguro mo ang kanyang kalusugan.

Mga gulay na angkop kay baby ayon sa kanyang edad

Image courtesy: iStock

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa murang edad pa lamang ni baby ay maaari mo nang simulan ang pagpapakilala sakanya ng pagkain ng iba’t ibang klase ng gulay.

Ang paraan nito ay nakakatulong hindi lamang sa kanyang kalusugan, makakaiwas din siya sa picky eater o pihikan sa pagkain habang siya ay lumalaki.

Maraming paraan upang mapakain ng gulay si baby. Narito ang ilang gulay na mabuti kay  baby ayon sa kanyang edad:

Masustansyang gulay para sa mga bata na nasa 4 to 6 months old

Image courtesy: iStock

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kung si baby ay nagsisimula pa lamang sa pagkain ng solid food. Mainam na malalambot na gulay ang ipakain mo sa kanya. Tulad na lamang ng mga sumusunod:

  1. Kalabasa – Maaari mong durugin ang kalabasa upang gawing paste o direstong ipakain kay baby. Ang kalabasa ay nagtataglay ng maraming Vitamin A at C na nakakapag-boost ng immunity at iniiwasan ang iron deficiency.
  2. Carrots– Ito ay nagtataglay ng fiber na nagsisilbing digestion aid at beta carotene. Ang mga ito ay nagiging vitamin A pagpasok sa katawan na nakakatulong sa paglinaw ng mata at pagtibay ng immune system.
  3. Spinach – Ang gulay na ito ay sagana sa iron na kailangan ni baby para sa kanyang overall development.
  4. Avocado– Ito ay nakakatulong sa pag-develop ng utak at nervous system ni baby. Ang bawat serving ng avocado ay nagtataglay ng folate at fiber. Simulan ang pagdurog ng isang kutsara ng avocado at ipakain ito kay baby.
  5. Peas– Sa lahat ng gulay, ang peas ang pangunahing pinagkukunan ng protein. Maaari mo itong i-steam at haluin hanggang sa maging makapal ang texture. Kung hindi pa rin sapat ang kapal ng texture, maaari mo itong haluan ng kaunting breastmilk.

Tandaan: Huwag maglagay ng karagdagang mga seasoning. Iwasan din ang paglalagay ng asin sa pagkain ni baby. Dapat ding siguraduhin na malambot ang mga gulay upang hindi mabulunan si baby.

Masustansyang gulay para sa mga bata na nasa 6 months to 12 months old

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image courtesy: File image

Sa yugtong ito, nasanay na si baby sa pagkain ng solid foods kaya’t narito ang ilan pang mga gulay na dapat mong ipakilala sa kanya:

  1. Broccoli – Ang broccoli ay siksik sa micronutrients na nakakatulong sa katawan upang maiwasan ang sakit na kanser.  Maaari itong i-steam o prito, depende sa gusto mong paraan. Siguraduhin na malambot ang broccoli bago ipakain kay baby.
  2. Cauliflower– Ito ay kadalasang inirerekumenda kung si baby ay  may kakayahan ng ngumuya o siya ay nasa walong buwan na. Dahil ang cauliflower ay chewable, makakatulong ang gulay na ito sa pagpapatibay ng kanyang mga ngipin.
  3. Beets– Ang beets ay siksik sa manganese, folate, at fiber. Karamihan sa mga bata ay hindi gusto ang lasa nito sa unang tikim ngunit kalaunan ay magugustuhan na rin nila kapag nasanay. Maaari mo itong dagdagan ng prutas upang maging kaaya aya sa paningin at panlasa.
  4. Kamatis– ang gulay na ito ay kadalasang paborito ng mga chikiting. Siksik ang kamatis sa vitamin C at tubig na tumutulong upang makaiwas sa dehydration.

Tandaan: Ang kamatis ay hindi inirerekumenda sa mga bata na nasa sampung buwan pababa (under 10 months) dahil ito ay nagtataglay ng acid na maaaring magdulot ng sakit  at komplikasyon sa tiyan ni baby.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Mga masustansyang gulay para sa led weaning stage ni baby

  1. Bell pepper – Alam mo ba na ang bell pepper ay nagtataglay ng mas maraming vitamin c kaysa sa orange? Bukod sa nakakapag patibay ito ng immune system, maaari rin itong maging isang anti-inflammatory substance. Kung ayaw ni baby sa matapang na flavor ng bell pepper, maaari mo itong lagyan ng cheese bago ipakain sa  kanya.
  2. Butternut squash – tandaan na kung nasa led -weaning stage si baby ay mainam ang mga malalambot at madaling nguyain na mga gulay. Maaari mong lagyan ng cinnamon ang butternutsquash bago ito ipakain kay baby.
  3. Pipino – Ang gulay na ito ay nakakatulong sa pagtibay ng ngipin ni baby. Upang hindi mabulunan si baby, balatan muna ang pipino bago ipakain sa kanya.

Tandaan: Ang pipino ay para lamang sa mga baby na nasa ika siyam na buwan na dahil nagtataglay ito ng cucurbitacins kaya’t hindi ito madaling matunaw.

Kailan dapat sumangguni sa doktor?

Kapag ang iyong anak ay tumungtong na sa isang taon, matututo na siyang kumain mag-isa. Karamihan sa mga bata ay malakas ng kumain sa ganitong edad. Ngunit laging tandaan na  maaaring mabulunan si baby sa pagkain ng gulay kaya’t importanteng malambot ito bago ibigay sa kanya.

Suriin ding mabuti ang balat ni baby sa tuwing pakakainin siya ng iba’t ibang pagkain upang malaman mo kung allergic siya rito.

Kung ang pagkain ay nagdulot ng pagsusuka, diarrhea at rashes, dalhin agad siya sa pinaka malapit na ospital at sumangguni sa iyong pediatrician.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang artikulong ito ay orihinal na inilathala sa the Asianparent Singapore at isinalin sa wikang Filipino ni Alyssa Wijangco

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

Sinulat ni

The Asian Parent