Gwen Zamora sa panganganak sa kaniyang second baby: "Finally almost kinda feeling back to my old self 10days post-partum”

Aktres na-relieve umano at na-relax ngayong nakapanganak na.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Aktres na si Gwen Zamora ipinanganak na ang baby girl nila ni David Semerad! Ayon kay Gwen, feeling relieved siya ngayong nakapanganak na.

Mababasa dito ang sumususunod:

  • Gwen Zamora ipinanganak na ang kaniyang second baby.
  • David Semerad sa panganganak ni Gwen Zamora.

Gwen Zamora ipinanganak na ang kaniyang second baby

Larawan mula sa Facebook account ni Gwen Zamora

Sa Instagram ay ibinahagi ng aktres na si Gwen Zamora na ipinanganak niya na ang second baby nila ng mister na si David Semerad. Si Gwen hindi man idinetalye ang kaniyang panganganak ay sinabi namang back to her old self na siya matapos ang higit sa isang linggo ng makapanganak.

Dagdag pa niya, kumpara sa naunang pagbubuntis sa anak na si Cooper ay kakaiba ang second pregnancy niya. Mas naging moody daw siya at insecure na maaring dala ng hormonal change dahil sa pag-dadalangtao.

Pero ngayon sabi ni Gwen ay na-relieve siya ng makapanganak na. At hindi lang siya ang happy dito, pati narin ang mister na si David na kasama niya sa buong pagbubuntis. Ang second baby nila Gwen at David ay isang girl na pinangalanan nilang Amber.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Finally almost kinda feeling back to my old self 10days post-partum ??‍?”

“My pregnancy with Amber was honestly not the best, i was super moody and somewhat insecure, hindi ko lang alam kung dahil sa hormones or what. But now that i’m baby in the belly free I feel a lot more relieved, happy and relaxed (the hubby is pretty happy about it too hahaha) ???”

“Thank you to all that congratulated us, we love yous!!!”

Ito ang post ni Gwen sa Instagram.

David Semerad sa panganganak ni Gwen Zamora

Larawan mula sa Facebook account ni Gwen Zamora

Noong July 11 ay unang nagbahagi si David Semerad sa naging panganganak ng kaniyang misis na si Gwen. Sa pamamagitan ng Instagram stories ay ibinahagi niya na nanganak si Gwen sa pamamagitan ng natural birth. Dahil nasa tabi siya ni Gwen sa mga oras ng labor at pangananak nito ay nakita niya ang paghihirap ng asawa. Kaya naman ito ang naging reaksyon niya sa matagumpay na panganganak nito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Super proud of my wife. She did an amazing job. What I witnessed tonight is really something special. Natural birth is another level. Respect for all the mothers out there.”

Ito ang bahagi ng IG post ni David sa mismong gabi ng naging panganganak ni Gwen.

Sa David ay ang kakambal ng mister ni Sam Pinto na si Anthony Semerad.

Sa parehong post ay pinasalamatan rin ni Gwen ang mister na hinawakan ang kaniyang kamay sa buong panganganak niya. Pati siya ay humanga sa mga babaeng pinipiling manganak sa pamamagitan ng natural birth na ngayon ay naranasan niya narin.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Congratulations David and Gwen!

 

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement