12 indoor plants na puwedeng pangontra sa dengue at lamok

Ang dengue ay isang panganib ano man ang panahon! Mag-invest sa mga halaman pangontra dengue na maaaring gawing dekorasyon sa bahay.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Napapadalas na naman ang pag-ulan na nagdudulot ng pagkabasa ng paligid at pagbaha. Sa ganitong panahon, tumataas ang kaso ng dengue. Bukod sa paglilinis ng ating kapaligiran, alam mo bang mayroong mga halaman pangontra dengue? Hindi lang makakatulong upang makaiwas sa mga lamok, maganda ring dekorasyon sa ating bahay!

12 indoor na halaman na pangontra dengue

Maraming halaman ang kilala sa kanilang kakayahang magtaboy ng lamok. Narito ang ilan sa mga pinakaepektibong halaman na maaari mong itanim sa iyong bakuran o itabi sa iyong bahay upang makatulong na mabawasan ang presensya ng lamok:

1. Lemongrass o tanglad

Image | Maxpixel

Kilalang sangkap sa pagkain sa South East Asia, ang lemongrass o tanglad. Ito rin ay isa sa mga indoor plants na nagtataboy ng mga lamok. Ang citronella oil na matatagpuan sa mga ito ang nagsisilbing pangtaboy. Ito ay sa pamamagitan ng pagtanggal ng amoy ng carbon dioxide at lactic acid na gustong gusto ng mga lamok.

2. Lavender: Halaman pangontra dengue

Image | Pixabay

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Oo, ang mabangong kulay lila na halaman na ito ay mabisang pangtaboy ng mga lamok!

Ayon sa Country Living, ang lavender ay mayroong camphor. Naitataboy ng amoy nito ang mga lamok. Ang halaman na ito ay isa sa mga indoor plants pangontra sa dengue na maaaring ilagay sa mesa o ano mang kuwarto!

3. Basil

Image | Pexels

Magandang ilagay sa pesto ang basil. At isa rin ito sa mga indoor plant na pangontra sa mga lamok.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Naglalabas ito ng natural na aroma na nakamamatay sa mga larvae ng mga lamok. Kapag ilagay ito malapit sa mga lalagyan ng tubig, napipigilan mangitlog ang mga lamok na maaaring kumalat sa inyong bahay!

4. Marigolds: Halaman pangontra dengue

Image | Pexels

Maganda at mabisang pangtaboy ng mga lamok! Puno ng pyrethrum, ligtas at organic na repellent ito para panatilihing dengue-free ang bahay.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

5. Lemon balm

Image | Pixabay

Ang halamang ito na nagpapababa ng stress ay mukhang mint. Habang natural na remedyo ito para sa ilang sakit, mabisa rin itong panlaban sa mga lamok. Maaaring durugin ang mga halaman nito at ipahid sa balat bilang wearable na repellent. Tandaan lamang na ito ay invasive species ng halaman kaya mabuting ilagay sa paso at hindi sa garden.

6. Catnip

Image | Pixabay

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Lalo kang mamahalin ng mga pusa kung mayroon ka nito. At makakatulong ito bilang isa sa pinakamalakas na pantaboy ng mga insekto! Salamat sa nepetalactone na nilalaman nito, napapaalis nito ang mga lamok na may dalang dengue virus.

7. Bawang: Halaman pangontra dengue

Image | Pixabay

Tulad ng sa mga aswang, ang amoy ng bawang ay nakakapagtaboy ng mga lamok! Maaaring durugin at pigain ang katas nito sa balat! Ngunit dapat alalahanin na maaari din itong makapagtaboy ng mga tao!

8. Rosemary

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image | Pixabay

Natural na mabango, ang rosemary ay magandang seasoning para sa karne. At maganda rin itong pantaboy sa mga insekto. Ang paglagay nito sa apoy ay makakapuno ng bahay ng amoy nito. At ang pagkakaroon ng halaman na ito sa bahay ay maaaring pagkunan ng seasoning kahit kailan!

9. Citronella: Halaman pangontra dengue

Image | Pixabay

Ang madaling alagaan na halaman na ito ay pangunahing sangkap sa mga kemikal na mosquito repellent at fragrant candles. Maaaring durugin ang mga halaman nito at ipahid sa balat bago umalis ng bahay.

10. Geranium

Image | Pixabay

Ang geranium ay amoy lemon at ikalawang pinakamagandang pantaboy ng lamok matapos ang citronella. May iba’t ibang kulay din ito kaya maganda ring gamitin bilang dekorasyon sa bahay!

11. Floss flower: Halaman pangontra dengue

Image | Flickr

Ang mga floss flower ay may kemikal na coumarin. Natataboy ng amoy nito ang mga lamok at maaaring isama sa ibang bulaklak sa mga bouquet para makagawa ng pangontra sa lamok na floral arrangement!

12. Mint (Yerba buena)

Ang mint ay nagbibigay ng malakas na amoy na ayaw ng mga lamok. Maari itong itanim sa paso o direkta sa lupa.

Manatiling dengue-free habang nagdadagdag ng kulay sa inyong mga bahay.

Iba pang maaaring gawin para iwas lamok sa bahay

Bukod sa pagtatanim ng mga halaman na pantaboy ng lamok, narito ang ilang iba pang hakbang na maaari mong gawin sa bahay upang mabawasan ang presensya ng mga lamok:

  • Alisin ang mga nakaimbak na tubig sa mga timba, paso, at iba pang mga lalagyan. Ang stagnant na tubig ay maaaring pamugaran ng mga lamok.
  • Tiyaking walang bara ang mga kanal at alulod upang maiwasan ang pag-imbak ng tubig.
  • Maglagay ng screen sa mga bintana at pintuan upang hindi makapasok ang mga lamok. Siguraduhing walang butas o sira ang mga screen.
  • Maglagay ng insect repellent sa iyong balat at damit, lalo na kung lalabas ka sa gabi o pupunta sa mga lugar na may maraming lamok.
  • Gumamit ng mosquito coils o electric mosquito repellent sa loob ng bahay.
  •  Tiyaking hindi sobrang siksik ang mga halaman sa iyong bakuran upang hindi ito maging taguan ng mga lamok. Regular na i-trim ang mga halaman upang mapanatili ang tamang airflow.
  • Maglagay ng mosquito nets sa mga kama, lalo na sa mga lugar na maraming lamok.
  • Ang mga lamok ay hindi komportable sa malamig na kapaligiran, kaya’t panatilihing naka-on ang electric fan o air conditioner.
  •  Ang mga essential oils tulad ng eucalyptus, peppermint, at lavender ay kilala sa kanilang kakayahang magtaboy ng lamok. Maaari kang maglagay ng ilang patak sa diffuser o ihalo sa tubig at i-spray sa paligid ng bahay.
  •  Maglagay ng electric bug zapper sa labas ng bahay upang mahuli at mapatay ang mga lamok.

Ang pagsasagawa ng mga hakbang na ito ay makakatulong upang mabawasan ang presensya ng mga lamok at mapanatili ang kalinisan at kalusugan ng iyong tahanan.

Isinalin sa Filipino mula sa theAsianparent Singapore

Basahin: #AskDok: Ano ang pinagkaiba ng normal rash sa rash na dala ng dengue?