13 natural home remedies para sa pagtatae

undefined

Alamin ang mga natural home remedies at halamang gamot sa pagtatae na makakatulong upang malunasan ang diarrhea o loose bowel movement (LBM).

Pabalik-balik sa banyo? Alamin dito ang home remedies at halamang gamot sa pagtatae na pwede niyong subukan.

Malamang ay naranasan na nating lahat ang pagtatae. Isa ito sa mga sakit na talagang nakakairita at nakakabagabag, lalo na kung nasa labas ka ng bahay. Kadalasan, isa itong senyales na ang katawan ay may gustong ilabas na toxins. Bukod sa mga nabibiling gamot sa botika, mayroong natural home remedies at halamang gamot sa pagtatae na puwedeng gamitin bilang lunas, kabilang ang mga gamot sa pagtatae home remedies na madaling mahanap sa paligid. Maraming mabisang gamot sa pagtatae home remedies ang puwedeng subukan para mabilis na maibsan ang sintomas.

Uri ng pagtatae: karaniwang sintomas at sanhi

Ang diarrhea o pagtatae ay kadalasang inilalarawan nang madalas na pagdumi, at malambot o matubig ang stool o dumi na inilalabas. Madalas, ito ay nagtatagal lang ng ilang araw at kusa namang natatapos o nawawala. Ito ang tinatawag na acute diarrhea.

Kadalasang sanhi nito ay mga viral o bacterial infection, o pwede rin namang food poisoning. Sa mga bata, ang karaniwang sanhi ng pagtatae ay mga rotavirus. Pwede rin namang galing sa mga bacteria na salmonella o E.coli. Para sa mabilis na lunas, maraming mabisang gamot sa pagtatae home remedies ang puwedeng subukan upang maibsan ang sintomas.

Mayroon ding kondisyon na tinatawag na traveler’s diarrhea, kung saan nakakaranas ng pagtatae matapos ma-expose sa bacteria o parasites habang nagbabakasyon sa ibang lugar.

Tinatawag namang chronic diarrhea kapag ang pagtatae ay nararanasan ng higit sa 4 na linggo. Kadalasan, ito ay sanhi ng mas malalang kondisyon o intestinal disorder gaya ng  celiac diseaseCrohn’s disease.

Bukod sa madalas na pagdumi, narito pa ang ilang sintomas ng diarrhea:

  • pagsusuka o pagduwal
  • pananakit ng tiyan
  • bloated o parang busog ang pakiramdam
  • dehydration
  • lagnat
  • marami at matubig na dumi
halamang gamot sa pagtatae

Larawan mula sa Freepik

13 natural home remedies at halamang gamot sa pagtatae

1. Homemade electrolyte solution

Ang unang kailangan na bantayan sa isang taong nagtatae ay ang dehydration. Marami ang nawawalang tubig at electrolytes sa katawan kapag nagtatae. Isa rin ang dehydration sa maaaring dahilan kung bakit nasisira ang tiyan.

Maaaring gumawa ng sariling version ng Gatorade upang makatulong sa hydration. Maghalo ng 6 na kutsarita ng asukal at kalahating kutsarita ng asin sa isang litro ng tubig at inumin. Ito ay isang mahusay na gamot sa pagtatae home remedies.

2. Clear broth o juice

Ang pag-inom ng apple juice at mga sabaw na malinaw ay nakakatulong upang mapalitan ang nawawalang asin at minerals sa katawan dahil sa pagtatae. Simulan sa pakonti-konting paghigop ng sabaw o juice hanggang magawang mag-isang tasa kada-kalahating oras.

Ngunit dapat iwasan ang citrus, pinya, kamatis at iba pang juice na hindi malinaw ang kulay dahil makakapagpasakit lalo ng tiyan ang acid na dala nito. Ang mga malinaw na sabaw ay isang epektibong gamot sa pagtatae home remedies.

3. Puting kanin

Kahit mahirap kumain habang sumasakit ang tiyan, ang pagkain ng puting kanin ay makakatulong upang gumaan ang pakiramdam.

Ayon sa nutritionist na si Lisa Richards ng The Candida Diet, ang puting kanin ay madaling natutunaw sa tiyan ngunit hindi nakaka-irita. Mababa ang bilang ng fiber nito kaya nakakatulong sa pagpatigil ng pagtatae. Ang puting kanin ay isa ring magandang gamot sa pagtatae home remedies.

4. Halamang gamot sa pagtatae: Luya

Bukod sa pagtulong sa mga nahihilo at may masakit na lalamunan, ang luya ay isa ring mabisang halamang gamot sa pagtatae.

Pinapainit kasi nito ang sikmura at nirerelax ang digestive system. Mayroon din itong anti-inflammatory, analgesic, at antibacterial properties na tumutulong para gumaling ang sakit sa tiyan.

5. Kumain ng saging : Halamang gamot sa pagtatae

Ayon kay Dr. Nikola Djordjevic ng MedAlertHelp.org, nakakatulong ang pagkain ng saging sa pag-ayos ng mga likido, tensyon ng muscles, at nerve signals. Nakakatulong ang saging sa pamamagitan ng pagbibigay ng potassium. Ito ay isang natural na gamot sa pagtatae home remedies.

6. Probiotics

Isa sa mga pinakamabilis na paraan para labanan ang bad bacteria sa tiyan ay ang pagkain ng probiotics na may good bacteria. Nalaman sa mga pag-aaral na nakakatulong ito upang maibsan ang pagtatae bukod sa siguradong ligtas ito. Maaaring makuha ang probiotics sa mga supplements o kaya naman sa yoghurt.

7. BRAT diet

Kapag masakit ang tiyan at nagtatae, kadalasan ay wala tayong ganang kumain sa takot na lalong lumala ang sakit. Subalit ang sagot ng mga eksperto – BRAT diet o Bread, rice, apple sauce at toast. Ang mga pagkaing ito ay yari sa starch at mababa ang fiber kaya nakakatulong sa pagbuo ng dumi. Hindi rin nahihirapan ang tiyan sa pagtunaw nito kaya nakakatulong sa pagpapagaan ng pakiramdam. Ang BRAT diet ay isang mahusay na gamot sa pagtatae home remedies.

8. Halamang gamot sa pagtatae: Subukan ang psyllium

Ang paghalo sa inumin ng natutunaw na fiber na psyllium ay nakakatulong sa kalusugan ng tiyan. Ang pangunahing sangkap na metamucil ay plantago ovata, isang mabisang halamang gamot sa pagtatae na mula sa India.

Ayon kay Dr. Carolyn Dean, nakakatulong ito sa pag-absorb ng likido ng bituka at nakakapagbuo ng dumi. Maaring magtunaw ng isang kutsarita ng psyllium sa isang pitsil ng tubig o kaya uminom ng dalawang capsule dalawang beses sa isang araw nang may konting tubig na panulak.

9. Hot chocolate

hot chocolate para mga taong may almoranas

Larawan mula sa Pexels

Isa pang rekomendasyon ni Dr. Dean ang paghalo ng dalawang kutsarita ng carob powder (isang substitute sa cocoa powder) sa anim na ounces ng tubig para sa kakaibang mainit na tsokolate. Ang carob powder ay may lasang tsokolate at nakakatulong bawasan ang pagtatae sa pagpapatigas ng dumi.

10. Magdagdag ng zinc

Ang pagkain ng mga mapagkukunan ng zinc, tulad ng mani, buto at itlog, ay kailangan lalo na ng mga bata. Kapag nagtatae, nababawasan ang mga bitamina at zinc ng katawan. Importante ang zinc sa pagpapagaling at pag-iwas sa malalang diarrhea lalo na sa mga bata.

11. Halamang gamot sa pagtatae: Chamomile Tea

Ang chamomile tea ay isang klase ng tsaa na magaan sa tiyan. Madalas itong ginagamit para marelax ang digestive muscles at magamot ang ilang problema rito.

Ang pag-inom ng isang tasa ng chamomile tea ay makatutulong sa pagtatae dahil ito ay nagsisilbi rin bilang isang anti-inflammatory agent.

12. Rice water

Bukod pa sa pagkain ng puting kanin, maaari ring makatulong ang rice water para sa pagtatae. Magpakulo lamang ng 1 tasa ng bigas at 2 baso ng tubig ng 10 minuto hanggang sa lumapot ito at pagkatapos ay salain ang kanin at itabi ang tubig para inumin.

13. Halamang gamot sa pagtatae: Honey

Maraming mga tao ang nagsasabi na nakakatulong ang pinakuluang tubig na hinaluan ng ilang kutsara ng organic honey para sa pagtatae.

Base dito, sinasabing naiibsan nito ang sakit na dala ng pagtatae bagamat kinakailangan pa ng mas maiging pag-aaral para malaman kung ito nga ay totoo.

Gayunpaman, ang pag-inom ng honey na hinalo sa tubig ay makatutulong pa rin para ma-hydrate ang katawan dahil sa pabalik-balik na pagpunta sa banyo.

Tandaan na kumonsulta muna sa doktor bago bigyan ang mga bata ng home remedies o anumang gamot sa pagtatae.

Ano ang mga pagkain na dapat at hindi dapat kainin?

Ang pagkain ng maliliit na porsyon ng pagkain ngunit mas madalas ay higit na magandang gawin kaysa sa pagkain ng tatlong beses ngunit malaking porsyon.

Ilan sa mga halimbawa sa ibaba ay nakatutulong hindi lamang upang matigilan ang paglala ng pagtatae kundi tumutulong din para mabuo ang iyong dumi. Ang mga pagkain na magandang kainin ng isang nagtatae ay:

  • Pagkaing may mataas na pectin, halimbawa nito ay ang mga prutas
  • Pagkaing may mataas na potassium tulad ng patatas at kamote
  • Malalambot na lutong gulay
  • Pagkain na mayaman sa protein
  • Ang pagkain ng plain crackers
  • Pagkain may mababang fibre tulad ng cereal o oatmeal

Ang pag-iwas sa ilang klase ng pagkain ay makatutulong para maiwasan ang posibleng pagkairita o pressure na madadagdag sa iyong gastrointestinal tract. Ang mga pagkain na dapat iwasan ay ang mga sumusunod.

  • Iwasan ang mga mamantika at masesebong pagkain dahil ito’y makakairita lalo sa tiyan.
  • Mga pagkain na naglalaman ng artificial sweeteners ay iwasan gaya ng cake o cookies.
  • Ang anumang maaanghang na pagkain ay dapat na iwasan.
  • Mga klase ng dairy products o pagkain na naglalaman nito tulad ng cheese, gatas at ice cream.
  • Lahat ng klase ng alak ay makasasama dahil mapapalala nito ang pagkairita ng iyong digestive tract.
  • Mga inuming mayroong caffeine gaya ng carbonated drinks (soda) at kape ay iwasan rin.

Ang ilang klase ng gulay tulad ng broccoli, cauliflower, repolyo, mais, beans, peas, at mga madadahong gulay ay dapat na iwasan dahil ang mga ito ay makakadagdag ng gas sa iyong intestines. Gayundin ang apple juice dahil ito’y nagsisilbing laxative.

Gamot sa pagsusuka at pagtatae home remedy

Minsan, ang diarrhea ay maaaring samahan ng pagsusuka, na maaaring magdulot ng labis na pag-aalala, lalo na kung ito ay nagiging sanhi ng dehydration. Sa ganitong sitwasyon, mahalagang malaman ang mga home remedy na makakatulong sa pagbawas ng mga sintomas.

Ang diarrhea na may kasamang pagsusuka ay kadalasang resulta ng gastrointestinal infections, tulad ng viral o bacterial infections, na nagdudulot ng inflammation sa digestive tract. Ang katawan ay nagre-react sa pamamagitan ng pag-flush out ng toxins at pathogens, na nagiging sanhi ng parehong sintomas bilang isang protective mechanism.

Isang epektibong home remedy ay ang pag-inom ng clear fluids tulad ng tubig, sabaw, o electrolyte solutions upang mapanatili ang tamang antas ng hydration. Ang mga banayad na herbal teas tulad ng ginger tea ay maaari ring makatulong sa pagkalma ng tiyan at pag-aayos ng digestive system. Bukod dito, ang pagkain ng bland foods tulad ng saging, kanin, at toast ay makakatulong sa pag-replenish ng mga nutrients na nawala sa katawan.

Kung ang pagsusuka at pagtatae ay patuloy, mahalaga pa ring kumonsulta sa doktor para sa mas angkop na paggamot. Ang mga gamot sa pagsusuka at pagtatae home remedy na ito ay makakatulong na maibsan ang mga sintomas, ngunit ang tamang pag-aalaga at atensyon sa iyong kalusugan ay laging kinakailangan.

Mga dapat na tandaan

halamang gamot sa pagtatae

Larawan mula sa Shutterstock

Ang pag-inom ng tubig o ibang mga inumin ay sobrang mahalaga upang maiwasan ang dehydration. Ang labis na dehydration mula sa pagtatae ay mapanganib para sa mga matatanda lalo na sa mga bata. Uminom ng nasa 8 hanggang 12 baso ng tubig lalo na ngayon na nagtatae at maaaring inumin ito ng paonti-onti at ng mabagal.

Iwasan ang pag-inom ng mga inuming sobrang lamig o sobrang init. Maiging ang iinumin ay nasa katamtaman lamang dahil maaaring maduwal kapag sobrang lamig o init nito.

Kumain lamang muna ng mga bland na pagkain upang mapalitan ang mga nawalang nutrients sa iyong katawan at mapatigas ang dumi. Ang mga nabanggit sa itaas na mga pagkain ay magandang halimbawa nito.

Ang pag-eehersisyo ay ipagpaliban na muna lalo na’t ngayon na hindi mo gugustuhin na malayo sa banyo. Ipahinga na muna ang katawan habang nakararanas ng pagtatae dahil ito’y nakakapagpataas ng tiyansa ng dehydration. Iwasan ito ay ipagpatuloy na lamang sa oras na bumuti na ang pakiramdam.

Ang pagtatae o diarrhea ay maaaring mapasa sa ibang mga tao sa pamamagitan ng direct contact. Maiging hugasan ang mga kamay palagi pagkatapos gumamit ng banyo at bago kumain.

Kailan dapat pumunta sa doktor?

Ayon sa mga eksperto, maari namang gamutin ang pagtatae sa loob ng bahay. Subalit para sa mga bata, kailangang bantayan at siguruhin na iinom sila ng maraming tubig para makaiwas sa dehydration. Lubhang delikado ito sa mga bata dahil mahina pa ang kanilang immune system.

Huwag nang mag-atubili na dalhin sa ospital ang iyong anak kapag nagpapakita siya ng mga sumusunod na sintomas:

  • Hindi tumitigil ang pagtatae sa loob ng 24 oras
  • Kaunti ang iniihi (sa mga baby, walang basang diaper sa mahigit 3 oras)
  • Lagnat na 39 degrees Celsius pataas
  • Dumi na maitim o may dugo
  • Tuyo ang bibig at walang luha kapag umiiyak
  • Matamlay at iritable
  • Lubog ang mga mata at pisngi

Kung ikaw naman mismo ang mayroong diarrhea, narito ang mga senyales na dapat nang magpakonsulta sa doktor:

  • Hindi bumubuti ang iyong pakiramdam at patuloy ang pagtatae pagkatapos ng 2 araw
  • Nararanasan ang mga sintomas ng dehydration – matinding uhaw, nanunuyong bibig at balat, madalang ang pag-ihi, nanghihina at nahihilo, maitim na kulay ng ihi.
  • Matinding sakit ng tiyan at puwet
  • Dumi na maitim o may dugo
  • Lagnat na 39 degrees Celsius pataas

Paano maiiwasan na magkaroon ng diarrhea?

Ayon sa World Health Organization ang diarrhea ang second leading cause ng pagkamatay ng mga batang nasa edad 5 taong gulang. Kaya hindi basta dapat balewalain kung may diarrhea ang anak.

Dagdag pa ng WHO ang mga batang malnourished o may mahinang immune system tulad ng mga taong may HIV ang may mataas na risk ng life-threatening diarrhea.

Karaniwang sintomas ito ng impeksyon sa intestinal tract na posibleng sanhi ng iba’t ibang bacteria, virus, o parasitic organisms.

Kadalasang kumakalat ang infection sa mga contaminated na pagkain o tubig. Pwede rin itong maipasa nang tao-sa-tao kaya mahalaga na mayroong good hygiene.

Upang maiwasan ang diarrhea importante na mayroong safe drinking water at improved sanitation. Mahalagang maghugas palagi ng kamay gamit ang tubig at sabon.

Para naman sa mga sanggol. Makabubuti ang exclusive breastfeeding. Ibig sabihin, mainam na gatas lamang ng ina ang makonsumo ng mga sanggol na wala pang anim na buwang gulang.

Importanteng panatilihin ang malinis na pangangatawan at malinis na kapaligiran bilang pag-iwas sa diarrhea.

Panghuli, maaari ding magpabakuna kontra rotavirus sa inyong health center.

Updates by Jobelle Macayan

Dito sa theAsianparent Philippines, mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!