TAP top app download banner
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product Guide
Sign in
  • Money Tips
    • Savings
    • Loans
    • Insurance
    • Investments
    • Government Benefits
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Mother’s Day 2024 special buffet promos sa mga restaurant sa Pinas

5 min read
Mother’s Day 2024 special buffet promos sa mga restaurant sa Pinas

Nag-iisip ka na ba kung saan pwedeng dalahin si mommy sa Mother's Day? Why not i-treat siya ng special buffet na may kasama pang Mother's Day activities na tiyak na ma-eenjoy niya!

Taun-taon tuwing ikatlong Linggo ng Mayo, binabati natin ang ating mga ina ng Happy Mothers Day. Ipinagdiriwang natin ang Mother’s Day upang bigyang pugay at pasasalamat ang mga dakilang ina sa kanilang walang sawang pagmamahal at sakripisyo para sa pamilya.

Kaya naman, bilang pagdiriwang ng espesyal na araw na ito, hindi lang basta pagbati ng Happy Mothers Day ang offer ng iba’t ibang restaurant sa Pilipinas. Nariyan ang mga Mother’s Day buffet promo bilang treat sa ating mga mommy!

Happy Mothers Day: Buffet Promo para sa mga ina ngayong 2024

B Hotel Alabang Mother’s Day Lunch Buffet

Kailan: May 12, 2024 (11:30 am hanggang 2:00 pm)

Saan: Prime Street, Madrigal Business Park, Muntinlupa City

Special buffet promo ang handog ng B Hotel Alabang sa mga nanay. Tampok sa kanilang lunch buffet ang mga masasarap na putahe kabilang na ang chicken parmigiana, pollock fillet with lemon capers sauce, at salmon papillote.

happy mothers day

Larawan mula sa Facebook page ng B Hotel Alabang

At hindi natatapos sa pagkain ang Mother’s Day treat na ito. Mayroon pa kasing after-lunch event na tinatawag na ‘Palette and Palate’ mula 3:00 pm hanggang 6:00 pm.  Isa itong art, painting, at wine activity. Kung lalahok sa event na ito, kasama na ang art materials, guidance mula sa painting instructor, wine, canapes, at special gift para kay mommy, sa mga babayaran.

Rates:

  • Php 1,050 nett per person para sa lunch buffet
  • Php 1,599 nett per person para sa after-lunch event na ‘Palette and Palate’

Para sa iba pang detalye, bisitahin ang Facebook page ng B Hotel Alabang

Networld Hotel Spa and Casino: Mother’s Day Retreat

Kailan: May 11, 2024

Saan: Roxas Boulevard corner Sen. Gil Puyat Avenue, Pasay City

Hindi pahuhuli ang promo offers ng Networld Hotel Spa and Casino na Mother’s Day Retreat. Tampok sa event na ito ang Yoga Session para sa mga ina. At syempre ang buffet na masagana sa masusustansyang pagkain. Layunin ng event na ito ng Networld Hotel Spa and Casino na hindi lamang maramdaman ng mga ina na sila ay espesyal kundi ay magkaroon din sila ng panahon para ma-relax ang katawan at isipan.

Rate:

Php 850 kada tao (may 20% discount sa mga room package)

Para sa iba pang detalye, bisitahin ang Facebook page ng Networld Hotel Spa and Casino

Happy Mothers Day: The Bellevue Manila Mother’s Day at Qsina

Kailan: May 12, 2024

Saan: Filinvest City, Alabang, Muntinlupa City

Dalawang klaseng buffet ang inihanda ng Qsina sa The Bellevue Manila para sa mga mommy. Mayroon silang lunch buffet mula 12 ng tanghali hanggang 2:30 ng hapon. Samantala, ang dinner buffet naman nila ay alas-6 ng hapon hanggang alas-10 ng gabi.

Bukod sa masasarap na pagkain mayroon ding live entertainment at complimentary perfume para sa mga mommy.

Rates:

  • Php 2,800 nett per person (Early Bird Rate)
  • Php 3,100 nett kada tao (Regular Rate)

Para sa bookings at iba pang katanungan, maaaring bisitahin ang Facebook ng The Bellevue Manila.

happy mothers day

Larawan mula sa Facebook page ng The Bellevue Manila

The Heritage Manila Mom’s Day Out: Awesome Treats for the Queen

Kailan: May 12, 2024 (12:00 pm hanggang 3:00 pm)

Saan:  Roxas Boulevard corner EDSA, Pasay City

Talagang feeling special si mommy sa lunch buffet ng The Heritage Manila.

Free-flowing ang drinks kaya one to sawa si mommy. Mayroon pang special mimosa cocktails para sa mga ina. Bukod pa riyan, hindi mawawala ang entertainment at raffle draw. Mayroon ding photobooth kung saan ay maaari niyong gawing immortal ang alaala ng inyong celebration. At syempre, hindi kompleto ang treat kay mommy kung wala ang free gifts para sa mga ina.

Dagdag pa rito, mae-experience ni mommy ang cook-out session kasama ang chef ng The Heritage Manila. At ang bongga? Kada limang buffet bookings, magkakaroon kayo ng complimentary stay for 2 sa kanilang Deluxe room.

Partner Stories
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
Back-to-School Wins: Smart Budgeting with GCash + a Chance to Score a Year’s Worth of Supplies
Back-to-School Wins: Smart Budgeting with GCash + a Chance to Score a Year’s Worth of Supplies
Moringa-O2: The Skin Multivitamin Every Filipino Family Needs
Moringa-O2: The Skin Multivitamin Every Filipino Family Needs
Get Soothing Skin Relief for the Whole Family with Moringa-O2
Get Soothing Skin Relief for the Whole Family with Moringa-O2

Rate:

Php 1,998 nett kada tao

Para sa iba pang impormasyon, maaaring bumisita sa Facebook Page ng The Heritage Manila

Manila Ocean Park: Mother’s Day Dinner Under the Sea

Kailan: May 12, 2024 (6:30 pm hanggang 9:00 pm)

Saan: Quirino Grandstand, Ermita, Manila

Kung gusto mong pasalamatan ang iyong ina habang ine-enjoy ang kagandahan ng karagatan, ang Aqua Dining event sa Manila Ocean Park ay para sa inyo.

happy mothers day

Larawan mula sa website ng Manila Ocean Park

Tampok sa nasabing event ang special dinner para sa inyo ni mommy. Kasabay pa ‘yan ng pagtatanghal ng live acoustic music. Talagang napaka-romantic.

Bukod pa rito, maaaring ma-enjoy ang exclusive after-hours visit sa Oceanarium. Kung saan ay masisilip ang intimate view ng marine life sa Manila Ocean Park. At di pa diyan nagtatapos ang pasabog ng Manila Ocean Park, pwede ring magpakuha ng pictures sa themed photobooth na dinisenyo talaga para sa Mother’s Day.

At syempre, para feel na feel ni mommy ang espesyal na gabi, mayroon din siyang special gift na matatanggap.

Rates:

  • VIP (Oceanarium Tunnel): Php 3,199 nett kada tao
  • Premium Seating (Katabi ng Tank): Php 2,499 nett kada tao
  • Classic Seating: Php 2,200 nett kada tao

Para sa iba pang impormasyon, maaaring bumisita sa website ng Manila Ocean Park.

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Jobelle Macayan

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • Mother’s Day 2024 special buffet promos sa mga restaurant sa Pinas
Share:
  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

    Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

  • How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

    How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

    Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

  • How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

    How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
  • Gabay ng Mga Magulang
  • Relasyon
  • Pagpapasuso at formula
  • TAP Community
  • Advertise With Us
  • Contact Us
  • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Vietnam flag Vietnam
© Copyright theAsianparent 2026. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko