TAP top app download banner
theAsianparent
theAsianparent
EnglishFilipino
Product Guide
  • Money Tips
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
  • Anak
  • Pagpapalaki ng anak
  • Kalusugan
  • Edukasyon
  • Lifestyle
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Community
Login
  • EnglishFilipino
    • Articles
  • Money TipsMoney Tips
  • Building a BakuNationBuilding a BakuNation
  • Para Sa MagulangPara Sa Magulang
  • AnakAnak
  • Pagpapalaki ng anakPagpapalaki ng anak
  • KalusuganKalusugan
  • EdukasyonEdukasyon
  • LifestyleLifestyle
  • VIP CommunityVIP Community
  • Pandemya ng COVID-19Pandemya ng COVID-19
  • Press ReleasesPress Releases
  • TAP PicksTAP Picks
  • ShoppingShopping
  • CommunityCommunity
    • Community
  • Poll
  • Photos
  • Food
  • Recipes
  • Topics
  • Magbasa Ng Articles
    • Tracker
  • Pregnancy Tracker
  • Baby Tracker
    • Rewards
  • RewardsRewards
  • Contests
  • VIP ParentsVIP Parents
    • More
  • Feedback

Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML

I-download ang aming free app

google play store
app store

Isang bukas na liham ngayong Mother's Day para sa mga anak na lumaking walang Nanay

5 min read
Isang bukas na liham ngayong Mother's Day para sa mga anak na lumaking walang Nanay

Alamin ang kwento ng isang writer na lumaking walang ina. Paano ba niya ipinagdiriwang ang Mother's Day? Basahin ang kaniyang kwento rito

Para sa karamihan isang masayang selebrasyon ang “Araw ng mga Ina” o “Mother’s Day” pero paano na lamang ang mga anak o batang lumaki nang walang ina? Paano ipinagdiriwang ng isang anak ang Mother’s Day kung wala siyang Nanay na nag-aruga sa kaniya?

Maliit pa ako noon nang mangyari ang paghihiwalay ng aking mga magulang. Sabi ng Tatay ko kakadalawang-taon gulang ko lamang noon nang iwanan kami ng aking Nanay.

Ang totoo wala akong maalala sa mga nangyari, siguro kung may naalala ako iyon ang minsan kong nakita ang Tatay ko na lasing at iniiyakan ako. Noon, hindi ko pa maunawaan ang mga luha na iyon.

Subalit ngayon, nauunawaan ko na, ang luhang iyon ay luha ng lungkot at pag-aalala. Paano na kami? Paano na ako na anak niya na lalaking walang ina?

Totoong mahirap lumaki na hindi kumpleto ang magulang, lalo na kapag walang ina. Wala kang maiiyakan o mayayakap kapag malungkot ka. Dumating ako sa punto na tinanong ko ang Panginoon noong nasa highschool ako kung bakit ganito ang buhay ko, at sa dinami-dami ng bata ako pa ang walang Nanay.

walang ina

Larawan mula sa author

Nakakainggit ang mga kaklase ko noon dahil kapag family day, mayroon silang nanay at tatay na kasama. Samantalang ako, Tatay lang tapos sinasama minsan ang Lola o Tita ko.

Hindi naman talaga maiiwasan iyon. Pero ngayong malaki na ako. Naunawaan ko, na ang pagiging ina minsan ay higit pa sa dugo. Wala roon ang pagiging ina o isang magulang.

Marami pala akong ina, marami akong naging nanay. Iniwan man ako ng tunay kong ina ay mas dumami pa ang naging nanay ko.

Kaya naman para sa mga katulad kong lumaking walang ina, ito ang liham ko para sa atin.

Isang bukas na liham para sa mga anak na lumaking walang ina

 Alam kong mahirap, lalo na siguro kung bata pa lamang ay wala kang Nanay na umaaruga sa iyo. Walang kang nayayakap kapag sobrang lungkot mo o kaya naman pakiramdam mo wala kang kakampi.    Nagtataka ka kung bakit pa kailangan humantong sa ganitong sitwasyon. Kinukuwestyon mo ang Diyos kung bakit ganito ang buhay mo. Pero tandaan mo may dahilan lagi ang lahat ng bagay sa daigdig.    Kahit mahirap alam kong kinakaya mo, at lagi kang nagpupursigi para maging maligaya sa kabila ng laging pagtataka at lungkot. Tandaan mo na hindi ito sumpa o kamalasan, huwag mo rin sisihin ang Diyos o Tatay mo kung naghiwalay sila ng iyong nanay.   Ngayong Araw ng mga Ina o Mother’s Day, alam kong nahihirapan ka at maaari pa ngang bitter ka pa rin hanggang ngayon. Sapagkat ang iba ang may mababating nanay sa araw na ito, o kaya naman mayayakap o mabibigyan ng regalo. 

 

“Pero hindi ibig sabihin na hindi tayo kinalinga ng ating tunay na mga nanay, ay wala tayong ina. Marami tayong mga nanay, na higit pa ang ipinapakitang pagmamahal kaysa sa ating mga tunay na nanay. ” – K. Rosales

walang ina Ang mga Tita kong naging tunay kong ina. | Larawan mula sa author   Ang ating tatay, na tumayong nanay para sa atin, na sa kabila ng hirap sa paggampan ng dalawang tungkulin ng pagiging magulang ay nagawa niya. Mapapalad tayo dahil kahit papaano’y may mga Tatay tayo na hindi tayo pinapabayaan.    Maaaring nariyan din ang ating mga lola, at mga tita, na kahit hindi nila inuluwal sa mundo. Minahal nila tayo ng buong-buo kagaya ng isang tunay na anak.

BASAHIN:

#TAPMAM 2021: Ley Almeda – Ang nakaka-inspire na kwento ng isang dating single mom

Child Custody Law: Ang mga dapat malaman ng single parents

Nanay: “Kailangan mong maging matatag kung magiging single parent ka”

Mapalad pa rin tayo, ngayong Mother’s Day hindi totoo na wala tayong mapagsasabihan ng Happy Mother’s Day. Maraming nakapaligid sa atin na minamahal tayo, na naging nanay para sa atin. 

 

Tandaan mo rin na hindi ka nag-iisa, marami tayong lumaki nang walang nanay. Iniwan man nila tayo sa pisikal na mundo o pinagpalit sa ibang pamilya. 

walang ina Ang mga Lola kong naging tunay ko ring mga nanay. | Larawan mula sa author.   May nakakaintindi sa ‘yo. Naiintindihan kita. Ayos na lang na minsan sa ating mga buhay ay magtanong o magalit sa mundo. Pero alam ko na mauunawaan mo rin kagaya ko ang dahilan kung bakit ito nangyari sa atin.    Maraming depinisyon ang pagiging Nanay, sabi nga ni K. Rosales na kagaya ko rin na iniwan ng nanay basta’t ramdam mo ang kalinga niya, ang pagmamahal niya. Sapat na iyon para ituring natin nanay ang mga nag-aaruga sa atin.    Ngayong Mother’s Day, batiin natin ang mga babaeng kahit hindi sila ang nagluwal sa atin sa daigdig minahal tayo ng buong-buo bilang tunay nilang mga anak.    Batiin natin ang mga Tatay natin, na tumayong nanay at tatay pa sa atin. Pati na rin ang ating mga lola at mga tita na tinuring din tayong mga anak.    “Laban lang, hindi lamang ang nagluwal na nanay mo ang dapat mong makita bilang nanay mo. Dapat makita mo rin ang mga ibang nanay na nagpapakaka-nanay para sa atin.” – K. Rosales   Laban lang! Tuloy lang! Maraming nagmamahal sa ‘yo, marami kang nanay. Saka hindi ka nag-iisa.    Nagmamahal, Marhiel

walang ina

Larawan mula sa author

Pinagdiriwang ko na ang Mother’s Day kahit wala ang tunay kong nanay. Sapagkat marami akong mga nanay kahit hindi nila ako iniluwal sa daigdig naging tunay na ina sila para sa akin. Kahit noon sobrang bitter ako. Pero ngayon nauunawaan ko na.

Kaya naman Happy Mother’s Day sa aking Tatay na naging nanay ko rin, sa lahat ng mga ina, at sa mga Tatay na naging nanay! Happy Mother’s Day sa ating mga Tita at Lola na tumayong ating mga Nanay.

 

Partner Stories
A love that’s louder than words: The newest #MyKwentongJollibee is a heartfelt tribute to all mothers
A love that’s louder than words: The newest #MyKwentongJollibee is a heartfelt tribute to all mothers
Life After TB: Organizations that Support Healing and Recovery
Life After TB: Organizations that Support Healing and Recovery
McDonald’s Kiddie Crew makes a successful comeback this year
McDonald’s Kiddie Crew makes a successful comeback this year
Toy company BebeBata launches online gift service in time for holiday season
Toy company BebeBata launches online gift service in time for holiday season

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Marhiel Garrote

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Tunay na kuwento
  • /
  • Isang bukas na liham ngayong Mother's Day para sa mga anak na lumaking walang Nanay
Share:
  • Beyond Milk and Toward Healing

    Beyond Milk and Toward Healing

  • Open Letter sa mga Magulang: Palakihin Natin ang Ating mga Anak ng Maayos Nang Hindi Sila Nagiging Bully

    Open Letter sa mga Magulang: Palakihin Natin ang Ating mga Anak ng Maayos Nang Hindi Sila Nagiging Bully

  • Gay Kid Steals the Show at Sagayla, Thanks to His Proud Rap Artist Dad

    Gay Kid Steals the Show at Sagayla, Thanks to His Proud Rap Artist Dad

  • Beyond Milk and Toward Healing

    Beyond Milk and Toward Healing

  • Open Letter sa mga Magulang: Palakihin Natin ang Ating mga Anak ng Maayos Nang Hindi Sila Nagiging Bully

    Open Letter sa mga Magulang: Palakihin Natin ang Ating mga Anak ng Maayos Nang Hindi Sila Nagiging Bully

  • Gay Kid Steals the Show at Sagayla, Thanks to His Proud Rap Artist Dad

    Gay Kid Steals the Show at Sagayla, Thanks to His Proud Rap Artist Dad

Feed

Feed

Makatanggap ng tailored articles about parenting, lifestyle, expert opinions right at your fingertips

Poll

Poll

Sumali sa mga interesting polls at tingnan kung ano ang iniisip ng ibang mga magulang!

Photos

Photos

I-share ang mga photo ng 'yong loved ones in a safe, secure manner.

Topics

Topics

Sumali sa communities para maka-bonding ang mga kapwa moms and dads.

Tracker

Tracker

I-track ang 'yong pregnancy at pati na rin ang development ni baby sa araw-araw!

theAsianparent

I-download ang aming free app

Google PlayApp Store

Moms around the world

Singapore flag
Singapore
Thailand flag
Thailand
Indonesia flag
Indonesia
Philippines flag
Philippines
Malaysia flag
Malaysia
Vietnam flag
Vietnam

Partner Brands

Rumah123VIP ParentsMama's ChoiceTAP Awards

© Copyright theAsianparent 2026 . All rights reserved

  • About Us
  • Privacy Policy
  • Terms of Use
  • Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko