Hasna Cabral ibinahagi ang struggle niya sa pagkakaroon ng two kids na may autism. Ayon pa kay Hasna, hanggang sa ngayon ay hindi niya paring lubos na napapatawad ang kaniyang sarili ng pagtakaan niyang lasunin ang mga anak niya.
Mababasa dito ang mga sumusunod:
- Ang struggle ni Hasna Cabral sa pagpapalaki ng kaniyang two kids na may autism
- Mensahe ni Hasna sa mg magulang na tulad niya ay may anak na may autism
Ang struggle ni Hasna Cabral sa pagpapalaki ng kaniyang two kids na may autism
Image from Hasna Cabral’s Instagram account
Si Hasna Cabral ay nakilala sa programang Pinoy Big Brother ng ABS-CBN. Pero mas umingay ang pangalan niya ng wala niyang takot na ikuwento ang buhay niya sa vlog ng kilalang TV host na si Toni Gonzaga. Si Hasna ay may dalawang anak na sina Bash, 11-anyos at Baste, 8-anyos na parehong na-diagnose na may autism.
Sa vlog ni Toni ay idinetalye ni Hasna kung paano niya pinagtangkaang lasunin ang dalawa niyang anak na mayroong autism. Ito rin ang mga panahon na kung saan iniwan si Hasna ng pangatlong lalaking minahal niya at pinakasalan siya.
“Kailangan mawala muna ‘yong mga anak ko. Hindi ko sila puwedeng iwan sa nanay ko, sa mga kapatid ko dahil hindi nila kaya. Kasi ako nga nanay, hindi ko kaya eh.”
“So kailangan mawala kami as a family. Kailangan muna mamatay sila then after nila ako naman.”
“Hindi ko kayang patayin ‘yong mga anak ko. Yun ‘yong least na magagawa ko, nagluluto ako nilalagyan ko ng insecticide.”
Ito ang pagkukuwento noon ni Hasna sa ginawa niyang pagtatakang lasunin ang mga anak niya. Pero sa awa ng Diyos hindi ito natuloy. Nakapag-isip-isip si Hasna at hindi itinuloy ang masamang binabalak niya.
Sa ngayon, base sa panayam sa kaniya ng broadcaster na si Karen Davila ay hindi niya parin napapatawad ang kaniyang sarili sa nagawa niya sa anak.
“Hanggang ngayon I am learning to forgive myself. I almost killed them so parang trauma ko narin sa sarili ko na I got to that point na mahal na mahal mo ‘yong anak mo bakit mo sasaktan. Emotionally unstable talaga ako nun.”
Hasna umaming minsan ay hindi niya mapigilang mainggit sa ibang magulang na may normal na anak
Image from Hasna Cabral’s Instagram account
Kuwento ni Hasna, sa pagkakaroon ng dalawang anak na may autism ay understatement ang salitang mahirap. Noong una ay marami siyang tanong at higit sa lahat ay galit sa buhay na mayroon siya.
Partikular na ang paninisi sa mga ninuno niya dahil ayon sa pag-aaral ang autism ay 80% na namamana bagamat hindi pa tukoy ang inheritance pattern nito.
“Talagang maraming punto sa buhay ko na nagalit ako sa parents ko. Parang bakit nagkaganito yung mga anak ko. Alam mo ‘yong gusto kong hanapin yung mga lolo at lolo ko para awayin sila. Galit talaga ako sa mundo tapos nahihiya ako sa situation namin.”
Ito ang sabi pa ni Hasna.
Dagdag pa ni Hasna, noong una ay ikinahihiya niya ang sitwasyon nila. Lagi siyang nagpe-pretend na happy family sila sa social media. Bagamat sa puso niya ay may inggit siya sa mga magulang na may normal na mga anak.
“Every day nagwo-worry ako na paano kami. Hindi ko kayang itago e. Nahihiya, natatakot, galit. When people asked me, Kamusta kayo ng kids? We are happy family.”
“Lalo na sa mga friends ko, minsan kapag nag-scroll ako sa Facebook lalo pag March nakikita ko yung mga anak nila may awards. Walang halong kaplastikan pero talagang ang hirap na nag-cocompare ako sa kids na iba. Paano ba naman ako wala akong maipagmalaking anak.”
Pero kuwento pa ni Hasna, ang pinakamahirap sa pagkakaroon ng anak na may autism ay ang marami sa atin ang hindi aware sa kondisyon na ito. Kaya naman karamihan ng mga batang may autism ay nabu-bully tulad ng nangyari sa anak niyang si Baste.
BASAHIN:
Aubrey Miles sa pagkakaroon ng anak na may autism: “Yes, it’s mental but not a problem.”
Mensahe ni Hasna sa mga magulang na may anak na mayroong autism
Image from Hasna Cabral’s Instagram account
Kuwento pa ni Hasna, minsan ay nakaligtaan niya ng isara ang pinto. Habang siya ay busy sa paglalaba, nakalabas pala ng bahay ang anak niyang si Baste.
Hinanap niya ito at nakitang pinagsasampal na ito ng ibang bata. Si Baste masaya at nakangiti pa daw sa ginagawa sa kaniya.
“Paglapit ko may grupo ng bata na neurobiology. Nakabilog sila kay Baste tapos sinasampal nila isa-isa si Baste. Kasi pag sinampal mo si Baste hindi siya mag-rereact. Tatawa pa siya kasi akala niya its play, its game. So ‘yong mga batang mas matangkad sa kaniya habang sinasampal si Baste salitan natatawa sila kasi pagsampal mo tatawa si Baste.”
Ito daw ang sitwasyon kung saan labis na naawa si Hasna sa kondisyon ng anak niya. Kaya naman mula noon ay ipinangako niya sa sarili na hindi na muli itong mararanasan ng anak. Una syempre sa pamamagitan ng pagtanggap sa kondisyon nila at ang maging instrument na ipaintindi sa iba ang kanilang nararanasang sakit.
Si Hasna ito ang mensahe sa mga magulang na tulad niya ay may anak na may autism.