STUDY: Mas pagod ang mga nanay na may asawa kaysa sa mga single moms

"Anong tingin mo sa'kin, katulong?!" Kung nasabi mo na 'yan sa asawa mo, baka panahon na para pag-usapan ang hatian ng gawaing bahay.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Hatian ng gawaing bahay sa mag-asawa, nakakaapekto ba sa pagod at stress ng mga ina? Alamin dito.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Ayon sa pag-aaral, mas pagod ang mga nanay na may asawa kaysa sa single moms.
  • Mga posibleng dahilan kung bakit mas pagod ang maybahay
  • Tamang hatian ng gawaing bahay sa mag-asawa

Mommy, lagi ka bang pagod dahil sa lahat ng kailangan mong gawin? Baka kailangan niyong pag-usapan ni mister ang hatian ng gawaing bahay. Pwede niyo ring ipabasa sa kaniya ito.

Mga nanay na may asawa, mas pagod?

Madalas iniisip na nakakalamang ang mga babaeng kasal kaysa sa mga solo parents dahil mayroon silang katuwang pagdating sa mga responsibilidad sa kanilang pamilya. Subalit pagdating sa gawaing-bahay, hindi pala laging ganito ang kaso.

Ayon sa isang pag-aaral na isinagawa noong 2018, napag-alaman na ang mga nanay na mayroong asawa ay mas pagod mula sa mga gawaing-bahay at pag-aalaga ng anak. Kumpara sa mga nanay na walang asawa o hiwalay sa kanilang asawa.

Sa pag-aaral na tinawag na Marital Status and Mothers’ Time Use: Childcare, Housework, Leisure, and Sleep na isinagawa sa Amerika mula taong 2003 hanggang 2012. Tiningnan ang schedule at gawain sa buong araw ng mahigit 23 libong kababaihang may asawa, at ikinumpara ito sa mga schedule at gawain ng mga single moms.

Nakita rito na mas kaunti ang ginagawang gawaing bahay ng mga single mom. Mas marami rin silang oras para magpahinga at gawin ang kanilang gusto, kaysa sa mga babaeng may asawa. Ayon pa sa pag-aaral, nagagawa ng mga single mom ang mga bagay na ito habang inaalagaan pa ang kanilang mga anak.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Pexels

Ganito rin ang kaso maging sa mga working mom. Ayon sa isa pang pag-aaral, pagkatapos nilang magtrabaho sa opisina buong araw, aasikasuhin pa nila ang mga anak at mga gawaing bahay sa halip na magpahinga.

Hindi bababa sa isang oras din ang ginugugol ng mga nanay sa gawaing bahay. Kumpara sa mga 11-minutong gawaing bahay na nagagawa ng kanilang mga asawa.

Maging sa kanilang day-off, napag-alaman na uunahin pa rin ng mga babae ang mga gawaing bahay kaysa magpahinga, kumpara sa kanilang mga katuwang.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Mga posibleng dahilan kung bakit mas pagod ang mga butihing maybahay

Bagama't hindi naman natukoy sa pag-aaral ang mismong dahilan ng resultang ito, nagbigay naman ng pananaw ang mga nagsagawa nito.

Isa sa mga posibleng dahilan ay ang kulturang nakasanayan natin. Dito sa ating bansa, noon pa man ay ang mga babae na talaga ang inaasahan pagdating sa mga gawaing bahay. Nasa kalalakihan naman nakapasan ang paghahanap-buhay sa pamilya.

Bukod sa inaasahan na ang mga babae sa pag-aalaga ng mga bata. Sinisikap pa nilang gampanan ang papel ng isang butihing asawa, na nakakadagdag sa pressure na nararamdaman nila.

Larawan mula sa Freepik

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Samantala, ang ganitong bagay ay hindi inaasahan mula sa mga single moms dahil wala naman silang asawang kailangang pagsilbihan at pasayahin.

Hindi lang ito kasalanan ng mga mister. Sapagkat ayon sa nasabing pag-aaral, mismong ang mga nanay o mga asawang babae na ang naglalagay ng ganitong pressure sa kanilang mga sarili.

"Moms put housework ahead of their own leisure and sleep because they feel personally accountable for providing a home for their families," (Mas inuuna ng mga nanay ang mga gawaing bahay kaysa sa pahinga o paglilibang sa kanilang sarili dahil pakiramdam nila ay accountable o may pananagutan sila para sa pagkakaroon ng maayos na tahanan ng kanilang pamilya.) ani Liana Sayer, isa sa mga nanguna sa pag-aaral.

Kung hindi man sila ang mismong gumagawa ng gawaing bahay. Naglalaan pa rin sila ng oras para paalalahanan ang kanilang mga katuwang tungkol dito.

BASAHIN:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Dads willing humati sa bayarin pero hindi sa gawaing bahay, survey says

Dapat nga bang pasalamatan ang mga mister kapag tumutulong sila sa gawaing bahay?

Why you should get your boys to do household chores

Tamang hatian ng gawaing bahay sa mag-asawa

"Anong akala niyo sa 'kin, katulong?!" Kung nasabi mo na 'yan sa iyong asawa (o anak), marahil ay isa ka sa mga babaeng tinutukoy sa pag-aaral, at panahon na para pag-usapan niyo ni mister ang hatian sa gawaing bahay.

Bagama't ito ang sinasabi ng mga pag-aaral, hindi ibig sabihin ay dapat tanggapin na lang natin ito, mga mommy. Maaaring gumawa ng paraan para mabawasan ang stress at pagod natin, at maiwasan din ang pag-aaway niyong mag-asawa.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Narito ang mga bagay na dapat niyong tandaan:

  • Importante ang oras ng bawat isa.

Hindi porket mas mataas ang sinusweldo ni mister, at maliit lang ang sa 'yo o wala kang naaambag sa mga gastusin, ay mas mahalaga na ang oras niya kaysa sa 'yo. Mahalaga rin ang oras mo, at dapat ay pantay ang tingin niyo rito.

Pareho lang kayong may 24 oras sa isang araw, kaya mahalaga na maintindihan ng bawat isa kung paano niyo ginagamit ang oras niyo. Para magkaroon ng tamang hatian sa pag-aalaga ng mga bata at gawaing bahay.

  • Maglaan ng oras para sa sariling interes.

Ayon sa isang survey, mas maraming free time ang mga kalalakihan kumpara sa mga babae dahil sa dami ng oras na inilalaan nito para sa mga gawaing bahay.

Misis, marahil ay hindi napapansin ng iyong asawa na pagod ka na dahil pinipili mong laging nakasubsob sa gawaing bahay. Maglaan din ng oras para sa ibang bagay na nagpapasaya sa 'yo.

Sa ganitong paraan, maaalala ni mister na mayroon ka ring sariling buhay at hindi lang umiikot ang mundo mo sa inyong tahanan. Kailangan din niyang maglaan ng oras para tumulong sa gawaing bahay.

Larawan mula sa Freepik

  • Isipin kung aling gawain ang importante sa 'yo

May mga gawaing bahay na gusto natin tayo mismo ang gumawa, dahil mahalaga sa 'tin na magawa ito nang maayos. Makakatulong kung iisipin mo kung anong mga gawain ito. Hayaan ang iyong asawa na tulungan ka sa ibang gawain.

Halimbawa, mahalaga sa 'yo na ikaw ang magluto dahil mas may alam ka sa kusina kaysa kay mister. Kung ganoon, hayaan siyang tulungan ka sa paglalaba o pagpapaligo sa inyong anak. Habang ginugugol mo ang iyong oras sa pagluluto.

Kung mas magaling naman si mister na magplantsa kaysa sa 'yo. Hayaang siya ang gumawa ng gawaing bahay na ito habang ikaw naman ang nag-aalaga sa mga bata o nagpapahinga.

  • Pag-usapan nang maayos ang hatian ng gawaing bahay.

Walang hindi nasosolusyunan ng mabuting usapan. Ugaliing makipag-usap sa iyong asawa para maintindihan niyo ang pananaw ng bawat isa.

Maaaring noong bata pa siya, nasanay siyang ang kaniyang nanay ang gumagawa ng lahat ng gawaing bahay. Ipaintindi sa kaniya na iba na ang panahon ngayon.

Kapag pagod ka na, sabihin mo sa kaniya para mabigyan ka ng oras na magpahinga. Pero hangga't maaari, huwag itong sabihin nang galit at pasumbat para maiwasan ang pag-aaway.

Huwag din mahiyang humingi ng tulong sa iba, at turuan ang iyong anak ng mga gawaing bahay mapa-lalaki man siya o babae.

Isang paalala: hindi ibig-sabihin na mas mahirap ang buhay ng isang babaeng may asawa sa mga single moms. Mayroon rin silang mga hirap at suliraning pinagdaraanan na hindi nararanasan ng mga nanay na may katuwang sa buhay.  

Source:

Psychology Today, Washington Post, Time Magazine

Lead image: https://www.istockphoto.com/photo/asian-couple-tired-to-cleaning-floor-with-vaccuum-cleaner-sleep-on-a-brown-sofa-at-gm857649564-141600531

Sinulat ni

Camille Eusebio