Dividing household chores with your spouse, narito ang mga paraan kung paano.
Dividing household chores with your spouse
Ang paggawa ng mga gawaing bahay ay nakakapagod. Kaya naman bilang isang ina malaking tulong kung hahatian ka ng iyong asawa sa paggawa nito. Lalo na kung pareho kayong nagtratrabaho o kaya naman ay may parehong pinagkakaabalahan.
Ngunit, ang pagbubukas sa isyung ito kay Mister para sa iba ay mahirap. Lalo pa’t nakasanayan na ang mga babae ang in-charge sa gawaing bahay. Habang ang mga lalaki naman ang bahala sa paglalagay ng pagkain sa mesa o pagbibigay ng pangangailangan ng pamilya.
Napatunayan nga ito ng isang Gallup survey na ginawa sa 3,062 na mag-asawa at nagsasamang lalaki at babae sa US nitong 2019.
Survey tungkol sa hatian ng responsibilidad sa loob ng bahay ng mag-asawa
Ayon sa ginawang survey, lumabas na sa kabila ng pagsusulong ng pantay na karapatan ng mga babae at lalaki sa trabaho ay nanatili parin sa traditional na set-up ang paghahati ng responsibilidad sa gawaing-bahay. Ibig sabihin kahit na may trabaho na ang ina ng pamilya ay siya parin ang majority na kumikilos sa loob ng bahay.
Base nga sa survey, natuklasang 58% sa mga na-interview na couples ang nagsabing ang mga babae ang naglalaba. May 51% naman ang nagsabing ang mga babae rin ang naglilinis ng bahay at pati na ang naghahanda ng pagkain para sa kanilang pamilya. Pagdating sa pagdedecorate ng bahay, 62% sa mga couples ang nagsaing ang babae parin ang major decision maker. Tanging sa pagpapanatili ng kaayusan ng kotse lang lumamang ang mga lalaki na kung saan 69% ang gumagawa nito. Pati narin sa paglilinis ng bakuran na may 59% ang nagsabing lalaki ang in-charge sa gawaing ito.
May isang gawaing-bahay lang halos pantay na naghahati ang isang babae at lalaking mag-asawa. Ito ay ang pagbabayad ng bills o bayarin sa bahay na kung saan may 37% na babae ang nagsabing sila ang in-charge dito. Habang may 34% na lalaki rin ang umaming ginagawa nila ito.
Epekto ng hindi pantay na responsibilidad sa loob ng bahay ng mag-asawa
Malamang sasabihin mo bilang isang babae napaka-unfair. Para sa isang pag-aaral ay hindi lamang ito unfair, dahil ito ay maaring magdulot rin ng stress, fatigue, physical/psychosomatic symptoms, at work family conflict sa mga babae. Lalo na sa mga nagtratrabaho o gumagawa rin ng paraan upang makatulong sa pagpunan ng gastos ng pamilya. Dahil sa sobrang busy at pagsubok na mabalanse ang oras nila, ay hindi rin daw nagiging sapat ang rest at recovery ng isang babaeng ina. Ito ay nagpapataas ng tiyansa niyang magkaroon ng mahinang kalusugan. At magkaroon ng sakit tulad ng early-onset diabetes, heart disease, arthritis at cancer.
Madalas ang stress level rin na dulot ng pagkapagod sa paggawa ng gawaing bahay ang pinagmululan ng away. Pati na ang sumbatan at pagtatalo ng isang mag-asawa.
Kaya naman upang maiwasan ito, dapat lang na maging pantay ang distribusyon ng responsibilidad ng mag-asawa. Pero paano nga ba bubuksan ang topic na ito kay Mister? At ano ba ang tamang paraan upang maging pantay ang hatian ng responsibilidad ninyo sa loob ng bahay. Narito ang ilang tips na maari mong gawin.
Dividing household chores with your spouse, paano ito gagawin?
1. Maglaan ng oras upang mapag-usapan ninyo itong mag-asawa at i-set ang inyong priorities.
Bilang babae, sabihin mo ang nararamdaman mo upang malaman niya ito at makabuo kayo ng solusyon. Mahalagang malaman niya ang iyong nararamdaman, dahil maaring para sa kaniya ay hindi nakakapagod ang iyong ginagawa. Sa inyong pag-uusap ay ipaintindi sa kaniya, kung gaano kalaking bagay para sayo kung ikaw ay kaniyang tutulungan.
2. Gumagawa ng listahan ng mga gawaing-bahay at tukuyin ano ang hindi gustong ginagawa ng bawat isa sa inyo.
Saka gumawa ng listahan ng mga gawaing-bahay. At tukuyin ang mga bagay na ayaw na ginagawa ng bawat isa sa inyo. Dito magsimulang maghati o magbigay ng toka sa gawaing ito. Kung hindi uubra ang hatian sa isang gawain ay gawin ninyo ito ng magkasama bilang isang team.
3. Magkasundo kayo sa oras ng pagsasagawa ng gawaing-bahay.
Mahalaga ito sapagkat ang mga babae at lalaki ay magkaiba ang body clock. Mayroong iba na maagang nagigising, habang ang iba ay mas gising sa gabi. Kaya naman mahalagang ma-discuss ito sa paghahati ng gawaing-bahay. Upang ma-set ang expectations ng bawat isa sa paggawa ng inyong responsibilidad.
4. Hayaang gawin ng iyong asawa ang kaniyang task sa paraang gusto niya.
Bilang indibidwal, may kaniya-kaniya tayong style sa paggawa ng mga bagay-bagay. Kaya naman mas mabuting hayaan ang iyong asawa na gawin ang kaniyang responsibilidad sa paraang gusto at alam niya. Ngunit, kung hindi ka pabor dito, iwasang bungangaan siya. At sa halip ikaw nalang ang gumawa para hindi na masayang ang oras at effort ninyong dalawa.
5. Respetuhin ang oras at schedule ng isa’t-isa.
Sa oras na may lakad o importanteng meeting ang asawa ay respetuhin ito. Puwedeng ikaw muna ang pumalit sa responsibilidad niya. O kaya naman ay magkasundo kayo sa oras na magagawa niya ito na tugma sa schedule niya.
6. Kumuha ng kasama sa bahay.
Pero kung may extra budget naman kayo ay mas mabuting kumuha nalang ng kasama sa bahay na gagawa ng mga ito para sa inyo. Dahil maliban sa maiiwasan nito ang pagtatalo ninyo sa hatian ng responsibilidad, ay nagkakaroon pa kayo ng mas maraming oras sa isa’t-isa.
SOURCE: Gallup News, The Philippine Star, Sage Journal
BASAHIN: Hindi dahil hindi agree sa’yo ang asawa mo ay hindi ka na niya mahal
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!