Kapag baha ang dumating, seconds lang ang pagitan ng ligtas at delikado. At sa Pilipinas, kung saan normal na ang malalakas na ulan, hindi na pwedeng “bahala na.” Kailangang may plano, may Go Bag, at may training ang buong pamilya, lalo na ang mga bata.
Narito ang practical at family-friendly na gabay para maging flood-ready kayo kahit kailan dumating ang sakuna.
Bago Bumaha: Prepare Proactively
Flood-Ready Ka Na Ba? A Family Survival Guide Bago, Habang, at Pagkatapos ng Baha
1. Ihanda ang Emergency Go Bag
Hindi ito pwedeng last-minute. Ang Go Bag ay dapat ready to grab anytime, at may lamang essentials gaya ng:
-
Importanteng dokumento (naka-seal sa plastic)
-
Flashlight, baterya, whistle
-
Damit, towel, hygiene kit, face mask
-
Canned goods, tubig, gamot, cash
-
Fully charged powerbank
-
Notebook ng emergency contacts
2. I-flood-proof ang Bahay
Kung nasa flood-prone area kayo, gawin ang mga sumusunod:
-
Ilipat ang appliances sa taas o shelves
-
Seal ang electrical outlets na mababa
-
Iangat ang mga muwebles gamit ang blocks
-
Gumawa ng listahan ng mga valuables
-
I-disconnect ang kuryente kung aalis ng bahay
3. I-secure ang Mahahalagang Bagay
-
I-store sa waterproof envelope ang documents
-
Mag-backup ng digital files sa cloud o external drive
-
Isave ang emergency contacts sa phone at notebook
-
Magtalaga ng roles sa bawat miyembro ng pamilya
4. Ihanda ang Mga Bata
Walang mas kalmadong bata kundi yung alam ang dapat gawin. Practicein ang evacuation drill, ipaliwanag ng mahinahon ang plano, at isama sa Go Bag ang kanilang comfort items gaya ng toys o snacks.
Habang May Baha: Stay Calm, Stay Smart
-
I-monitor ang balita at alert level sa lugar ninyo
-
Iwasang lumusong sa baha (may bacteria o live wire)
-
Gamitin lang ang flashlight, hindi kandila
-
Panatilihin ang communication sa LGU o barangay
-
Kung kailangan ng tulong, kontakin ang mga ahensyang ito:
Emergency Hotlines:
-
NDRRMC: 911 or (02) 8911-1406
-
Red Cross: 143 or (02) 8790-2300
-
MMDA Flood Control: 136
-
LGU/Barangay Disaster Office: i-check ang updated number
Pagkatapos ng Baha: Safety First pa rin
-
Huwag agad bumalik kung hindi pa declared na safe
-
Iwasang humawak o lumusong sa tubig-baha
-
I-disinfect ang lahat ng gamit at surfaces
-
I-check muna ang electrical wiring bago isaksak
-
I-report agad sa LGU kung may sira sa kuryente, tubig, o gas
Magsimula sa Bahay ang Paghahanda
Flood-Ready Ka Na Ba? A Family Survival Guide Bago, Habang, at Pagkatapos ng Baha
Ang tunay na disaster preparedness ay hindi lang tungkol sa relief goods. Ito ay tungkol sa tamang mindset at planong sabay-sabay ginagawa ng pamilya. Kung matututo tayong maging handa ngayon pa lang, mas malaki ang tsansa nating makaiwas sa disgrasya bukas.
Isang simpleng checklist ngayon ay pwedeng maging dahilan ng kaligtasan ng pamilya mo.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!